CHAPTER 6
Steph’s POV
“Ganito kasi yun… Kapatid ko naman talaga siya. Noong nag-away si mommy at daddy, umuwi si mommy ng Pilipinas sa bahay ng lolo’t lola ko. But nung nag-away sila, inisip ni dadyy na baka hindi na babalik si mommy dahil mga 4 years din kami dito sa Philippines. Sa company namin may nakilala si daddy na isang babae which is yung mommy ni Mara at secretary naman ni daddy, mahal na mahal niya ito kaya, niligawan ni daddy at nagpakasal sila. Hindi niya inisip noon na may pamilya siya kaya sa matagal na pagsasama ng second wife ni daddy nagkaroon sila ng anak, at yun si Mara.” Pagpapaliwanag ni Kent.
“Eh paano niyo naman nalaman na may anak siyang iba?” tanong ko kay Kent.
“Ahhmm.. sa pagkakaalam ko. Sinabi ito ni daddy kay mommy dahil ayaw niya ng nagsisinungaling kay mommy.” Ah bait naman ng daddy niya. Pero—
“Paano napunta sa inyo si Mara?” Liam
“Anong naging reaksyon ng mommy mo? Nagwala ba siya?” Evo
“Nagkita na ba kayo ng mommy niya?” Hunter
“Maganda ba yung mommy niya?” Jared
“HOY MAGSITIGIL NGA KAYONG APAT JAN!!” sigaw sa kanilang apat ni Calvin. Hayy.. naku, itong lalaki talagang to lagi nalang mainit ang ulo.
“Paano naming nakilala si Mara?” Simple lang, pagdating noon ni dad kasama na niya si Mara. At ang reaksyon ni mommy?
*Flasback*
Nagulat kami ng umuwi si daddy na may kasamang batang babae, natuwa ako noon kasi may kalaro na ako, pero nalungkot ako nang malaman kong siya ang dahilan kung bakit nag-away ulit sina mommy at daddy. Lagi ko siyang inaaway noon, naging malupit akong tao sa kanya noon. Kinausap ako ni daddy noon tungkol dito.
“Anak, bakit mo inaaway ang kapatid mo?” tanong sakin ni daddy noon.
“Sino pong kapatid ko? Wala po akong kapatid” sabi ko kay daddy noon, wala akong kaalam-alam noon sa mga nangyayari kaya sobra akong naguguluhan. Ngumiti lang sakin si daddy bilang sagot..
Isang araw.. narinig ko noon na nag-aaway sina mommy at daddy.
“Nick, kalian mo balak hiwalayan ang babaeng yun?! At anong gagawin natin sa batang yan?!” sigaw ni mommy kay daddy noon.
“Amy, hinaan mo lang ang boses mob aka marinig ka nang mga bata.” Sabi ni daddy na pinakakalma si mommy.
“Eh ano naman ngayon kung marinig nila? Ayaw mo nun na marinig ng anak mo ang mga kagaguhang ginawa noong wala kami!!”
“AMY, SHUT UP!”
“SHUT UP?! HOW CAN I SHUT UP KUNG ANG BATANG YAN AY ISANG ANAK MO SA IBANG BABAE? HA?!” sigaw ni mommy kay daddy..
*End of Flashbak*
“Noong bata ako, hindi maintindihan yung mga pinagsasabi nila pero nung lumaki na ako at lumawak na ang pag-iisip ko doon ko lang nalaman ang lahat, na kapatid ko lang si Mara sa ama” sabi niya at bigla siyang nalungkot. Hayy.. kawawa naman siya.
“Kent… Paano pag nalaman to lahat ni Mara?” tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at nag-isip.
“I don’t know” sabi niya -__-‘ nag-isip pa siya sa lagay na yan ha?
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Novela JuvenilLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...