Chapter 6: Trumpets Challenge Part 1

84 2 0
                                    

“Okay class since it's Nutrition Month again, we will be having 'Trumpets Challenge' for the Grade 7 students, so just join for those who want to”
sabi ng teacher namin.

Well wala naman talaga akong interes sa mga sayaw eh pero ewan ko, parang gusto kong sumali kasi kulang pa ng isang member, and iniisip ko talaga na lagi magpapractice si Marj, wala na akong makakasama, hmp, bahala na nga ahaha.

Practice Day 1

“Beshy intayin mo ako paguwi, pleeeease” pagkulit sakin ni Marj, gusto nyang sumama ako sa practice nila para may kasabay syang paguwi, bale halos malapit lang kasi yung bahay nila sa bahay namen, so sabay kami laging umuuwi.

“Diba may practice pa kayo, sige na mauuna na lang ako” sagot ko sa kanya, ayaw talaga magpaawat ng bunganga, ang kulet din neto eh.
“Sige na sama ka na, wala ako kasabay mamaya pag nauna ka, sige na, di kita papansinin kapag di ka sumama” pagkulit niya nanaman sakin. “Ugh sige na nga” pilit na sagot ko “Yehey”.

Nandun na kami sa labas ng gate ng school, kasali kasi si Ralph sa Trumpets so ihahatid daw kami ng kotse nila dun sa.... sa.... bahay nila Zach... wtf...

Maya maya dumating na yung kotse nila Ralph... langya ang ganda... pero mas maganda paren daw si Tiffanie para sa kanya... ahaha

Habang nasa kotse kami namomroblema si Chenny, parang sya yata yung choreographer nung sayaw, bale si Margie kasi yung leader.   “Ay nakers kulang pa talaga tayo ng isa, 6 na sa boys, 5 paren sa girls pff” sabi ni Chenny.

Kaya naisipan ko magbiro
“Gusto nyo sali ako? haha” di ko naman akalain na seseryosohin nila at gusto ko rin naman talaga sumali di ko lang masabi.
“Sige sali ka” sabi nila.
“Okay lang?” tanong ko
“Oo nga” sagot nila.

“Okay official na ah, member na ako”
“Yass naman ahaha” pang asar ni Marj, sarap tirisin eh noh, ahaha.  Luh tama ba tong pinasok ko, hayst bahala na nga.

Wala pang isang oras nakadating na rin kami sa bahay nila Zach... walking distance lang pala eh..sana di nalang kami nagpahatid... sayang effort.

Nakapasok na kami sa bahay nila Zach, medyo malaki sya, tama lang tapos madaming kwarto, dun daw kami magpapractice sa may sala.

Since 1st day tinuro muna samin yung mga dance steps.  Tawanan, harutan parang wala ngang practice eh, pero syempre iniintindi ko din yung mga tinurong steps.  Tapos nabored talaga ako so nilibot ko yung buong living room nila Zach.  Nakita ko yung pictures nya nung bata pa sya, mga 6 or 7 years old yata.  Ang cute nya pala dati, tapos ngayon pogi na.

After a few minutes siguro pagod na kaming lahat, 5:30 pm na rin eh alas kwatro uwian namen kaya medyo late naren kaya nagpasundo na kami sa kotse nila Ralph.

After an hour nakauwi na rin ako wala kasing traffic kaya nakauwi agad ako.  Pagkapunta ko sa gate namen, pinagbubulungan nanaman ako ng mga chismosa kong kapit bahay, pfff wala ng ibang ginawa, porke hinatid lang ako ng kotse.

Pagkapasok ko ng bahay walang tao, umalis yata sila tita, tapos nasa trabaho sila mommy at daddy.  Habang nagbibihis ako, hindi mawala sa isip ko si Zach, like the ef... ano bang nangyayare sakin para lang akong tanga dito, tapos bigla lang akong natauhan nung sunod-sunod ng tumunog yung Messenger ko, yung GC nanaman namen ang ingay, so sinaylent ko muna phone ko, tapos nagidlip lang muna ako for 10 mins since wala namang assignments.

***********Kinabukasan***********

Luh dapat 10 mins. lang ako matutulog kinabukasan na ako nagising, sakto 5:00 am na kikilos na ako para pumasok.

