Chapter 8: Weird?

56 4 0
                                    

CHAPTER 8

 

Naomi’s POV

 

Tapos na ang one week ko sa Ford Kingdom University. Masaya naman siya kaya lang minsan nakakadepressed dahil sa madaming homeworks and assignments. Tulad ngayon kailangan kong pumunta kina Steph para gumawa ng project namin. Bumaba na ako at pumunta sa garden dahil alam kong nandoon si lola.

“Lola, alis na po ako” sabi ko kay lola at nagkipagbeso kay lola.

“Sige. Mag-iingat ka apo”  Sabi ni lola.

“Opo, La” umalis na ako at sumakay na sa kotse.

***

Andito na ako sa bahay nila Steph at nandito na palang silang lahat. Nadatnan kong gumagawa na sila ng project namin. Busy sila sa paggawa nito kaya umupo nalang ako sa gitna nina Steph at Klein.

“Oh! Bakit ngayon ka lang?” tanong sakin ni Klein. Hindi ko pa pala nasasabi sa sa inyo. Last week, nagkasundo na kami ni Calvin. Mabait naman pala siya eh kaya lang di mo maaalis sa kanya ang pagkamayabang at masungit niya.

“Wala kang pakialam” pagbibiro ko sa kanya. Tumingin—hindi pala! Tumitig pala siya sakin.. ano bang problema nito?

“Ah ganun? Sige. Wala palang pakialam ha” sabay alis at tumabi sa gitna ni Amy at Hunter. Huh? Problema nito? Tinitignan ko lang siya.. pero ni isang tingin sakin wala. Teka.. bakit ba ako affected? Aiisshh.. Ano bang nangyayari sakin?

“Oisst! Mara ayos ka lang?” Bulong sakin Ava.

“Ahh.. oo naman” sabi ko at ngumiti ng pilit.

Owwsss? Yung totoo? Sinungaling!” Sabi niya.. teka—

halata po kasi sa mukha mo.”  Pagpapatuloy niya. Nginitian ko nalang siya at bumulong..

“Ewan ko sa kanya, bigla-bigla nalang kasi siyang hindi namamansin”

Pumunta kami sa kusina nila para kumain na ng lunch. Nakakainis lang dahil lahat ng tao dito pinapansin niya pero ako.. Nganga lang dito. Hayyy.. Ano bang nangyayari sayo Klein? Pagkatapos kong kumain, nilagay ko na sa lababo yung pinagkainan ko at pumunta na ako sa sala nang hindi ako nagsasalita.

Klein’s POV

 

NAKAKAINIS!! Nagtatanong lang naman ako kung bakit siya nalate tapos ‘wala kang pakialam’ ang sagot niya. Ginawa ko naman yung sinabi niya.. hindi ko siya papakialaman. Kanina pa tingin ng tingin sakin si Nami pero hindi ko siya pinapansin. Lahat ng kasama naming dito pinapansin ko except for Nami. Hmp! Sana maguilty ka jan! Galit ako sayo!

Ang CRUSH Kong MANHIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon