Chapter One: The Beginning
ELAINE
Malakas na simoy ng hangin ang sumasalubong sa akin dito sa may batis na malapit lang sa bayan namin.
"Ate Ela! Tara po sumama ka na dito! Hihi masarap po ang tubig dito" pagaanyaya ni Aika sa akin. Winisikan niya ako ng tubig na kadahilanan ng bahagyang pagkabasa ko.
"Oo nga po ate! Sayang naman po kasi ikaw lang po ata hindi masaya" sambit rin ni Zico. Sumang-ayon na rin sila Precy at Dan.
"Eh? Sige kayo na lang. Wala akong dalang damit eh" mukha namang nalungkot ang mga batang kasama ko sa sinabi ko.
Oh gosh, here it comes. The paawa effect of the kiddos. Hay nako kahit kailan talaga.
Dahil ayaw kong masira ang kasiyahan nila, lumusong na rin ako papunta sa batis at unti-unti ko namang naramdaman ang malamig na tubig na dumidikit sa aking balat.
"Yehey! Haha hindi talaga tayo matitiis ni Ate Ela!" pagsasaya nila. Napatawa na lang ako dahil sa mga inaasal ng mga bata.
Sila nga pala ang mga batang kasama ko dito ngayon sa batis. Sila Aika, Dan, Precy at Zico. Magkapatid sila Aika at Zico but not by blood. Kaya nga pala kasama ko sila ay dahil pinabantayan muna kasi sila ng mga magulang nila sa akin dahil sabi nila ay ako daw ang pinakamalapit na tao na mapagkakatiwalaan nila. Well, I hope they're right.
Nawala ako sa pag-iisip nung bigla akong binasa ni Dan at Precy.
"Hahaha si Ate Ela ay basa na. Wahaha" tawa ni Precy. Aish mga bata talagang ito.
But something came on my mind. Napangiti naman ako dahil sa naisip. "Ah ganon ah? Hali kayo dito!" sumugod ako sa kanila kaya naman nagsilayuan sila sa akin.
"Rawr! Kakagatin ko kaya kapag naabu--aahh!" pagkatapos nalang non ay bigla akong natumba sa tubig. Nagpalutang-lutang ako at nagpanggap na walang malay para maisahan ko ang mga bata.
"Ate Ela? Hala Zico, ano nangyari kay ate?"
"Ayan kasi eh, lagot na niyan tayo."
At patuloy ko na lang silang naririnig na nagbabangayan. Oh no, wrong move. Bago pa man talaga silang mag-away ay bigla akong umahon sa tubig. Nagsigawan naman sila sa gulat kaya napatawa na lang ako. They're really cute whenever their like that.
"Tinakot mo naman po kami Ate Ela!" pagrereklamo ni Aika.
"Oo nga po" pagsang-ayon naman ng iba.
Nilapitan ko naman silang lahat and I patted their head. "Kayo talaga. Wala naman mangyayaring masama sa akin eh. Promise ko yan. And remember? We're still going to make our own big big castle, diba?" nagliwanag naman ang mga mukha nila nung narinig nila ang 'big big castle'.
Ewan ko ba sa kanila. Sabi ko ay big castle lang iyon pero ginawa pa nilang big big castle. Aist kids these days nga naman.
"Hehe promise mo po 'yan ate ah?" sambit ni Dan at inilahad ang kanyang pingky finger. Gumaya na rin yung tatlo at inilahad na rin ang kanilang mga cute na hinliliit.
Naintindihan ko naman ang ibig nilang sabihin kaya inilahad ko rin ang hinliliit ko at nakipagpingky-promise sa kanila.
"Pingky pingky promise that you have to keep. If you break it, then your teeth will fall out too! Pingky pingky promise that you have to keep."
Nagsitawanan na lang kami pagkatapos mangako ng nakakatakot. Pagkatapos non ay nagbasaan na kami.
¤¤¤
YOU ARE READING
Mawizpec Academy: The Lost Wizardess Heart
Fantasy"What is magic to you?" Elaine Rozien. A girl who stopped believing in magic, but things will change after a sudden accident. And because of that accident, hindi niya alam na darating ang mga bagong pangyayari sa kanya. First, she will enter this we...