Practice Day 2

Takters wala kaming masyado ginawa ngayon, sana di nalang ako pumasok tapos absent pa si Marj so malamang di rin sya makakaatend ng practice namen mamaya... nobayan nakakabatrip lang kasi bored na bored na ako tapos nagmumuka pa akong trying hard na maging close sa kanila.  Ambaet ng araw sakin ngayon eh, tapos parang tinatamad pa akong umattend ng practice mamaya, kasi naman eh WALA SI MARGIE.

Class Dismiss

“Uy Alex pupunta ka ba ng practice?”
Tanong sakin ni Chenny
“Uhm oo bat naman hindi?”
“Ah wala kasi si Margie eh baka ma-op ka nanaman haha” pagasar sakin ni Chenny, langya to ah nakuha pa ako asarin eh noh haha.

Dun ulet kami magpapractice sa bahay nila Zach.  Nilakad nalang namen this time kasi sayang gas eh.
Nakadating na kami dun sa bahay nila Zach, tapos nagstart na agad, since na sinipag ang ateng nyo ngayon kinabisado ko talaga yung steps.

Oh pak, one two three, hindi na masyado namroblema si Chenny sakin.  Pak na pak talaga eh noh, taena hindi ko talaga alam kung bakit natulala ako bigla kay Zach, nubayan ano bang nangyayari sakin at bigla akong natulala, dahil sa tagal kong nakatitig sa kanya bigla syang napatingin sakin, tapos nageye contact kami, shet! yari ako kay Marj.

Nung tumingin sya saken bigla akong umiwas kaagad takters baka sabihin pa nya na may gusto ako sa kanya eh.... Yuck! Eew! Never!

Di naman nya pinansin yun so okay lang, pero kahit na, ang epic paren.
Maya-maya natapos na kaming magpractice kaya nagpahinga muna kami tapos after 10 mins. umuwi na din kami.  Bale magkakasabay kami ni Chenny at Marj na umuuwi.

Shems sana pumasok na si Margie bukas nakakailang na eh.

The next day...

Yes! nandito na ren si Marj.  "Hoy! bat ka absent kahapon ahh??" tanong ko agad sa kanya, "Ang OA ah masakit kasi ulo ko kahapon kaya di nalang ako pumasok" sagot nya "Ah ganun ba sige, I'm just glad na nandito ka na".

Practice Day 3

Dun ulit kami sa bahay nila Zach nagpractice pero hindi dun sa living room, dinala nya kami dun sa isang kwarto na... langya! napakainit wala kasing electric fan...

Since halos kabisado na rin naman namin yung steps, yung formation nalang talaga yung inaayos namen.

Beast mode kasi si Margie so nabbm na rin ako kasi hindi ko sya makausap ng matino.
"Ano bang problema mo?" mahinahon kong tanong sa kanya,
"Wala!" ang OA sumagot amp, kaya ko nga sya dinala dito sa tagong lugar para di nila marinig dun sa isang kwarto eh. "Edi fine, sige!" sabay walk out iz meh, umupo ako dun sa may hagdan sa tapat ng pinto, tapos napansin ni Zach na lumabas ako kaya sumunod sya... shet paiyak na ako eh

"Anong nangyare?" tanong nya
"Wala..." sagot ko
"Wala? eh bat parang paiyak ka na dyan, tyaka bat ka lumabas kung wala lang?" ang kulet din neto eh
"Wala nga ang init lang kasi dun sa loob kaya lumabas muna ako"
*Umupo sa tabi ko si Zach*
"Sige na sabihin mo na akala mo ba di ko alam pero nararamdaman ko na galet ka" luh is this really Zach?
"Si Margie kasi eh bm"
"So ikaw din?" tanong nya
"Ikaw kaya sigawan"
"Ah ok haha"
"Luh" sabay ngiti

"Uy tara na kayong dalawa ayusin na naten" tinawag kami ni Chenny.
So pumasok na kami ni Zach.

Di ko alam kung baket pero parang kinikilig ako kanina habang kausap ko sya.  He just makes everything better.

To be continued...

Hello guys musta na? yan ah ang haba na nyan... hayss naalala ko pa nung talagang nangyare yung moment na yun sa Practice Day 3 nung kinocomfort nya ako... langya...  ~LE

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon