CHAPTER 2
Naomi’s POV
“The story of my life I give her hope, I spend her love until she’s broke inside, The story of my life(the story of, the story of)”
Arrgghh.. sino ba yung tumatawag ng ganito kaaga? Wala ba ‘tong magawa sa buhay at nambubulabog? Pwes wag ako ang guluhin niya dahil inaantok pa ako!! -__-‘ Tinakpan ko ung tenga ko gamit yung unan.
“The story of my life I give her hope, I spend her love until she’s broke inside, The story of my life(the story of, the story of)”
Aba!! Makulit ka ha.. Manigas ka jan.. Bwisit!! Ang ingay mo naming cellphone ka!!
“The story of my life I give her hope, I spend her love until she’s broke—”
“HELLO?! ANO BANG KAILANGAN MO AT TUMAWAG KA NG MADALING ARAW?!” Pasigaw Irita kong sagot sa kanya.
“Woaahh easy ka lang Mara si Kuya Kent mo ‘to. Nauna na ako dito sa school kasi marami pa akong aasikasuhin.” Ahh.. okay.. Officer kasi si kuya kaya dapat maaga sila.
“Pero paano ako?” tanong ko sa kanya.
“Pahatid ka nalang kay kuya Mar at wala na pala si Mommy nasa office na niya. Kapag may kailangan ka tawagan mo lang ako, don’t worry andyan naman sila lolo at lola eh”
“Okay kuya. Bye.” Ibababa ko n asana yung tawag nang magsalita ulit siya.
“Tapos ung pagkain mo nasa kusina at bumangon ka na diyan dahil kailangan mong maaga dahil marami nang tao mamaya, mahihirapan kang kunin ang schedule mo kapag hindi ka pa tatayo diyan”
“Okay. Okay po kuya. Bye.”
Pagkatapos ng convo namin ni kuya tumayo na ako at pumunta na sa cr. Pagkatapos kong maligo kinuha ko na yung uniform ko sa cabinet. WOW!! Ang ganda nito ^O^
(A/N: Hindi ko na po idedetalye kung ano yung itsura nung uniform basta tignan niyo nalang po yung multimedia sa gilid :D ------>)
Sinuot ko na yung uniform namin at bumaba na ako. Hindi na ako kakain magpapaalam na ako kay lola at lolo. Pumunta ako sa garden dahil alam kong nandoon si lola at tama nga ako.
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Teen FictionLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...