Chapter 29: Gala 1.2

82 2 0
                                    

Juliet's POV

(Hoy Juliet!!! Nasan ka na?!?! Malelate tayo niyan!)

"Malapit na ako. Sige na bye-bye."

(Bilisan mo.)

*toot toot*

After 10 minutes, nakarating na rin sa meeting place namin nila Meg.

"Hihihihi! Sorry ngayon lang ako." sabi ko.

"Ok lang." sabi ni Sarah.

Siya si Sarah Bernardo. Ang aming KPOP Lover at pinakatahimik na kaklase.  Hahaha! Di kasi siya madaldal katulad ng mga kaklase namin.

Anyway, sinama niya yung younger sister na si Aiza. KPOP Lover din. Haha!

"Ang bagal-bagal kasi! Tara na nga at umalis na tayo." sabi ni Meg.

Sumakay kami ng FX. Yun kasi yung sabi ng aming guide na si Alice.

"Uy magkano pamasahe?" tanong ni Meg.

"25" sagot ni Alice.

Si Alice Quezon nga ang guide namin ngayon. Kaklase din namin siya. KPOP Lover din siya katulad namin kaso may pagka OA nga lang siya pero mabait naman. Naging classmate kasi namin siya ni Meg nung grade 3 kami kaya close naman kami kahit papaano.

"Uy Juliet. Eto pamaasahe ko." sabi ni Meg habang inaabot ang pamasahe niya sa akin.

"Anong gagawin ko diya? Ibayad mo na kaya." sabi ko.

"Ikaw na." sabi niya at nilagay sa kamay ko.

Kumuha na rin ako ng pamasahe ko.

"Bigay niyo na lang kay Juliet para isang pasada na lang." sabi ni Meg.

Binigay naman nila sa akin yung pamasahe nila.

"Oh sukli mo, Alice." sabi ko sabay abot ng 25 pesos.

"Makikiabot po. Salamat." sabi ko pagkaabot ko ng pamasahe naming lima.

Pagkaabot ko ng bayad namin, tungin ako sa kanila. Nakatingin sila sa akin.

"Baket?" tanong ko.

"Wala!" sagot nila.

Sunod naming sinakyan ay MRT. Andaldal pala ng kapatid nitong si Sarah. Nasa Seventh Grade pala siya.

"Eto pamasahe ko." sabi ni Meg.

Sabi ko nga ako pipila. -___-

"Oh card niyo." sabi ko.

Wait. Nasabi ko na ba sa inyo kung saan kami pupunta? Hindi pa nohh? Papunta kami sa CNA Bibili lang ng kung ano! Haha!

"Ayan na yung MRT! Juliet bilisan mo!" sabi ni Alice.

Aray Natulak-tulak ako! Huhuhuhu!

"Ano ba?!" masungit na sabi ng babae.

Waaaaaa!!! Galit sa akin yung babae.

"Sorry po." sabi ko.

"Che." sabi niya.

Lumapit agad ako kila Alice na nakatingin sa akin. Huhuhuhuhu! Nagalit sa akin yung babae!

Meg's POV

"Huhuhuhuhu! Nagalit sa akin yung babae. Di naman ako yung nakatulak sa kanya ehh.." sabi ni Juliet.

"Hahahaha!" tawa namin.

"Nakakainis kayo. Ba't ba kasi kayo nagtulakan?! Natulak niyo kaya yung babae. Ako pa tuloy pinagalitan." sabi niya.

High School Life/Love LifeWhere stories live. Discover now