MAWH 8.1

2.2K 84 43
                                    

Chapter Eight pt1: Challenge

ELAINE

"Huh?"

Hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang aking paningin sa application form na hawak-hawak ni Aesha sa harapan ko.

"Bingi ka ba? She already said that you're now a member of our guild." inirapan ulit ako nung babaeng may maliit na buhok.

Hindi ko na iyon pinansin at sa halip ay inisip ko na lamang kung kailan pa ako naging miyembro ng kanilang guild. I mean, how come?

"Pa...paano?" ang tanging tanong na lumabas sa bibig ko dahil sa pagkalito.

Kailan nga ba ako naging miyembro nila? Oo, inaamin kong nag-pasa ako ng application form dahil nagpumilit si Penny. Pero, bakit ako? I mean, bakit ako ang pinili nila para mapasali sa malakas nilang guild? And besides, I can't fit in because of my useless ability. Ni hindi ko pa nga alam kong paano kontrolin ng maayos 'to e.

"Paano? Eto nga oh." mas nilapit pa ni Aesha yung application form. "Hindi ba nagpasa ka nito? So bakit tinatanong mo kung paano? Ang gulo mo pala kausap, Elaine." dagdag pa nito habang naka-kunot noo.

Napa-simangot na lang ako sa kanyang sagot. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa isinagot niya o maiinis dahil hindi niya nakuha ang punto ko. Tch.

"Tsk, insane." I wisphered. Humarap ako ng maayos sa kanila. "But anyway, I won't--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil naunahan na naman nila ako.

"Ah! Oo nga pala nee-chan. Ngayong member ka na rin ng guild namin, dapat pala'y malaman mo ang aming mga pangalan." saad nung mukhang bata.

Pero teka! Bakit ko pa kailangang malaman ang kanilang pangalan kung hindi naman ako sasali sa kanila? Psh.

"Hindi--" hindi ko na naman natapos ang aking pagsasalita dahil isa-isa na silang nagpakilala. Aish, nevermind. Patatapusin ko na nga muna sila bago umapela. Tch. I just stared at them blankly.

"I'm Aesha Orlem." I know. "At isa akong wizardess." dagdag pa niya sabay pakita ng isang green wand with some roots displays.

"Konichiwa nee-chan! I'm Vera Minatozaki, an ability user. And about my abilities?" wait. Abilities? Ang rami naman ata? "Hehe, meron po akong tatlong abilities. Telekinesis, Enhanced eyesight and I can manipulate memories." sabi niya sabay ngiti.

Hmm, interesting. I never thought that malalagpasan niya pa ang dalawa ng kanilang leader but still, elemental pa rin kasi ang kay Zen.

"Maverick-nii, it's now your turn!" sabi ni Vera sabay tingin sa katabi niyang lalaki. As far as I rememember, siya ang tumawag kay Vera kanina.

Tumango naman yung lalaki. "Maverick Yamamoto. Cousin of Vera. And I'm an ability user too. Invisibility is my power." pagpapa-kilala niya at saka ngumiti.

"Our turn!" sabay na sabi ng kambal. "Rey Wisteria is the name of this handsome guy in front of you, Rozien." handsome, huh? Tinangay ata ako ng hangin psh. "And a certified magician. I'm a deciever or an illusionist, to be exact. Nice meeting you." dagdag niya sabay kindat. Hindi ko na lang pinansin 'yon at ibinaling ko na ang aking paningin sa isa pa.

"Rem Wisteria. Actually, ako ang pinaka-pogi sa aming dalawa. So don't believe this guy beside me about him being handome." and he smirks.

Mawizpec Academy: The Lost Wizardess HeartWhere stories live. Discover now