Chapter Two: Dimension Transfer
ELAINE
"What... do you mean?"
Ngumiti lang siya sa akin at may ibinigay na naman na sulat. Okay? Is he a mailman?
"Your grandmother..." I quickly looked at him. How come he knows my grandmother? "...that's the last words of your grandmother. Ang sabi niya sa akin dati ay ibigay ko sa iyo 'yan kapag dumating na ang tamang panahon. And I think, now is the time,"
Si Lola Ema...
Tinignan ko ang sulat at hinaplos ito. Ano kaya ang mensahe ni lola?
Bubuksan ko na sana ito pero napatigil ako ng nagsalita ulit ang headmaster.
"Ah oo nga pala, mag-impake ka na dahil mamayang hapon ay aalis ka na."
"Ano po?! B-bakit parang ang bilis naman po?"
"Ganyan talaga. And the real thing is... we just told you and them that you're a transferee kahit na ang totoo ay exchange student ka." exchange student, huh? Sino naman kaya ang ipapalit nila sa kanila?
Hindi pa nga ako nakakapag-ayos eh. Yung mga dapat ayusin sa school. Yung mga damit ko. Yung bahay. Yung mga bata.
Teka, bakit ko nga ba inaalala ang mga 'yun? Hindi pa naman ako pumapayag ah? And I never heard of that school before. Baka naman...
"Haha don't worry. Wala naman akong gagawing masama sa'yo"
"Eh?" Is he a mind-reader?
"I'm not. You're just easy to read Ms. Rozien." Napakunot na lang ako ng noo dahil sa sinabi niya.
Okay. This is weird. Bakit ba kailangan ko pang lumipat ng school? Maayos naman ako dito ah. In fact, kasali pa ako sa Achievers.
"Uhmm, hindi ko po alam kung ano ang nangyayari at kung bakit kailangan ko pang lumipat ng school pero... maaari po bang bigyan niyo pa ako ng time para makapag-isip?"
"Hmm. Very well, if that's what you want." tugon niya. Tumalikod na siya at lumabas na ng infirmary.
Teka... parang may nakakalimutan ako.
Oh gosh!
Tumayo ako at lumabas ng infirmary para habulin siya. "Wait! Bakit po pala... parang kilala ... niyo si... Lola.." dahan-dahan kong pagsabi.
Eh paano ba naman? Wala na siya. Supposed to be ay hindi pa siya nakakalayo eh. Ang bilis naman niya maglakad?
Oh well. Sa susunod ko na lang itatanong ulit 'yon. Siguro naman magkikita pa kami kapag pumayag ako.
Ah no, no, no, no! Papayag ba ako? Ha? Psh.
Napailing na lang ako at pumasok na sa loob.
¤¤¤
"Uhh yung report ko... report ko ...err," tapos tingin ulit sa mga sulat. "Yung report...," tingin sa orasan ta's sa sulat ulit. "Report--argh!!"
Ginulo ko na lang ang buhok ko dahil sa pagkainis ko. Bakit ba kasi ginugulo ng utak ko yung tungkol sa acceptance letter para sa pagpasok ng bagong school?! And about that Mawizpec, I think I heard that word from lola before. Hindi ko lang masyadong maalala.
Nandito na nga pala ako sa bahay. Bigla kasing ni-announce na walang pasok pero hindi naman sinabi ang dahilan. And about what happened earlier at the school, yung may gagawin sa akin yung principal... I found something strange. Na parang hindi 'yon mismo ang aming punong-guro. Aish! Ewan ko ba kung ano ng nangyayari!
YOU ARE READING
Mawizpec Academy: The Lost Wizardess Heart
Fantasy"What is magic to you?" Elaine Rozien. A girl who stopped believing in magic, but things will change after a sudden accident. And because of that accident, hindi niya alam na darating ang mga bagong pangyayari sa kanya. First, she will enter this we...