Chapter 11: Biglang Layo. So New Friends

56 2 2
                                    

Ilang araw na yung nakalipas umpisa nung heart break ni Zach... sus... drama mga brad... pero muka naman na syang okay... sus yun pa.... kayang kaya nya... hahaha pero napapansin ko sa unti unting pagkawala ng sakit sa puso ni Zach... unti-unti na rin syang lumalayo sakin... pati narin si Margie.... nawala na yung dating closeness namin... para bang mas masaya sila na di ko sila kasama... ang sakit pala ng ganon...

once you seemed important to a person then one day they're acting as if you don't exist anymore...

*RIIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGG*

Break Time na namin.... hayst... parang wala akong ganang kumain ngayon...

Me: Pst Margie tara na...

Margie: Ah.... eh.... may iba na kasi akong kasabay eh.

Me: Ah ganun ba... sige...

Like I told you guys... kinalimutan nya na ako.... pero okay lang kasi... hindi naman siya yung unang nangganyan sakin eh.... ginanyan na ren ako nung 'bestfriend' ko dati nung Elementary.

...

Ayun pumunta ako sa canteen nung araw na yun nang mag isa... saklap noh... pati rin si Zach dinededma ako... kainis... parang ayoko nang pumasok bukas... friday nga ngayon pero may MTAP naman kami... yun yung parang advance learning sa Math.... may plus grades kasi yung mga sasali dun kaya halos lahat kami na taga Emerald kasali.

*THE NEXT DAY*

Pagpasok ko sa room medyo marami ng tao... nahirapan akong maghanap ng upuan, yung isang upuan napagigitnaan ng mga taga Jade... so I'm guessing na reserved yun, yung isa naman nasa harapan, puro matatalino lang pwede pumwesto dun... haha... YUN! may isang bakanteng upuan sa tabi nung isa kong kaklase... nasa likod ko lang to kapag normal seating arrangement eh... haha mas maliit pa sya kay Margie, parang kapatid ko lang wahahaha sorna... so lumapit ako tapos tinanong ko sya kung may nakaupo na ba, sabi nya wala daw... kaya ayun umupo ako.  Tapos nagkwentuhan muna kami.  Tinanong ko ulit sya kung anong pangalan nya... nakalimutan ko na kasi eh hehe

Sabi nya Joy daw... kaya dun na nagumpisa yung closeness namin... pero may isa pa kasi syang kaklose... siguro naging kaclose nya yun kasi pareho silang naghabol ng mga kulang nila... kasi matagal silang nag absent... because of health problems... yung kaclose nyang yun... si ano yun... si Kylla... yas... at dahil close sila ni Joy... naging kaclose ko na rin sya... buong session nagkwentuhan lang kaming tatlo wahaha.  Ang saya nilang dalawa kasama, di ko nailalabas yung ganitong kabaliwan nung si Margie lang kasama ko lagi.

*END OF SESSION*

Kylla: Uy punta tayo sa Mall... tagal ko ng di nakakagala eh...

Me: Ah yung dun malapit samin...

Since yun lang naman pinakamalapit na Mall sa school haha.

Kylla: Oo dun...

Joy: Sige payag ako dyan... ikaw Alex?

Me: Tinatanong paba yun? malamang yes... lapit lang samin nun eh as ing walking distance lang ahahaha.

Joy: Hahaha sige tara na!

Habang nakasakay kami sa jeep... binubulong samin ni Kylla na magwa123 daw sya, luh ambaet na bata ano... hahaha... wala na daw kasi syang pera, sakto nang pangkain tyaka pamasahe... hahaha

Edi nakarating na kami dito sa Mall, tapos pumunta kami dun sa food court pero di kami bumili ng foods nila dun kasi... di kaya ng budget namin wahaha... so yun since gutom na kami bumili nalang kami ng mga chichiria dun sa parang grocery store nila sa loob ng mall (nakalimutan ko tawag dun eh haha sorna)

Tapos bumili nalang kami ng coke float sa mcdo para may panulak kami haha.  Edi eto kami kwento kwento tawa tawa habang kumakain hahaha nagkasundo talaga kaming tatlo.  I'm so glad that I met them.

...

Medyo napatagal yung kwentuhan namin haha nagulat nalang kami nung makita na naming 3:00pm na eh kanina pang 12 yung labasan namin sa school... so nagmadali na kaming umuwi... lalo na si Kylla... sya yung may pinakamalayo na bahay sa aming tatlo... So ako naman nagumpisa nang maglakad.  Di ko alam kung bakit iniisip ko si mokong (Zach) hala... siguro nga may crush na talaga ako sa kanya... oo na sige na inaamin ko na sa sarili ko... pero di ko pa inaamin kahit kanino... kasi naman ehh...

To be continued...

Hi! sorna kung medyo maikli tong chapter na to... haha... ipupublish ko din naman agad yung chapter 12 eh... thank you! ~LE

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon