Chapter 1: Julietta Ysabel Trajano

454 7 0
                                    

Juliet's picture ------------>

Juliet's POV

ZZzzzz

I'm a barbie girl in a barbie world. Life in plastic. It's fantas-

Nagising ako sa ringtone ko. Tumatawag pala si Meg. Bakit kaya ang aga naman niyang tumawag ngayon? Sasagutin ko na sana yung call niya nang mapatingin ako sa date na nasa screen ng cellphone ko.

Ngayon yung Orientation Day namin sa MCA!!! Agad kong sinagot yung tawag ni Meg at naglakad papunta sa banyo.

"Hello?"

(Uy Juliet!!!! Orientation naten ngayon. Huwag mong sabihin na maliligo ka palang?!)

"Hihihi! Oo. Sige na. Babye na. Sa school na lang tayo mag-usap."

(K. Bye.)

After 1 hour...

"Aalis na ako! Bye!" sabi ko sa dalawa kong kapatid at nagmadaling pumunta sa garahe namin.

Huhuhuhu! Sinabi ko nga pala kay Manong na hindi ako magpapahatid ngayon kasi magcocommute ako papunta sa school. Binilisan ko na lang maglakad palabas ng subdivision namin. Malayo-layo pa naman papunta sa school.

Buti na lang din at nakasakay agad ako ng fx. Dito ako sa likod nakasakay. Hindi pa nga lang ako nakakapag-almusal.

"Makikiabot po. Sa MCA po. Estudyante po." sabi ko at nag-abot ng 50 pesos.

"Miss, makikiabot." sabi sa akin ng katabi ko.

Napatingin naman ako sa kanya at kinuha yung pamasahe niya. Binuklat ko yung papel na pera at nagulat ako ng makita ko na 1000 pesos yung inabot niya sa akin. Napatingin ulet ako sa kanya.

"Why?" tanong niya.

"Kuya, barya lang po sa umaga." sabi ko.

Inayos niya yung pagkakalagay ng salamin niya.

"Wala akong barya eh. Pwedeng paki-abot na lang niyan?" tanong niya kaya inabot ko na lang din.

"Kanino 'tong Isang libo?" tanong ng driver.

"Sa akin po." sabi naman ng katabi ko.

"Wala ho ba kayong barya? Barya lang po sa umaga." tanong ng driver.

"I don't have." sagot ng katabi ko.

"Naku, hindi ko ho kayo masusuklian niyan. Unang pasada ko palang 'to. Saan ho ba kayo?" tanong ng driver.

"Sa MCA. You can keep the change kung wala kayong panukli." sabi niya.

"Naku, hindi po pwede." sabi ng driver.

"Magkaschoolmate naman pala kayo. Pahiramin mo na lang siya muna, ineng. Tapos, bayaran mo na lang sa kanya mamaya, iho." sabi naman ng pasahero na nasa harapan namin.

"Oo, tama. Bayaran mo na lang siya mamaya, iho. Mga taga-MCA nga naman, mga mayayaman talaga." sabi naman ng isa pang pasahero.

"Kuya, dalawang MCA na po yung 50." sabi ko.

"Oh sige." sabi ng driver.

Ibinalik sa katabi ko yung 1000 niya. Hindi na muli siya nagsalita. Sa tingin niyo, babayaran niya pa kaya yung 25 ko? Haha.

Anyway highway, ako nga pala si Julietta Ysabel Trajano and I'm 13 y/o. 2nd year high school student na. Just call me Juliet. I'm on my way to MCA (Moon Crescent Academy).

"MCA." sabi ng driver at inihinto ang fx.

Unang bumaba yung lalaking katabi ko at sumunod naman ako. Sabay kaming naglakad papunta sa gate ng MCA.

High School Life/Love LifeWhere stories live. Discover now