CHAPTER 3
Kent POV
“Kuya?!” halos mapatalon ako nang marinig ko yung boses na yun. Napatigin ako sa babaeng nagsalita si Mara lang pala. Teka si MARA?! Hala! Baka narinig niya yung mga pinagusapan namin, Hindi pwede baka magalit yun sakin.
“Ma-mara ka..kanina ka pa j-jan? Hala! Bakit ba ako nauutal baka mahalata niya ako dito.
“Ahhm.. kadadating ko lang kuya. Bakit? Nakahinga naman ako ng maluwag doon sa sinabi niya.
“Ahh.. wala naman. Kumain ka na?”
“Hindi pa kuya..” sabi niya sabay upo sa tabi ko. “At kuya bakit mo sila kasama?” Tanong niya sakin na parang naiinis. PATAY TAYO DIYAN.
“Ah..Kumain ka na. Mag-order ka na dun alam ko naman na hindi ka pa kumakain.” Pagpapalusot ko sa kanya. Sorry Mara, kailangan ko munang magtago ng sikreto sayo. Im so sorry.
“Psh. Okay” sabay irap dun sa limang lalaki na nasa harap naming at umalis na. Pagkaalis niya tinanong ako ni Liam.
“Bro, sino yun?” hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa katangahan ng lalaking ‘to.
“Liam, narinig mo naman siguro yung babae diba, tinawag niyang KUYA si Kent so it means kapatid niya” hahaha.. talagang diniinan ni Jared yung word na “kuya” para maintindihan niya talaga.
“SIYA ANG KAPATID MO?!” sabay-sabay nilang sabi at nagkatinginan.
“Oo may angal kayo? O baka naman takot kayo sa kanya?” pagloloko ko sa kanila.
“Kami? Takot sa kanya? Baka silang apat” pagmamayabang ni Evo.
“Pero tol mukhang ang maldita naman ng kapatid mo” saad ni Hunter na parang takot na takot.
“Ano bang pangalan niya tol?” tanong sakin ni Calvin na cool na cool lang sa upuan niya.
Bago ko sagutin yung mga tanong nila, ipapakilala ko muna sila para makilala niyo sila ng mabuti
Daryll Liam Martinez
-Mayaman din siya, gwapo din tulad ko. Nuxx. Pero may pagka slow lang siya minsan mahirap siyang pumik-up ng mga words. Kapatid niya si Evo. Mas matanda ng isang taon si Liam. NGSB yan ang torpe kasi eh.
Jared Flexier Santos
-Tita niya yung may-ari ng school na ‘to kaya minsan loko-loko rin ‘to. Bully rin minsan. MINSAN lang naman. May kapatid siyang babae, siya yung panaganay at dito sa school na ito nag-aaral yung kapatid niya. Ito naman hindi na niya makilala kung sinu-sino ang mga naging girlfriend niya dahil sa dami nila. Tinagurian nga siyang PlayBoy sa school na ‘to eh dahil sa sangkatutak na ex niya. Magaling din mambara nito kaya nakakainis siya minsan pero parang siya yung nagiging clown sa aming magbabarkada.
Lanz Evo Martinez
-Magkapatid sila ni Liam ngunit siya ang bunso. Di tulad ng kuya niya na torpe ito naman may girlfriend siya at seryoso siya dito. Sa totoo nga siya na yung pinakamatino na samin dahil minsan siya lang yung nag-aaral ng maayos. Siya yung honor student samin dalawa lang kami. Hehe.
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Teen FictionLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...