Chapter Four: Bad Start
ELAINE
"Hey, Ela. Gising na. Male-late na tayo"
I ignored the person who is trying to wake me up. Instead, tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
"Aish, ayaw gumising ah? Hmp bigyan ko kaya ng isa 'to?" rinig kong sabi ni Penny.
Maya-maya pa ay wala na akong naririnig na nang-iistorbo sa akin. Buti na lang. Ang aga pa kasi tapos iistorbohin lang ako ni Penny. Eh wala naman kaming kla--
Natanggal ko agad ang pagkakatakip ng unan sa mukha ko at agad na napatingin sa itsura ng kwarto ko.
"Oh right. Nag-transfer nga pala ako, aist." akmang itatakip ko sana ulit ang unan sa mukha ko nang...
"Aaaaaahhh!!" agad akong napabangon sa higaan ko at hinanap agad ng paningin ko ang nagbuhos sa akin ng tubig. "Penny!"
Oo, binuhusan lang naman ako ng tubig. At ngayon, basa na ako. Naman eh.
"O ano? 'Di ka pa ba tatayo diyan? Oras na Ela! Idadamay mo pa ako sa pagka-late mo." taas-kilay niyang sabi.
Itong babae talagang 'to. Hayy kahit kailan! Napaka, napaka, napaka...ah basta! Basta napaka-ano niya!
"Oo na! I got it. Kaso hindi mo na ako kailangan buhusan ng tubig para lang tumayo." inis na sabi ko at tumayo na.
Great. Basa na ang kama ko. And guess what? Ako pa ang maglilinis niyan nito. Naman!
"Ang kulit mo naman kasi eh. Sabing male-late na tayo." sambit niya at lumabas na ng kwarto ko.
"Aish kung bakit ba naman kasi ang aga-aga ng pasok." nagulat na lang ako ng bumukas ulit ang pinto at lumitaw si Penny.
"Ah ah ah. Kailangan pa kitang ilibot sa buong campus para naman hindi ka maligaw, remember? Kaya go! Maligo ka na! I'm just going to prepare our breakfast." at sinara niya na ulit ang pinto. Parang kabute.
Napasimangot na lang ako at dumiretso na sa C.R para tuluyang maligo.
Habang naliligo ako ay hindi ko maiwasan na hindi isipin ang mga nangyari kahapon. Para bang sinampal sa akin ang katotohanan na isa ako sa kanila. And all along, I thought they don't exist but now that I have think about it, masasabi kong totoo nga talaga ang lahat.
Nakausap ko na rin si Penny at humingi siya ng tawad sa akin dahil sa paglihim niya tungkol dito. I accepted her apology because Mister (The Headmaster) said that he only convinced Penelope to keep all of this to me for my own protection. Baka daw kasi matakot ako once na malaman ko kaagad ang tungkol dito. At saka hindi ko rin naman matitiis ang kaibigan ko.
At sa kabila ng lahat ng ito, napag-isipan ko rin na manatili na lang dito lalo na't nalaman ko na ang totoo. And I don't want the tenubres...tenibres...argh! dark wielders. I don't want the dark wielders to harm the kids just because of me who have such lame power. Yeah, kahit na hindi ko pa napapatunayan na totoo ngang may kakayahan akong makipag-usap sa mga hayop, masasabi ko na napakawalang-kwenta rin nito. Ang kaya ko lang naman kasi ay makipag-daldalan sa mga hayop e.
Nang matapos na akong maligo ay lumabas na ako ng banyo na nakatapis lamang at hinanap ang school uniform ko. Ang sabi kasi ni Penny ay dadalhin niya na dito sa kwarto namin. At hindi nga ako nagkamali.
Nakita ko agad ang uniporme na nasa kama. Kinuha ko ito at sinuri. Kulay cream with gold and black outlines ang long-sleeves na panloob nila tapos kulay blue na coat at yellow ribbon. Sa skirt naman ay kulay white ito with black outline. Maganda naman siya kaso...
YOU ARE READING
Mawizpec Academy: The Lost Wizardess Heart
Fantasía"What is magic to you?" Elaine Rozien. A girl who stopped believing in magic, but things will change after a sudden accident. And because of that accident, hindi niya alam na darating ang mga bagong pangyayari sa kanya. First, she will enter this we...