Uhh advance sorry sa mga typos and grammars. *peace sign*
○ ○ ○
Chapter Five: Research
ELAINE
"Wohoo! Earth to Elaine!"
Tinignan ko si Penny na kumakain ng maayos sa harap ko.
"Ayun!" sabi niya ng tumingin ako sa kanya. "O ano? Kakain ka ba o kakain ka? Ela naman! Sayang pagkain oh!" sabay subo niya sa pagkain niya at turo sa pagkain ko.
Psh buti siya naka-kakain ng maayos. While me, ni hindi ko pa nga nakakahalati ang sa akin. Yeah. Ganyan ako kawala sa mood kaya't hindi ko na magawang kumain ng maayos.
"Mamaya ko na lang tatapusin 'yan. Busog pa ako eh." sabi ko at tumingin na lang sa kawalan.
Hindi na rin ako inabala ni Penny dahil kumuha pa ulit siya pudding niya. Tch takaw. Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil break namin. Marami-rami rin namang tao dito na nakatambay at nagkukuwentuhan.
Oh and about what happened earlier, hindi ko na sinabi kay Penny. Wala rin namang kwenta ang bangayan namin nung misteryosong lalaki na iyon eh. Kainis kasi eh, paano na lang kung hindi niya ako ginamitan ng...uh..spell, edi magpapalit pa ako ng damit! Eh hindi nga ako nakapag-dala ng damit papunta dito haist. Busit na lalaki, talaga.
And speaking of that guy, I didn't even knew his name. Sayang naman, hindi ako nakapag-pasalamat--I mean hindi ko siya mabibigyan ulit ng palaka tch.
At ang tungkol nga pala dun sa gumugulo sa utak ko ngayon ay ang tungkol doon sa ginawa ng lalaki. Wala pa naman kasi akong kaalam-alam dito kaya nagmumukha tuloy akong tanga. Ayaw ko rin naman palaging tinatanong si Penny dahil palagi na lang ako tanong ng tanong kaya naman napag-isipan kong pumunta sa library at magsagawa ng research. Tutal, pinapagawa rin naman sa amin 'yon ni Sir Sky.
"Elaine, wala daw pala tayong class after lunch so gusto mo ba pumunta na lang muna sa dorm?" tanong ni Penny pagkabalik niya sa upuan niya.
"Ah ikaw na lang. May gagawin pa kasi ako." ngumiti na lang ako para makumbinsi siya.
"Hmm, okay."
Hindi na rin siya nagtanong pa pagkatapos nun at kinain na lang ang pudding na kinuha niya.
Eh? Himala ata't hindi siya nagreklamo?
Hmm, nevermind. Baka talagang gutom lang siya at hindi na nagtanong. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko kaysa naman sa masayang lang. After we ate, nagpaalam na rin ako sa kanya kaya nauna na siyang pumunta sa dorm at ako naman ay tumungo na papunta sa library.
Habang papunta ako sa library ay nakikita ko ang mga iba't-ibang estudyante na nasa labas rin ng kanilang mga silid-aralan. Hmm, it looks like all of the teachers are not attending today huh?
I wonder why..?
Nang makarating na ako sa library ay hindi ko maiwasan na mahilo dahil sa napaka-raming libro na naririto. May ikalawang palapag pa kasi ito kaya't mas marami ang mga libro kumpara sa St. Catherine.
Pinuntahan ko agad ang librarian at tinanong siya kung saan ko makikita ang libro patungkol sa kasaysayan ng mundo na'to at ang tungkol sa three main guardians at sinabi niya naman kung saan ito nakalagay.
YOU ARE READING
Mawizpec Academy: The Lost Wizardess Heart
Fantasi"What is magic to you?" Elaine Rozien. A girl who stopped believing in magic, but things will change after a sudden accident. And because of that accident, hindi niya alam na darating ang mga bagong pangyayari sa kanya. First, she will enter this we...