Prologue

324 10 5
                                    

Ako si Alexandra Mae N. Fernandez, Alex tawag sakin ng mga kaibigan ko, isa lang akong 12 years old, oo alam kong bata pa ako to be in a "love triangle" pero wait lang kasi kayo...maganda to promise.

So yun nga meron kasing heart rob dito sa school namin, dito sa San Ed Soriano Sci-Tech High School at sa kasamaang palad kaklase ko pa si mokong, at yung mokong na yun ay si Zach Joseph D. Garcia, or Zach pwede ring Zachary, yun kasi real name nya, so yun nga, 1 month lang naman tanda ko sakanya, September 27 kasi ako pinanganak habang sya November 16, pero kahit mas matanda ako mas mature syang magisip.

Meron kaming kaklase, si Margarette Bea T. Balintore, gandang babae nito, kinulang nga lang sa height, hanggang balikat ko lang sya pero sobrang cute nya, isa sa mga rason kung bakit nagka crush din sakanya si Zach, ganito kasi yun.

Flashback...

First Day of School

"Hi! ako nga pala si Margarette, Margie for short" sabay abot sakin ng kamay nya, "Hi--" "Alex diba" "Ah oo" di pa nga tapos ehh, mukang mataray to ah pero sige na nga, wala pa akong friend dito eh, new school kasi...

"Ahh Margie...bakit mo nga pala ako pinansin, eh hindi ko match beauty mo eh"

"Ano ka ba, mataray man ako, hindi naman itsura pinagbabatayan ko, kung sinong magiging kaibigan ko"

"Ahh sige..."

"Tyaka maganda ka naman eh, chubby ngalang, try mong magpapayat, lalo kang gaganda"

"Wehh, sus nambola pa, sige na nga"

Sa harap ko lang kasi nakaupo si Margie, permanent seat na.
At syempre dahil first day ko sa new school...hindi mawawala ang 'Introduce Yourself'...

Sunod-sunod na silang nag-introduce...sunod na si Margie, grabe ang dyosa nya talaga, brown yung eyes nya tapos ang payat nya, close to perfection...

"My name is Margarette Bea T. Balintore, 12 years old, I was born on August 4, and I live at ........Quezon City!" taray beauty contest lang, "My hobbies are dancing and singing pero mas magaling akong sumayaw, I'm a dancer. And one fact about me is...I'm afraid of kittens." buong class nagtawanan...sa dami ng fears sa kuting pa...ang cute nya talaga...haahahaha "Bakit ba!" ang taray talaga neto, napatahimik nya sila.

Tapos na yung katabi ko so malamang ako na next alangan namang yung isa kong katabi noh (last ko na yun) pagkaapak ko sa platform pilit ko talagang maging confident...bakit ba kasi hindi ako katulad ni Margie eh...

"My name is Alexandra Mae N. Fernandez, my friends call me Alex, I'm 12 years old, I was born on September 27, I live at ..........Quezon City, my hobbies are singing, writing songs, and doing lettering, one fact about me is I'm a certified true directioner."

So yun sunod-sunod na sila, nabobored na nga ako dito, kasi paulit-ulit nalang, "My name is choochoochoo" "I live at blah blah blah" "My hobbies are keme keme"

hanggang sa umapak na siya sa platform, wews, sa totoo lang nayayabangan ako sa kanya eh, pogi nga pero there's something missing...

"My name is Zachary Joseph D. Garcia, I'm 12 years old, born on November 16, my hobbies are Singing and playing some instruments, one fact about me is I'm a black belter at taekwando."

Taray ah, black belter si kuya, pero hindi, ang hangin parin.

Kinabukasan...

"Hi beshy" "Hello" parang may something dito kay Margie ah...iba sya makatingin kay...Zach ba yun...

"Uyy" pagkulit ko sa kanya.
"Ayy sorry"
"Ikaw ahh kanina pa kita napapansin, iba tingin mo kay Zach, crush mo noh, ayieeee"
"Uy hin-- ugh sige na nga, ang gwapo nya kase ehh"
"Wushu, sabi na ehh" gwapo daw, wew san banda? mukang kailangan nang magpachek ng mata neto ni Margie ahh, pero to be honest talaga may itsura din naman si Zach, di nga lang sya yung tipo ko, and tulad nga ng sabi ko, ang yabang nya.

To be continued...

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon