Chapter 7
I started the day with a smile on my face. Through all these years, I've realized that if you want to be happy, then be happy. Be happy with or without any reason and always surround yourself with love and positivity. Live in the moment because everything else is uncertain.
I showered and did all my daily routines before leaving my room. When I was done, I went downstairs to eat. In our family, it's important na kumain kami ng sama-sama, lalo na't 5 lang naman kami sa bahay. Tita Helena and Manang Doris cooked our food. May omelette, pancakes, at french toasts sa mesa. Before eating, nagdasal muna kami to say our gratitude. Always be thankful.
"Dumating na pala kagabi ang mga apo ni Madam Caterina," sabi ni Manang Doris saka sumubo ng pagkain.
"Manang, diba ayaw nga ni Lola Caterina na tinatawag siya na Madam," Hailee said. Ayaw kasi ni Lola Caterina na tinatawag siyang Madam. Applicable lang daw iyong noong siya'y nagtatrabaho pa sa negosyo nila, pero dahil ang anak na niya ang namamahala ng negosyo, dapat daw Caterina na lang ang tawag sa kanya.
"Nagkita na kayo ni Bryce, anak?" Mama asked.
Tumango ako, "Kagabi 'ma."
"How is he? Sabi ni Hailee nandito rin daw yung kapatid niya..."
"I think he's fine," I mumbled. I don't know what to say since we didn't talk last night. "Yes, 'ma, nandito din si Byron. Ang cute nga niya eh."
"Nakita ko nga ang batang 'yan kanina noong nagpunta si Madam Caterina dito. Ano nga ulit ang pangalan non? Byron?" asked Tita Helena, Hailee and I both nodded. "Bata pa lang pero kay gwapo na agad... "
"Magkapatid nga sila... Kamukha ni Byron si Bryce noong bata pa siya," saad ni Mama.
"Sinabi mo pa," tumawa ng bahagya si Tita Helena.
"Mama, madami ba mga order ngayon?" I asked. Mukha kasing hindi nagmamadaling kumain si Mama, Manang Doris at si Tita Helena. Usually, pag may madami ang oder, pabilisan sa pagkain sina Mama. Pero ngayon, parang enjoy na enjoy sila na kumain. Not that I think it's bad, it's just that bihira ko lang makita silang tatlo na nag-eenjoy sa pagkain.
"Meron naman, pero hindi kasing dami katulad kahapon," Mama replied.
"Kailangan niyo po ba ng tulong namin?"
"No need, we can manage," she smiled a little. "Consider this day as a day off, both of you deserves it."
"Talaga?" Hailee's eyes brighten. "Wow! I never thought this day would come," she added.
Tita Helena turned her head slightly, "Oo... Besides, nalulugi ang bakery kapag natulong kayo. Sa halip na costumer ang kumain, kayo ang naubos ng mga ibebenta."
Oops, guilty. Well, I can't help it. Paano ako magtatrabaho kung puro pagkain ang nasa harapan ko?
"By the way, hanggang this week na lang ang pag-accept namin ng orders. We'll stop accepting orders starting next week." Mama stated.
My forehead automatically creased. Sasaraduhan na ba nila ang bakery? But they both love the bakery. Nagmula si Mama at Tita sa pamilya ng mga chef at baker. And I know deep inside, mahal nilang parehas ang bakery. Why would they stop?
"Sasaraduhan niyo na po ba yung bakery?" I asked.
Just like me, nakakunot na din ang noo nina Mama, Tita at Manang Doris. Wow ha! Barkada goals na talaga silang tatlo.
"Ha?! Sasaraduhan?"
"Bakit naman magsasarado?"
"Daniella, akala ko ba magpapahinga lang tayo dahil bakasyon? Bakit mo sasaraduhan?"

YOU ARE READING
Bryce and Dawn
Teen FictionEverything Has Changed. They are both broken, but they wouldn't have it any other way. In the end, his words will always stay with her. Words marked on her skin, revolving on her veins and resonating on her soul. His memories will stay, even though...