MAWH 15

171 12 3
                                    

Chapter Fifteen: Brain Coating

ELAINE

"Maghanda na kayo, maya-maya lang ay didiretso na tayo sa underground Coliseum ng akademiya."

Rinig ko ang boses ni Mrs. Flora na pinapaalalahanan kami. We had a brief discussion about our plans and strategies in the training room. Araw na kasi ng duelo namin laban sa Ace Guild. Pero sa buong pagsasalita nila kanina ay nakapikit lamang ang aking mga mata at sinusubukang umidlip ng kaunti. Halos hindi man kasi ako nakakuha ng magandang pahinga kagabi.

It was almost at dawn when I came back to the dorm. I spent all night listening to Abo's theory about my ability. We also ran some trials to give it a shot but I can't seem to get a hold of it. Naalala ko tuloy muli ang kanyang sinabi.

"What if having a telephatic ability that can only be used on animals doesn't only allow you to talk to them? What if you could also command or control them with your ability?"

It was interesting at first but it wasn't when we tried. Hindi ko na ata mabilang kung nakailang ulit kami para lang magawa ko ang sinasabi niya. We first tried to find some animals that we can experiment with, in the middle of the night. Mayroon kaming nahanap ngunit dalawa sa mga iyon ay mga palaka. At ito namang si bakla, hindi sumang-ayon na iyon ang gamitin namin. Haist. We had no choice but to use the fishes in the lake.

Pagkatapos ay sinubukan niya akong pakalmahin dahil wala raw talaga akong magagawang maayos kung kinakabahan ako at ang laman ng isip ko ay puro negatibo.

I tried to connect my mind with the fishes. Inisip ko ang gusto kong ipagawa sa kanila pero wala naman itong nagagawa. Hindi sila tumatalon.

We probably did all the things we could think of but nothing seems to work out. Lumipas ang gabi at inabutan na kami ng madaling-araw pero hindi ko talaga makaya. I knew it was impossible to do in just one night, but Abo still insisted to try it later.

"Mamaya sa laban ay subukan mong muli ang sinabi ko sayo. Visualize, errand girl. Huwag yung puro isip ka lang ng gusto mong ipagawa sa mga hayop. Try to connect not only with your mind, but with their soul itself. Gain their trust."

"Hindi ko alam. But okay, let's say I will try. Kaso, anong mga hayop ang kokontrolin ko? Aware ka naman sigurong sa underground gaganapin ang laban, hello?"

"Akong bahala d'on." he winked.

At iyon nga ang sure-not-sure plan namin ni Abo. Hindi ko alam paano niya gagawan ng paraan iyong bahalang sinasabi niya. Haist bahala na ang mga palaka sa kaniya.

"Elaine, Penelope. It's time."

Iminulat ko ang aking mata nang marinig si Ms. Flaive. Tumayo ako at inayos ang sarili. I checked myself. Ang suot naming dalawa ni Penelope ay kung ano ang sinusuot namin tuwing training, simpleng white tshirt na may blue outline sa kwelyo at manggas, at blue shorts. But we have light armors equipped in our body, shoulders, knees, and arms.

Nagtinginan kami ni Penelope.

{Ready?}

Ready.

Ngumiti kami sa isa't-isa at tinignan ang aming mga guro. We both nodded to let them know that we're ready to go.

Lumabas na kami sa training room. Pumunta kami sa bungad ng training grounds at may nakitang elevator. Ito ang sinakyan namin papunta sa underground Coliseum. Huminto ang elevator at lumabas kami. Iniluwal kami nito sa isang silid na tila waiting room namin. May malaking monitor sa magkabilang gilid at sa harapan naman ay isang malaking bintana. Nilapitan ko iyon at tumingin sa labas. And there I saw the whole Colisuem packed with students.

Mawizpec Academy: The Lost Wizardess HeartWhere stories live. Discover now