Chapter 4: A Month

210 6 0
                                    

Juliet's PoV

A month has passed and it's July now. Nakilala ko naman na yung mga kaklase ko. Ok naman itong section namin kaso madalas nga lang kami mapagalitan dahil sa sobrang kaingayan at karamihan ay mga pasaway pagdating sa di pag-gawa ng mga assignment, sobrang kadaldalan, atbp. Ngayong araw pala ang election day ng school. Kahapon yung nomination at hindi makapaniwala yung moderator namin sa mga nanominate sa isang party kasi binubuo ng mga pasaway na estudyante.

Yung isang party na halata raw na mananalo ay binubuo nila Elza, Lyla, Kesha, Cris, Alden, at Jenny kasi matitino raw sila at halatang mas maganda ang magiging kapalaran ng section namin kapag sila ang nanalo kaysa naman daw sa isang party na binubuo nga ng mga pasaway. Itong isang party, binubuo nila Ilagan, Salvano, Krissa, Ricardo, Manalo, at Tora. Ano kayang mangyayari mamayang election?

Pagka-akyat ko sa second floor, nasalubong ko yung skeletal teacher ngayon araw. Tinanong niya ako kung anong section ko. Nang sabihin ko na St. Agustin, pinaderetsyo niya na ako sa room. Tinignan ko yung oras sa relo ko, 5:21 am. May tao na kaya sa room? I'm sure na wala pa dun si Meg. Mga Isa pa nga pala sa araw-araw na nangyayari sa room ay yung daily sermon ni Ms. Dela Cruz sa amin kasi di raw malinis yung room namin kaya naman tuwing umaga, nagvovolunteer na akong magwalis sa room since maaga naman akong pumapasok. Pagka-open ko ng pinto namin, wala akong nadatnan. Inopen ko ung dalawang ilaw at dumaretsyo sa upuan ko. I placed my bag on my chair at isa-isang binuksan yung mga bintana para mas maliwanag.

Kinuha ko yung walis at nagsimulang magwalis sa pinakaharapan. Ang technique ko sa pagwalis ay iniwawalis ko palikod yung mga dumi at inuusog ko isa-isa yung mga upuan paharap. By row yung pagwalis ko. Bawat row, may sampung upuan. May limang row kami. Gawa sa kahoy itong floor sa building namin kaya naman rinig na rinig ang pagkalabog sa bawat floor.

Nakakadalawang row na ako sa loob ng limang minuto. Kailangan ko pang bilisan at baka mamaya dumating na sila. Siguradong maaga dadating ngayon ang mga estudyante kasi election day nga. Hinila ko paabante yung pang-sampung upuan sa third row nang mapansin ko na dumating yung isa kong kaklase. Siya si Chester Manalo, kaparty nila Ilagan. Tumatakbo siya as Sergaent at Arms for boys. Nagmamadali siyang pumunta sa upuan niya at inilapag yung bag niya. Lumapit agad ako sa first row at sinimulang ibalik sa tamang pwesto yung mga upuan kasi baka dumating na yung iba.

Lumapit naman si Manalo at tinulungan akong ayusin yung upuan. Nagulat naman ako. First time kasi na tumulong siya sa akin and we never spoke to each other since the first day of classes. He seems like a nice and outgoing person. Palangiti rin siya at mukhang masayahin. Maya-maya pa ay dumating sina Meg at si Maria. Tumulong din si Meg na mag-ayos ng upuan. She always help me every morning to clean kapag nasa mood siya or kapag tapos na niya yung homework niya.

"Oyy.. ang aga mo talagang pumasok." sabi niya sa akin habang nagwawalis ako at siya naman, hinihila yung mga upuan.

"Election day kasi ngayon kaya sigurado akong mas maaga papasok yung mga kaklase natin pati si Ms. Dela Cruz. Wala naman tayong homework diba?" tanong ko sa kanya at umiling siya.

Napatingin nanaman ako kay Manalo na nag-pupunas ng board namin.

"Oy. Bilisan mo nang magwalis, Juliet." sabi sa akin ni Meg.

"Okie dokie. Ahahaha." mahinang sabi ko at natawa naman siya.

***

Meg's PoV

"Today, 31st of July 2013, 43rd day after the classes for this 2013-2014 school year started, will be having our election day with the participation of every student and teacher, and other school staff. I hope everyone will use this opportunity to choose and vote the right people they think will be a good officers. Vote who you think will help your class for a better change and lead you with just and fairness. Remember that everyone who is here to participate and become part of this election has done their role as a student of Moon Crescent Academy. Take your time to vote and securely fold your ballot paper and put it inside the ballot box. Wait for the signal that will determine that you can officially start the election."

High School Life/Love LifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя