A/N: Same day po ito sa last chapter.
Meg's POV
"Juliet,samahan mo na ako bumili!" sabi ko sa kanya.
Magkausap kami ngayon ni Juliet sa telepono.
(Gusto ko sana kaso may training kami sa taekwondo.)
"Kahit saglit lang." sabi ko.
(Sige na nga...Basta 7 am andun na ako...Sa bench kitaan.)
"Ok" sabi ko habang nagffb.
(Nga pala,magsisimba ako sa Sunday sa school...Punta ka?)
"Tignan ko...Baka magsimba din kami sa Sunday eh." sabi ko.
(Ahhh..Ok)
"Juliet, kayo ni Adrian ha! Ang close-close niyo na ha! Baka naman iba na yan sa sinabi mo sa akin dati." sabi ko.
(Hindi nohhh..His my friend. I told you last week na hindi niya ako magugustuhan. Alam naman natin na hinding-hindi ako nun magugustuhan..Diba nga magkakumpintensya kami dati..And besides,alam ko naman na mahal niya pa rin si Mara. Nararamdaman ko na hindi pa siya nakakamove on every time na nakikita niya si Mara. Naaapektuhan pa rin siya sa presensiya ni Mara.)
"Ahhh..Makakamove on din yun...nararamdaman ko. Basta ikaw..tandaan mo ito. Bata ka pa...Ako muna magboboyfriend! Hahahahaha!" tawa ko.
(Oo na...Hahahahahaha! -Ate! Matulog ka na!)
"Kapatid mo?" tanong ko.
(Ahhh...Oo, sige na...Bukas na lang ulet. 7 Am sa bench.)
"Geh." sabi ko.
(Bye-bye!)
*toot* *toot*
Kinabukasan sa School.
7Am andito na ako kagaya ng sabi ni Juliet. Dumating na din siya maya-maya.
"Tara na. Marami ka bang bibilhin?" tanong niya.
"Tama lang...Sa akin kasi naassign eh...Eto yung listahan." sabi ko sabay abot sa kanya ng papel habang naglalakad kami papunta sa National Bookstore.
Pagkarating namin, isa-isa na naming kinuha yung mga nakalista.
"5 Black Pentel Pen..3 Yellow Cartolina..2 Blue Cartolina..1 scotch tape..5 Pencils..3 Glue. Colored paper." sabi niya.
"Okay na...Tara na bayaran na natin." sabi ko.
"Pumila ka na...Punta lang muna ako doon sa book section." sabi niya.
Pumila na ako...Pagkabalik niya, may hawak siya na isang libro. Mahilig kasi siyang magbasa ng mga novel.
"Pasingit." bulong niya.
"Ayoko nga..Hahahahaha!" biro ko.
Sumimangot naman siya pero natawa na rin.
"297.50 pesos all ma'am." sabi ng cashier.
"I received 300...Here's your changed ma'am. Thank you!" sabi niya.
" 399 pesos ma'am." sabi ng cashier.
"I received 500..Here's your changed ma'am. 101 pesos. Thank you ma'am." sabi ng cashier.
"Thank you." sabi naman ni Juliet.
Naglakad na kami pabalik sa school.
"Meg, nasabi mo na ba sa parents mo about sa inyo ni Ivan?" tanobg ni Juliet.
"Oo nga noh..Hindi pa..I'll tell them later when they got home..Sasabihin ko na din kay Ivan yung about dun mamaya." sabi ko.
Nagpaalam na rin ako kay Juliet na uuwi na ako nang magtext si Ivan sa akin. Magtatry out daw sila sa basketball mamaya...Kita daw kami mamaya.
Inuwi ko muna yung binili ko at bumalik din sa school. Pupuntahan ko na sila sa canteen.
Ayun sila! Nakangiti akong dahan-dahang lumalapit sa kanila na nakatalikod sa akin.
"Pre, one day na." rinig kong sabi ni Cole.
"Nga naman." sabi ni Aaron.
Anong one day?
"Mga pre..Itigil na natin itong pustahan na yan..I realized na hindi ko pala kayang gawin yun kay Meg." sabi ni Ivan.
Sa akin?
"Hindi ko siya kayang saktan. Lalo na kapag nalaman niya na pinagpustahan lang ang lahat ng ito." sabi ni Ivan at tumayo pero nakatalikod pa rin sa akin.
"Pero Ivan..Pinagpustahan lang natin siya diba. Sumang-ayon ka naman dati na isang araw lang na magiging kayo at ibrebreak mo siya eh.." sabi ni Cole.
A-ano? Pu-pustahan?! A-ako?! Para akong sinaksak sa puso sa narinig kong iyon. Isang araw. Hindi. Wala pa ngang isang araw na kami, malalaman ko na lang na ganito?! Na pinaglalaruan lang niya ako?! Nila?!
"Ayoko na nga pa- Meg?!" gulat na tanong ni Ivan nang humarap siya sa pagkakatalikod at makita ako.
"It's not what you think. I'll explain." sabi ni Ivan.
Tunalikod na agad ako at tumakbo paalis sa canteen. Pinaglaruan lang nila ako. Masakit. Akala ko, seryoso siya sa akin. Ako lang pala ang nagseseryoso.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo habang pinipilit na hindi maiyak sa aking nararamdaman sa nalaman kong iyon.
"Wait Meg!" tawag ni Ivan.
"Ugh!" sabi ng lalaking nakabunggo ko.
Hindi na ako nakapagsorry dahil baka in anytime, babagsak na ang aking luha. Hindi ko na rin naman nga nakita ang mukha niya.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa studio at doon umiyak nang umiyak.
Napakasakit..Minamahal ko siya pero pinagpustahan lang nila ako..Isang araw?! Bw*sit! T*ngina naman ehhh.....
A/N: Good Evening! Nakapag-update na rin kami ulet. Maiksi lang ang chapter na ito pero sana nagustuhan niyo.
Vote and comment. Thank you!
Happy Birthday Kris! Stay strong, healthy, and handsome. #HappyWuYiFanDay #GalaxyFanfanDay
Follow us on Twitter: Li19Anne21
YOU ARE READING
High School Life/Love Life
Teen FictionHigh School Life/Love Life (We Love You Classmates) This story is all about high school life/love life. It will focus about the two best friends, Meg and Juliet. Juliet is a simple girl who has a funny imagination more than you could imagine. She is...