Chapter 22: French Fries And Water

92 3 0
                                    

Adrian's POV

"Sigurado ba kayo?" tanong ko habang nakangiti.

"Oo nga tol. Siya na mismo ang nagsabi." sabi ni Cole.

Lalo akong napangiti.

"Huwag ka ngang ngumiti diyan. Ang ineexpect pa naman namin na reaksyon mo ay magagalit. Hindi yung ngingitian mo kami." sabi ni Aaron.

"Hayaan niyo na mga tol. Tinamaan na talaga siya ni Kupido." sabi naman ni Chester at tumawa naman silang tatlo.

"Manahimik na nga kayo!" masungit na sabi ko sa kanila na ikinatigil ng pagtawa nila.

Maya-maya pa ay nagring yung cellphone ni Chester.

"Ahhh.. Sige. Okay lang." sabi ni Chester at lumayo sa amin.

Sino namang kausap neto?

Kinuha ko yung cellphone ko. Tinignan ko kung may text ba. Meron nga. Inopen ko. Galing kay Juliet.

Good Morning! ^^

8:02 am

Napangiti naman ako nang mabasa ko yung text niya. 9 na. Ngayon ko palang nabasa yung text niya. Rereplayan ko na sana siya nang tawagin ako ni Chester.

"Adrian!" tawag sa akin ni Chester.

"Bakit?" tanong ko.

"Tara na sa school." sabi niya.

Sabado ngayon pero papunta kami ngayon sa school. May try out kasi sa basketball ngayon kaya naman magtatry out kami.

Pagkarating namin sa school, pinapila na kami. Unang nagtry si Cole. Sumunod naman si Aaron at sinundan naman ni Chester. At ang huli ay ako.

"Sa Monday na namin sasabihin kung sino ang mga pasok." sabi ni sir at umalis na.

"Tol, hintayin ka namin sa labas." sabi nilang tatlo.

Pagkatapos kong magpalit ng damit, lumabas na ako. Naupo muna ako sa upuan habang hinahanap yung tatlo. Ansabi nila hihintayin nila ako sa labas pero wala naman sila. Ugok talaga yung tatlong yun! Paalis na sana ako doon nang may tumawag sa akin.

"Adrian!" tawag sa akin ni Juliet na nakangiti habang palapit sa akin.

Para naman akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

"Ay! Wala man lang bati?" pabirong taong niya na kunwari'y nagtatampo.

"Ahh... wala?" sabi ko na pabiro.

"Nu ba yan~ Sino nga palang inaantay mo dito?" tanong niya.

"Sila Cole. Nagtry out kasi kami sa basketball kanina" sagot ko.

"Ahhhh.. kaya pala sila nakapang varsity pero umalis na sila kanina." sabi niya.

Tch. Sabi na nga ba ehh..

Nakaramdam ako bigla ng pagkauhaw. Kaya naman kinuha ko yung tumbler ko pero wala na palang laman.

"Nauuhaw ka na? Eto oh. Kahit ubusin mo na" sabi niya sabay abot ng tumbler niya.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Ayaw mo? Ahhh.. okay. Ang arte mo naman. Saglit lang bibili ako. Upo ka muna diyan." sabi niya sabay hawak sa braso ko at pinaupo ako.

"Pahawak muna saglit nitong bag ko." sabi niya at binigay sa akin ang bag niya na red.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya naman ay wala na akong nagawa kundi hayaan siya na bumili ng tubig ko. Natuwa naman ako sa ginawa niyang pag-alok ng tumbler niya. Pero hindi niya dapat shinashare yun ng basta-basta na lamang.

High School Life/Love LifeWhere stories live. Discover now