Chapter 20: One Sided Love

90 3 0
                                    

A/N: Hellooo!!!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Adrian's POV

"Pre!" bati sa akin ni Cole.

"Baket?" tanong ko.

"Si Juliet?" tanong niya.

"Ahhh..Di ko pa nakikita ehh.." sabi ko.

Di ko pa talaga siya nakikita ngayon. Kanina pa ako nandito sa room pero wala pa rin siya. Andito naman yung mga gamit niya. Baka may pinuntahan lang.

Kagabi,inihatid ko siya sa bahay nila. Wala kasi siyang sundo. Saktong umuulan pa naman at wala siyang dalang payong. Buti na lang at nakita ko siya. Kundi baka linuson na nun yung ulan. Anlakas din ng tama ehh.. Lulusob ba naman sa ulan. Ano akala niya waterproof siya? Hahaahahhahaha!

"Oh..ayan na pala siya ehh.." sabi ni Cole.

Napatingin naman ako sa kanya. Ba't parang mugto yung mga ata niya?

"Hi Juliet!" bati ni Cole sa kanya.

Ngumiti lang siya at umupo na sa tabi ko. Naglabas siya ng notebook at nagsulat.

Maya-maya lumapit sa amin sina Aaron at Chester. Napansin din ata nila na tahimik si Juliet kaya tinignan nila ako. Binigyan ko sila ng 'di ko rin alam' look. Umalis na rin sila kasi wala sa mood si Juliet.

Natapos ang tatlong subject at di niya pa rin siya nagsasalita. Wala kaming teacher sa 4th period kaya naman tinext ko si Meg kung magkaaway ba sila ni Juliet. Nagreply naman siya na hindi. Ano naman kaya nangyari dito kay Juliet?

"St. Agustin! May iniwan na gagawin sa atin si Ma'am. By pair itong activity naten. Kayo ng bahala kung sino gusto niyong kapair. Bale yung gagawin niyo ay ididiscuss niyo sa isa't isa yung word na maibibigay sa inyo. Then tomorrow, ishashare niyo bukas yung napag-usapan niyo. Gets niyo?" sabi ni Chester.

Nagyes naman kaming lahat.

"Dali partner na tayo!"

"Jessica partner tayo."

"Dating gawi."

Kanya-kanya silang pili ng magiging kapartner nila. Ako wala pang kapartner. Nagtaas ng kamay si Juliet.

"Ano yun Juliet?" tanong sa kanya ni Chester. Kaya naman lahat napatingin sa kanya.

"Pwedeng walang kapartner?" tanong niya.

"Wala ka pa bang kapartner? St. Agustin! Sino pang walang kapartner?" tanong ni Chester sa amin.

"Uy Adrian..Ikaw na lang partner ni Juliet..Wala ka pa namang partner..Kayo na lang partner,Juliet." sabi ni Chester.

Tumango naman si Juliet bilang pagsang-ayon.

May pinamigay na paper sa amin si Chester. Binuksan ko yung amin. Ang nakalagay "one sided love". Nakita rin naman ni Juliet yung nakasulat. Nakita ko sa peripheral view ko na parang nalungkot yung mga mata niya. Ano bang nangyari dito?

"Ano..Isusulat ko na lang sa paper yung idea ko about diyan..Bibigay ko na lang sa'yo mamaya." sabi niya sabay tungo at nagnap.

"Ahh..sige." sabi ko na lang.

Nagnap na lang din ako. Baka sakali na pag-angat ko ng ulo ko, makita ko na siyang nakangiti.

Juliet's POV

Lunch na pala. Bago ako lumabas ng room, hinabilin ko kila Aaron na sabayan na nila na maglunch si Adrian. Dumaan din muna ako sa washroom atsaka dumaretcho sa cafeteria. Mag-isa na lang akong pumunta sa cafeteria. Wala rin naman si Meg ehh..Kasama niya yung iba niyang friends and syempre sino pa ba ehh d si Ivan..Kaya mag-isa ako. Anyway, sanay naman na ako.

High School Life/Love LifeWhere stories live. Discover now