Meg's POV
Maaga akong nagising dahil first day ng pasukan namin ngayon. After kong maligo at mag-ayos, bumaba ako para mag-almusal. I saw my little brother having his breakfast alone. Umupo ako sa harap niya.
"Sila mommy at daddy? Umalis na?" tanong ko at nagsimulang kumain.
"Oo." sagot niya.
He's Mark nga pala. Ang little brother ko. 5 years ang agwat namin. Grade 3 na siya.
MCA
"Bye Ate Meg!" sabi ni Mark.
"Bye." sabi ko.
Malayo-layo pala yung room namin. Second floor lang naman siya kaso pangalawa sa dulo at nasa Full Moon Building pa siya. Pasimple kong tinitignan kung ano ang mga section ng mga room na malapit sa room namin.
St. Patrick
St. Veronica
Napatingin ako sa room ng St. Veronica pero wala pa siya dun. Mamaya pa siguro yun dadating. Yung sunod na room naman ay di ko napansin dahil may tumawag sa akin. Yung dati kong classmate. Tinanong niya ako kung anong section ko. Nalaman ko na St. Matthew pala yung nasa pinakadulo na room at katabing room ng room namin.
As I enter our room, nakita ko yung karamihan sa mga dati kong classmate. Kaso Veronicans nga pala si Ivan pero kaklase ko sila Aaron at Chester, yung mga kaibigan niya.
Umupo ako sa bandang harap kagaya dati. Maya-maya pa natuwa ako nang makita si Juliet na nakaupo sa pinakadulo kagaya pa rin ng dati. Lumapit ako sa kanya pero nakatingin siya dun sa lalaking matangkad na gwapo na nasa pintuan.
Kaklase ba namin si Adrian?
Matagal siyang tinignan ni Juliet. Mali, matagal silang nagkatinginan ni Juliet. Parang may "something'? Parang may mali eh. Kaya naman, napilitan ako na yugyugin si Juliet para matauhan siya. Napansin naman ni Adrian yung ginawa ko kaya parang natawa siya nang kaunti.
"Meg? Nananaginip ba ako?" tanong niya.
"Huh?" sabi ko at umupo sa tabi niya.
Muling tumingin si Juliet kay Adrian at mukhang nagulat si Juliet.
"Siya yun girl! Si Adrian!!!"
"Kyaaaaah!!! Adrian!"
"Ayos! Kaklase natin siya."
"Maganda na ba ako girl?"
"We're so lucky!"
Tumingin sa akin si Juliet na namumula. Hahahahaha. Ipinatong ni Juliet yung ulo niya sa desk at tumingin sa akin.
"Anong nangyayari?" Tanong niya.
"It looks like he's our classmate." sabi ko at pasimpleng tinignan si Adrian.
Buti pa si Juliet, classmate niya yung gusto niya. Ivan kasi ehh.. ba't ka nagpabaya?
I know that if you're really for me, you're really for me. I belive in destiny.
"Pero bakit? Sa 21 sections na meron sa grade natin, bakit sa section pa natin siya napunta? Bakit hindi na lang sa iba?" tanong ni Juliet.
"Destiny? Ewan. Hahahaha. Ayaw mo yan, makikita mo siya minu-minuto." sabi ko.
"Naniniwala ka pala sa Destiny. Sa totoo lang, hindi ako komportable na maging kasection siya. Bumibilis nang sobra yung tibok ng puso ko." sabi niya.
"Hahahaha. Baliw. It only means you still have feelings for him. But you know Juliet, antagal mong tumingin kanina sa kanya." sabi ko.
Namula naman siya at pinalo nang mahina yung braso ko. Ang hilig talaga nitong manakit eh noh.
YOU ARE READING
High School Life/Love Life
Teen FictionHigh School Life/Love Life (We Love You Classmates) This story is all about high school life/love life. It will focus about the two best friends, Meg and Juliet. Juliet is a simple girl who has a funny imagination more than you could imagine. She is...