Btw, reminder lang. Kapag po ganito ang sign '*', dream lang siya (parang yung sa chapter 1 lang). Pero kapag ganyan '**', flashback po iyon. Baka po kasi malito kayo. 'Yun lang po!
○ ○ ○
Chapter Eight pt2: Accepted
ELAINE
Tahimik akong naglalakad patungo sa aming dorm habang dala ang mga ingredients na nakuha ko para sa sleeping potion. Tila ba wala ako sa sarili dahil kung anu-ano na lang ang aking mga naiisip. Napabuntong-hininga na lamang muli ako habang inaalala ang mga mabilisang pangyayari kanina.
**
"It's not that easy because you still have to win a challenge. A challenge or more like a duel against us."
Napantig ang aking tenga sa narinig. Hindi ko alam kung seryoso siya o nananakot lang. Hindi na lang muna ako umimik saglit para hintayin na sabihin niyang iyon ay biro lamang ngunit sa kasamaang palad, wala akong narinig sa kanya.
"Y-you're kidding, right?" paninigurado ko.
Inilayo niya muna ang kanyang mukha sa mukha ko. "Sa tingin mo ba, nagbibiro ako?" sabay tingin niya ng diretso sa aking mga mata kaya't pakiramdam ko ay nasisilaw na naman ako sa kanyang mala-gintong mata.
"I..." hindi ko natuloy ang pagsasalita ko dahil hindi ko na nakayanan at iniwas ko na ang aking tingin sa kanyang mga mata.
His eyes are somewhat... intimidating.
Silence consumed us. Ang tanging maririnig na lang ay ang pag-agos ng tubig na ginagawang pandilig sa mga halaman dito sa Miracureen Garden at ang pagwi-whistle ni Rey. Ngunit mga ilang minuto rin ang lumipas nang marinig naming bumuntong-hininga si Zen at nagsalita.
"Elaine Rozien." may iba akong naramdaman nang bigkasin niya ang aking pangalan. "You can consider yourself a lucky girl because among all of the students in the academy who also filled-up a form for joining our guild, you and your friend are the only ones who got accepted."
Lucky, huh? Paano ko masasabi na masuwerte ako kung hindi ko naman talaga gustong sumali sa kanila?
"Then I don't consider myself lucky." matigas na sambit ko.
Nakita kong napalunok sila Rey at Aesha sa sinabi ko na para bang natatakot. Nang lingunin ko naman ang mga iba, ganun din ang reaksyon nila.
"Tsk. Interesting as ever... " nabalik naman ang aking tingin kay Zen nang narinig kong may binigkas siyang mga salita ngunit hindi ko masyadong narinig. Napakunot-noo na lang ako dahil doon. "Nevermind about being lucky. Basta wala ka nang magagawa para umatras pa sa laban na tinutukoy ko."
"T-teka, pwede namang hindi niyo na ako isali at si Penelope na lang ang kunin niyo. And besides, why me? There's still a lot of students out there whose magic or ability is stronger and useful than mine." I said.
Nakita ko ang pag-luwang ng kanyang ekspresyon kaya nakahinga ako ng maluwag. Siguro naman nakuha niya na ang punto ko?
"Tss. It's still a no."
Grr. Ang kulit rin ng budhi ng mga 'to.
"Teka nga, baka naman takot ka lang makipag-laban sa amin?" nakangising singit ni Yhumi.
Hindi ko na lang siya sinagot at inirapan na lang siya. Ano ba kasing pumasok sa isip ng mga 'to at sinama pa ako sa recruit nila. Pwede naman kasing si Penny na lang e. Buti yung ability niya maaaring makatulong kapag may mga mensahe silang gustong ipadala sa isa't-isa ng patago. E yung sa akin? Ano namang silbi ng pakikipag-usap sa mga hayop? Kahit saang anggulo ko tignan, wala pa rin. Aist.
YOU ARE READING
Mawizpec Academy: The Lost Wizardess Heart
Fantasy"What is magic to you?" Elaine Rozien. A girl who stopped believing in magic, but things will change after a sudden accident. And because of that accident, hindi niya alam na darating ang mga bagong pangyayari sa kanya. First, she will enter this we...