CHAPTER 7
Naomi's POV
Nagising akong namamaga yung mata ko. Huhu :'( parang hindi ko kayang pumasok ngayon. Pumunta na ako sa cr at naghilamos na pagkatapos nun bumaba na ako. Pagkababa ko, andoon si manang sa kusina, naghahanda ng pagkain.
"Oh anak! Gising ka na pala. Halika na kain ka na" sabi ni manang at hinila yung isang upuan. Umupo naman na ako at kumain na.
"Manang, asan po sila?" tanong ko kay manang, ayokong tawagin silang mommy at kuya.
"Ahmm.. Anak hindi ba sila nagpaalam sayo?" huh? Anong pinagsasabi ni manang?
"A..ano pong.. sabi niyo?" tanong ko na naguguluhan.
"Ahh.. Wa..wala anak, kain ka nalang jan at pagkatapos mo ilagay mo nalang sa lababo at ako na ang maghuhugas niyan. Maglilinis lang ako ha" sabi ni manang at umalis na. Hindi ako nakakain ng marami dahil naaalala ko yung mga naririnig ko kagabi. Matagal na palang alam ni "kuya" na hindi niya ako tunay na kapatid pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Paano pa siya nakakatulog ng mahimbing kung maraming kasinungalingan ang tinatago niya sa akin. Hayy.. Tama na nga! Niligpit ko na yung pinagkainan ko at nilagay sa lababo. Pumunta na ako sa kwarto ko at naligo na.
***
Pagkatapos kong maligo nagsusuklay na ako. Habang nagsusuklay ako ng buhok ko may nakita akong isang letter.. binuksan ko ito at nagulat ako kung ano ang nakasulat sa letter na 'to.
To: Mara
From: Kuya Kent
Dear Mara,
Ayokong abalahin pa ang pagtulog mo dahil ang sarap-sarap ng tulog mo kaya dinaan ko nalang sa letter. And I know na umaga mo na mababasa to kaya, GOODMORNING MARA :) haha. Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsulat ng letter sayo. Ganito kasi yun...Mara, we need to go in States may problema ang companya natin so kami ni mommy ang pumunta. Sabi kasi ni mommy na baka nag-eenjoy ka na sa Ford Kingdom University kaya iniwan ka muna namin. Dont worry.. Mabilis lang kami dun, baka 1 or 2 months lang kami dito so ingat ka ha. Hwag munang magboboyfriend. haha :D. Okay hanggang dito nalang ha masakit na kamay ko eh. Tatawagan nalang kita ha. Bye.
I will miss you and I miss you so much.
Nagmamahal,
Kuya Kent
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Genç KurguLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...