Chapter 10

24 1 0
                                    

Last chapter's next! This story ain't finish yet, I just haven't thought of anything yet to continue this. For the mean time, maybe y'all could visit my site polarisxwrites.wordpress.com. I post there the poems and other random stuff that I have written.

******

Chapter 10

The next day, I woke up with a heavy heart and determined spirit. Kung hindi na talaga niya ako naalala, well then, I'll make him remember me.

Ganun lang ba kadali 'yon? Oo mas matagal kaming magkahiwalay kesa magkasama pero ang bilis naman niya makalimot. Nagwala siguro siya sa U.S kaya hindi niya alam kung paano balikan ang mga alaala namin. O baka naman nagka-amnesia siya kaya nalimutan niya ang daan pabalik? Nawala o nalimutan ang daan, ganon na rin yon. I'll still be there waiting for him.

After doing my daily routines, bumaba na ako para mag almusal. The sweet scent of cinnamon and coffee hit my nostrils.

"Good morning mama," I greeted my mom before sitting.

"Good morning anak!"

"Good morning Hailee!"

"Good morning Dawn!"

This is a daily routine in our family. Hindi pwedeng matapos ang isang araw nang hindi namin binabati ng good morning ang isa't isa. Start your day with love and positivity and the greatest kind of love can be found in our family. And besides, 5 lang kaming nakatira dito sa bahay kaya it's not that hard to greet each other good morning.

"Sina tita?" I suddenly asked. Napansin ko kasi na tatlo lang kaming kumakain. At iba ang atmosphere ng paligid kapag kulang.

"Hindi pa tapos mag luto," sagot ni Hailee.

Ang dami na kayang nakahain, labis na nga 'to samin e. Natural naman samin na madaming hinahain kapag almusal, tanghalian at hapunan kasi magagaling magluto sina Mama, Tita at si Manang. Pero iba ngayon. The food is too much! Parang may fiesta!

"Kulang pa ba mga 'yan?" I asked again.

"Alam mo naman si Momsy. Kapag naisipan mag luto ng madami, dadamihan talaga." Hailee said, followed by a laughter.

Napakibit balikat na lang ako. Sino ba naman ako para mag reklamo? Kaya lang tataba talaga ako ngayong bakasyon. Ang dami mag luto nina Manang tapos lagi pa akong nasa bakery! Atsaka matagal pa bago mag pasukan! Nasobrahan na ata ang food is life ko ngayong bakasyon.

Pero sa dami nang pagkain sa mesa, ni isa walang kumukuha. Dahil hindi ko na rin matiis ang gutom ko, kumuha na ako ng isang cinnamon roll at nilagay sa plato. Kung sila busog, ako hindi na!

Isusubo ko na sana ang cinnamon roll pero pinigilan ako ni Hailee.

"Hep hep!" she said firmly. "Utos nina madam na bawal pa daw kumain hangga't hindi pa naluluto lahat!"

I looked at my mom, asking for help. Shems! Gutom na talaga ako.

"Nako anak, gutom na din kami eh," Mama said apologetically. "But we cant do anything dahil iyon ang utos ng tita mo."

"Ewan ko ba kay Momsy! Kung makapagluto parang may fiesta!" bumaling samin ng tingin si Hailee. "May okasyon po ba? Sinong may birthday?"

Mama let out a sigh, "Wala. Gusto lang talaga magluto ni Helena, pati si Manang Doris dinamay pa."

As if on cue, biglang dumating si Tita at si Manang na may dalang mga pagkain.

"Naparinig ko yon ha!" parang batang sabi ni Tita kay Mama. Namana namin sa kanila ni Hailee yon. Yung parang magkaibigan, magkapatid, magpinsan na bonding.

Bryce and DawnWhere stories live. Discover now