Chapter 11
Days passed by and this cold treatment thing is still going on. Ang ganda ng pasalubong niya! Napaka-memorable. I didn't do anything wrong so why is he ignoring me? I always asked that but I get no answer in return.
Wala pa siyang isang buwan dito, baka naman hindi pa siya sanay. So sino ang dapat mag adjust? Ako o siya?
Minsan kapag magkasama kami, nalayo siya. Kapag kinakausap ko siya, it's either masyadong tipid ang sagot niya or parang ayaw niya akong kausap.
Nakukulitan ba siya sakin? I cant blame myself for trying... All I want is to regain our friendship that was broken by time. I just want my friend back. Is that too much too ask?
"Okay ka lang?" tanong ni Tita Helena habang nilalagay ang muffin tray sa loob ng oven.
I smiled timidly. "Yes tita. May iniisip lang."
"Parang lagi kang may iniisip lately..." she said. "Ang sersyso ng mukha mo. Lagi kang nakatitig sa kawalan."
Ganun ba ang mukha ko kapag nag iisip? Try kong tumitig sa isang bagay para hindi ako magmukhang tulala habang nag iisip.
"Problemang love life ba?" she asked.
My eyes widen, "Hala hindi po! Bata pa po ako para dun."
"Sus!" she laughed. "Hindi naman masama magkaroon ng lovelife. Nagiging masama lang kung napapabayaan ang pag aaral gawa nito."
"Helena, wag mong turuan ng kung ano ano ang mga bata," singit ni Manang Doris habang kinukuha ang mga lutong cupcakes sa oven. "Ang pag-ibig ay may tamang oras. At ngayon ay oras muna ng pag-aaral."
"Alam ko naman iyon Manang. Sinasabi ko lang kay Dawn na hindi masama ang umibig basta huwag niyang kakalimutan ang pag-aaral..."
"Nako Dawn, mag-aral ka muna bago ka mag-mahal dahil mas mahal ang tuition fee."
Ngumiti lang ako. "Wag po kayong mag-alala dahil hindi ko naman po pababayaan ang pag-aaral ko." At wala din naman akong balak mag pabaya. Naniniwala kasi ako na ang edukasyon ang daan patungo sa magandang kinabukasan.
Ayy ang lalim. Parang sinaniban ako ng kung ano.
But seriously, naniniwala ako na ang lahat ng paghihirap ay may magandang kalalabasan. I'm a firm believer that waiting for what you deserve no matter how long it takes will always be better than settling for less.
"Tama at dapat lang. Hindi namin napupulot sa kung saan ang perang ginagamit pang tuition niyo. Pinaghihirapan namin kumita ng pera para mapagaral kayo," Manang Doris stated. Ano ba yan? Kanina tinatanong lang ako ni tita, ngayon naman nakikinig na ako ng sermon...
"Nasaan nga pala si Hailee? Bakit ikaw lang ang nandito?" tanong ni Tita. "Sabi ko tulungan ka niya eh. Ang batang 'yon talaga..."
"Baka po nag eedit ng mga selfies niya."
Kinuha ko ang mga natitirang muffin pan at pinasok sa oven. May birthdayhan kasi ngayon ang isang customer at kailangan maideliver ang mga orders bago mag hapon.
"Ilang batch pa ang hindi naluluto?" tanong ulit ni Tita.
"Last batch na po yung pinasok ko," I answered.
She nodded. "Ako na dito. Kaya na namin ni Manang ayusin ang mga orders. Pahinga ka muna."
"Sige po." Tumango lang ako bago lumabas.
Nakita ko si Mavy na may kasamang iba sa may tindahan. What surprises me is how things never change despite the years. Malandi pa din si Mavy.
Kumaway siya nang makita niya ako. Nilapitan ko siya tutal wala na naman yung kausap niya kanina.
YOU ARE READING
Bryce and Dawn
Teen FictionEverything Has Changed. They are both broken, but they wouldn't have it any other way. In the end, his words will always stay with her. Words marked on her skin, revolving on her veins and resonating on her soul. His memories will stay, even though...