MAWH 7

2.2K 92 11
                                    

Chapter Seven: Member?

ELAINE

"Ikaw?!"

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at siya nga. Siya nga talaga yung lalaki kahapon. Yung sinabihan ko ng 'inire ako hindi sinuka'. Like hell?! Isa pala siya sa mga members ng Ace Guild and worse, leader pa siya! Aish, bahala na. I'll just forget about him being the leader and besides, leader lang naman siya. Hindi ba?

"What are you doing here?!/Anong ginagawa mo dito?!" sabay na naman kami kaya sinamaan niya ako ng tingin at ginantihan ko na lamang siya.

"Ah!" sabay kaming napalingon sa kasama nilang babae na nasa counter kanina. "Ikaw nga!"

Sandaling napakunot ako ng noo sa sinabi niya. Anong ako nga?

"Ikaw si Lucky Girl! Hihi sabi ko na nga ba eh!" pumapalakpak na saad niya na parang bata.

'Agad naman napalingon sa akin ang pito kasama na si Penny. Tinitigan ako ng anim at unti-unting lumaki ang kanilang mga mata.

"Oh gosh! Siya nga!"

"Oy dre. 'Di ba siya yung kahapon? Yung natumba sa harapan natin?"

"Oo dre."

"Ikaw po si Ate LG! Short for Lucky Girl hehe."

"Boom!"

"Panes!"

Tila napantig ang tainga ko dahil sa sabay-sabay nilang pagsasalita. Mga miyembro ba talaga sila ng Ace Guild? Hindi kita sa mga mukha nila e. Halos lahat ata Happy Go Lucky.

"Shut up all of you!"

Except for this one. Tch.

Kaagad na tumahimik ang anim at pati na rin si Penny na mukhang kanina pa naguguluhan sa mga nangyayari.

Tumingin sa akin si Zen at sinamaan na naman ako ng tingin. Tch what is his problem? Lagi na lang niya akong sinasamaan ng tingin.

"Two questions. Why are you here? What is your purpose?" he asked, seriously.

Hindi ko muna siya sinagot at sa halip, tinignan ko ang Special Ace at si Penny. Tahimik pa rin sila at naghihintay ng sagot ko lalo na si Penny. Halata pa sa mukha niya ang pagkalito. Oo nga pala, hindi ko nasabi sa kanya.

"One answer. Wala kang pake." sagot ko.

"Eh?"

"Burn, bruh."

"Interesting."

Komento nila sa sinagot ko. Ano bang meron at parang napakabig-deal kung sasagot-sagutin ko siya?

Tch. Kainis. Maka-alis na nga lang dito, tutal nasira na rin ang araw ko dahil sa kanila.

Hinila ko na palayo si Penny at umalis na sa Xenon Hall kung nasaan ang mga Counters.

¤¤¤

"Ela! Kilala mo ang mga Special Ace? Paano? Kailan? Saan?" pambungad na tanong sa akin ni Penny pagkarating namin sa dorm.

Mawizpec Academy: The Lost Wizardess HeartWhere stories live. Discover now