Chapter 26: Chance?

66 3 0
                                    

A/N: Hello guys! Update na! Enjoy reading Mwah!

Meg's POV

Kahit ayaw kong pumasok ngayon, hindi ko magawa. Malapit na kasi ang test days. This week na. Kaya kailangan kong pumasok. Kahit naman may pinagdadaanan ako ngayon sa pag-ibig, mas dapat ko pa ring unahin ang pag-aaral ko.

Bumangon na ako at nagtungo sa cr para maligo. May note na nakadikit. Adik lang si Juliet. Bakit sa pinto ng cr? Hahahaha! Buti na lang at nandito siya kahapon para icomfort at pakinggan ako.

Meg,

Pumasok ka ha! Malapit na magtest kaya pumasok ka. Kapag di ka pumasok, edi absent ka. Hahahahaha! Kumain ka ha! Nakatulog ka na nga pala kagabi kaya umuwi na ako. See you sa school.

- Juliet

Natawa na lang ako sa note niya. Pumasok na ako sa banyo para maligo. Buti na lang at hindi halata yung mugto kong mga mata. Pagkababa ko, nakita ko yung kapatid ko na nagaalmusal na. Binati niya ako ng good morning. Umupo na ako sa tabi niya at kumain na rin. Pagkatapos ay nagtooth brush na kami at umalis na ng bahay.

Buti na lang din at nakaalis na sila mommy. Baka mahalata pa nila na umiyak ako. Pagkarating ko sa school, dumaretcho na ako sa room. Wala pa pala si Juliet. Ako, si Adrian, at yung isa pa naming classmate palang ang nandito. Nilabas ko yung binder ko at nagbasa. Kung nasasaktan man ako ngayon dahil sa pag-ibig, dapat na ilugar ko iyon. Sa school, dapat mag-aral ako.

Maya-maya pa ay dumating na si Aaron. Walang imikan sa aming dalawa. Siguro naguiguilty siya sa pagsali sa pustahan nila ni Ivan sa akin. Tch. Dapat lang na maguilty sila!

Maya-maya din ay dumating na si Juliet. Inayos niya muna ang gamit niya at tinext ako na punta daw kami sa rooftop.

"Meg, okay ka na ba ngayon?" tanong ni Juliet pagkarating namin sa rooftop.

"Slight. I think you're right. I should listen to their explanation. But I think, I can't trust Ivan anymore after what he did." sabi ko.

Ansakit pala na pinaglalaruan ng taong minamahal mo.

"Buti naman at naisip mo yan. Makipag-usap ka muna nang maayos kay Ivan. Whatever your desicion is, remember that I will always here for you." sabi niya.

"Thanks. Pahiram pala ako ng binder mo. Kokopyahin ko yung mga notes na di ko nakopya." sabi ko.

"Oh halika na nga para makasimula ka na sa pagkokopya. Ang dami pa naman naming sinulat." sabi niya.

Bumalik na kami sa room. Sinimulan ko ng kopyahin yung notes ni Juliet. Habang nagsusulat ako, biglang nagsalita si Aaron.

"Meg, sorry sa nagawa namin sa'yo. I know nagkamali kami at nasaktan ka. Pero sorry pa rin." sabi niya.

Dapat lang na magsorry siya nohh!

"Tch. Oo na. Pasalamat ka at katabi kita" sabi ko.

"Talaga?! Thanks." sabi niya.

At dahil nga bati na kami, bumalik na naman siya sa pagiging singer niya katulad dati.

Nagsimula ang subject number 1. Wala daw si Ma'am dahil nasa faculty pero may iniwan siya na kokopyahin namin.

"Oh eto. Ibalik mo muna kay Juliet." utos ko kay Aaron.

Napatingin naman siya sa akin pero kinuha din naman niya at binalik kay Juliet yung binder niya.

Sumunod pa ang dalawang subject na puro discussion lang hanggang sa magrecess na. Lumapit na si Juliet sa akin pero tuloy pa rin ako sa pagkopya ng binder niya na pinakuha ko ulet kay Aaron.

High School Life/Love LifeWhere stories live. Discover now