Ang Silakbo

31 0 2
                                    

My short story for my Filipino class. 

~

"Ano nanaman ang ginawa mo at bakit tumawag ulit si Bb.Regalado?" Ang tanong ni Aimee. Ngumiti lamang si Eileen, walang sinasabi sa kanyang ate. Sa kanilang tahanan ang mga taong nanirahan sa loob ay si Aimee, Eileen at ang kanilang ama. Sa nakaraang pitong taon, naglayas ang kanilang ina at dahil sa biglang pagalis niya, si Aimee ang nagpanggap na kapalit.

"You disrespected a teacher daw." Sabi ni Sam, ginagaya ang boses ni Bb.Regalado, "Eileen, magtatapos ka na ng high school. Pag ikaw hindi ka maka-graduate dahil sa guro na iyan – " Si Sam ang kasintahan ni Aimee noong sila ay nasa mataas na paaralan pa. Siya din ang tatay ng kanyang anak, na si Amelia, na ngayon ay nasa bahay ng kanyang ina sa Bulacan. Kahit sa naranasan nila kahirapan noong isang taon, nakapaghanap sila ng paraan para mabuhay ang kanilang pamilya at makapagtapos ng kolehiyo sa tamang oras.

"Wag kang magalala, hindi na yan mauulit." Sabi ni Eileen habang siya'y paakyat sa hagdan papunta sa kanyang kwarto, "Siya nga pala, ate. Pupunta sila Rebecca, Megan at Caitlin mamayang alas-siyete at dito sila matutulog."

Tumango si Aimee at bumalik sa kanyang pagaaral, "Lagi naman sila magdamag dito pag Biyernes." Sinabi niya sabay tawa. Si Aimee ay labinsiyam na taon gulang at malapit na magtapos ng kolehiyo ng chemical engineering sa Marso, siya rin ang pangalawang magulang ni Eileen dahil ang kanilang tatay ay nagtatrabaho bilang isang doktor at halos wala siya sa bahay.

Bago makapasok si Eileen sa kanyang kwarto, biglaang may kumatok sa pintuan. Tumayo siya sa tabi ng hagdanan at pinanood niya si Aimee buksan ang pinto para makapasok si Caitlin, ang isa sa kanyang mga kaibigan. "Magandang hapon, ate Aimee." Sabay bati ni Caitlin kay Aimee sa kanyang pagpasok sa kanilang tahanan, "Maaari po bang puntahan ko si Eileen?"

"O, bakit ang aga mo, Caitlin? Akala ko mamayang alas-siyete?" Ang tanong ni Eileen habang siya ay palakad palapit sa kanya sa sala. "Sinabihan ko sila Rebecca at Megan na maaga ako pupunta dito. May gusto ako sanang sabihin sayo." Umakyat ang dalawa sa kwarto ni Eileen at isinara ang pintuan. Binaba ni Caitlin ang kanyang dalang bag sa lapag at umupo sa higaan ni Eileen, "Kilala mo ba si James? Yung senador ng baytang 9 para sa konseho ng mag-aaral?" Napakunot ang noo ni Eileen sa pagkabanggit ng pangalan ng estudyante, "Oo, kilala ko. Bakit mo naman na patanong?" Ang kanyang itinanong. Napagiti si Caitlin at sabay sabi, "Nililigawan niya ako noon, kakasagot ko lang sa kanya kanina."

"Ha? Kelan pa to nangyari at bakit ngayon ko lang nalaman to? I thought we were friends, Caitlin."

"Wag mo akong sagutin sa Ingles, alam mong hindi ako magaling sa wika na iyan."

"Oo, pero masmagaling ka mag-tago – "

"Ike-kwento ko na nga, saglit lang!"

Ang nakalipas na dalawang buwan...

"Seryoso ka ba?" Ang tanong ni Jillian sa kanyang kaibigan, "Nagustuhan mo yung mukha na yun? Mas gwapo pa ang aso ko diyan." Sinabi niya sa pagkaalam niya ng sikreto ni Caitlin. Sinuntok ni Caitlin si Jillian sa braso, "Wag kang bastos." Tumawa lang lamang siya, pinagsisisihan ang kanyang paglait sa kanyang "crush" na si James Manangan.

"Sobrang desperado ka ba na kahit sino na lang pinapatulan mo?" Muling nilait ni Jillian napaloko, "Pero seryoso na talaga, may nakikita ka bang kinabukasan para sa inyong dalawa?" Napaisip si Caitlin. Hindi niya pa masyadong nakikilala si James pero may ibang klaseng nararamdaman pag kasama niya siya. Sa unang pagtanto ni Caitlin na mayroon siyang gusto sa kanya, agad niyang sinabihan si James dahil magtatapos na siya ng mataas na paaralan sa loob ng dalawang buwan at papasok sa kolehiyo. Pagkatapos ng ilang linggo, naging matalik silang magkaibigan. Sinabihan siya ni James na mayroon siyang balak manligaw ngunit hindi niya sinabi kung kailan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Short stories and Other WhatnotsWhere stories live. Discover now