A/N: Hi guys! Update na. Enjoy reading!
Adrian's POV
Asan na ba yung si Juliet? Malapit ng mag7 wala pa rin siya. Makakapunta pa kaya yun?
"Adrian, di pa ba tayo papasok?" tanong sa akin ni Cole.
"Mauna na kayo." sabi ko.
"Hindi. Sabay-sabay na natin siyang intayin. Basta kapag, nag 6:45 na pumasok na tayo." sabi ni Chester.
Hinintay nga namin si Juliet pero ala. Eskastong 6:45 am, pumasok na kami sa loob at naupo.
Maya-maya pa ay dumating na siya.
"Hi!" bati niya sa akin at ngumiti nang makita ako.
Tinanguan ko lang siya.
"Ay? Wala nanamang bati?" pabiro ulet niyang tanong sa akin.
Mahaba na pala ulet ang buhok niya. May sasabihin pa sana siya nang biglang magsalita si Chester kaya naman di na nasabi ni Juliet ang kanyang sasabihin.
"Maupo ka na Juliet. Baka mapagalitan ka pa ng teacher." sabi niya.
"Ok." sabi niya.
Naupo siya sa harapan ko na tabi ng isa naming classmate.
Nakatingin lang ako sa buhok ni Juliet habang nakaupo. Itim na itim ang kanyang buhok.
Past 7 na ng mag umpisa ang misa. Natapos ito mga 8:05 am na. Pagkatapos ng misa, kanya-kanya kaming lapit sa mga teachers at kay father para magbless.
Lalapitan ko na sana siya nang kausapin siya ni Cole. Maya-maya pa ay may tumawag sa kanya.
"Trajano!" tawag sa kanya ng lalaking sa tingin ko ay Taekwondo Player dito sa school dahil sa suot niyang shirt na may logo nila.
"Hi Dan!" bati ni Juliet na nakangiti sabay kaway pa dito.
Tch. Makangiti lang ha!
Lumapit naman yung lalaki kay Juliet.
"Naku! Narinig mo ba yung sinabi kanina nila Hano?" tanong pakunwari ni Cole kay Aaron.
"Ahhh.. oo. Yung yayayain ba nila Hano si Juliet na kumain?" Sagot na patanong ni Aaron kay Cole habang nakangisi at nakatingin sa akin.
Tch. Si Hano nanaman!
"Juliet!" tawag ni Aaron kay Juliet.
Napatingin naman ito sa kanya
"Bakit?" she mouthed.
"Lumapit ka raw kay Adrian!' sigaw ni Cole.
"May sasabihin daw!" sigaw naman ni Aaron.
"Ok" she mouthed again.
Nag-usap pa sila saglit nung lalaking may pangalan na Dan at naglakad na palapit sa akin. Pero bago siya lumakad palapit sa akin, tumawa pa ito sa sinabi ng lalaki matapos nila akong tignan.
Anong kagag*han naman ang sinabi ng lalaking yun?
"Bakit?" tanong niya sa akin.
"Sama ka sa amin sa KFC?" tanong ko.
"Huh? Inaya ako nila Hano na kumain ehh." sabi niya.
"Okay. Ililibre pa naman sana kita." sabi ko ulet at tumalikod na.
"Talaga? Sige. Walang bawian yan. Saglit lang sasabihin ko kay Hano." sabi niya.
Tch. Hano nanaman
"Saglit lang ako." sabi niya at nagmadaling umalis.
"Ayos! MagKKFC tayo!" sabi ni Cole.
"Oo na." sabi ko.
YOU ARE READING
High School Life/Love Life
Teen FictionHigh School Life/Love Life (We Love You Classmates) This story is all about high school life/love life. It will focus about the two best friends, Meg and Juliet. Juliet is a simple girl who has a funny imagination more than you could imagine. She is...