Chapter 5

89 4 8
                                    

Chapter 5

It's been days since my graduation day at ilang araw na din akong tambay dito sa bahay. Baking, cooking, reading, movie marathon. That's all I do. I'm not complaining though. If you're doing what you love, you'll never get tired of it.

Right now, I just finished adding frosting sa unang batch ng cupcakes. My job isn't over yet since may mga ilang batch pa akong gagawin. Summer at bakasyon na, that means, mas dumadami ang mga order sa bakery.

It's only 8 in the morning at super busy na sa bakery. My mama is busy mixing all the cupcake batter. Si Tita Helena naman ang nagawa ng mga frosting. Ako at si Hailee ang assigned sa cupcake decorating. Samantalang si Manang Doris naman ang naglalagay ng mga cupcakes sa box. Pwede naman naming gawin ang mga ito kagabi, kaso, ang mga ginagawa namin ngayon ay kahapon lang inorder at ngayon ang pickup at busy din kami kagabi.

I heard Hailee sighed heavily. "Momsy, pwede magpahinga muna?" Hailee asked Tita Helena. "Isang oras na tayong puros cupcake ang kaharap..."

"Hailee, anak, nung naglayas ka ba, sa tingin mo nakapahinga ako? Halos mamatay kaya ako sa takot gawa mo." Tita Helena replied. "Tsaka, ayos lang yan. Konting tulong lang 'yan para sa bakery."

Hailee groaned. "Hindi nga po ako nag layas!"

According to her, hindi naman daw talaga siya naglayas. Nagtext daw siya kay Tita na may pupuntahan siya, pero wala na pala siyang load. At, lowbatt na ang phone niya.

"Bakit nga po pala ang daming order ngayon?" I asked. Kung ano-anong klase ng cupcakes ang kailangan namin tapusin. May red velvet, chocolate, vanilla, strawberry, cookies and cream at kung ano-ano pa. Yung trueness, hanggang ngayon na lang ba pwedeng kumain ng cupcakes? May bukas pa naman ah! Tsaka kailangan din namin gumawa ng cookies, muffins at cheescake!

"Bakasyon na kasi..." sagot ni Mama.

My eyebrows furrowed. Tuwing bakasyon lang ba pwede umorder?

"Magpapatunog na lang ako," said Hailee. Umalis siya para kumuha ng speaker. Moments later, One Direction songs echoed in the room.

"Hailee, laksan mo! Maganda yung kanta!" Manang Doris said while smiling. Yes, lahat kami dito sa bahay fan ng 1D. Hindi lang kami ni Hailee ang fangirls. Pati si Mama, Tita Helena at Manang Doris fan din.

"Sayang no? Watak watak na sila ngayon..." Manang Doris said, frowning.

"That's life... May mawawala, may darating, at may hindi mang-iiwan."

"Hailee, anak, tama na ang drama," Tita said, giggling slightly. "Lagyan mo na lang ng icing ang mga cupcakes. Marami pa kayong gagawin."

So we did what we're supposed to do. Almost 5 pm nung natapos namin lahat. It was fun but a little bit tiring. Doing a job that revolves around food is probably the best and worst thing ever. It's the best kasi you can eat the food. And it's the worst kasi sa halip na mag trabaho ka, nakakain mo ang tinatrabaho mo.

Umakyat muna ako sa kwarto para magpalit ng damit at mag shower. When I'm done, tinuyo ko muna ang aking buhok bago bumaba. Hindi na ako nagulat when I saw Mavy eating cupcakes at our kitchen. Kahit naman noon, ampon na namin sa kusina si Mavy.

"Andito ka na naman?"

"We saw each other yesterday and you missed me already?"

"Asa."

Hindi na rin ako nagulat sa takbo nang usapan nila.

"Hi, Dawn!" Mavy greeted me when he saw me.

"Hello!" I replied.

"Pakisabi kay tita, salamat sa mga pagkain," aniya bago kumagat sa hawak niyang cookies.

Bryce and DawnWhere stories live. Discover now