Chapter 7: Trumpets Challenge Part 2

87 2 0
                                    

TVE time namen pero wala masyadong ginawa dahil pinagpractice kami sa room... yes... shet! sa harap ng mga kaklase namen ako sasayaw... like wtf... haysss bahala na nga...

Practice Day 4

So since may training mamayang uwian si Zach sa Taekwando... hindi kami makakapagpractice sa bahay nila kaya nilubos lubos na namen yung time at since kabisado na rin naman naming lahat yung steps... wala ng problema.

Tbh talaga guys hindi talaga ako marunong sumayaw, ewan ko ba kung bakit ako sumali sali eh, dahil sa grades siguro, kasi may plus grades yung mga sasali. Hanggang sa ni-real talk ako nila Chenny.

“Alex, tawag ka nila Chenny” sabi sakin nung isa naming kaklase.
“Chenny tawag nyo daw ako”
“Ah oo, ano nga ba yung sasabihin ko?” tapos tumingin sya dun sa isa naming member, tas sinenyasan sya.
“Ah ano kasi... gusto lang namin tanongin kung kaya mo pa ba?” hindi ko sila maintindihan.
“Huh? eh kabisado ko naman yung steps ahh” sagot ko.
“Napapansin lang kasi namin na parang nahihirapan kang sumabay” di ko alam kung bakit pero parang nasaktan ako dun sa sinabi nya.
“Ah ganun ba? kaya ko pa” paiyak na ako, I don't even know why.
“Ahh o sige, basta sabihin mo lang kung hindi mo na kaya ha” tumango nalang ako kasi parang paiyak na talaga ako hindi ko na kayang magsalita. “Sige balik ka na dun.”

Pagkabalik ko sa room namin nagpapractice yung mga boy members kasi hindi nila maperfect perfect.  Umupo muna ako dun sa upuan ko tas parang lutang ako, nasaktan talaga ako dun sa mga sinabi nila Chenny.

Since naka U form yung mga upuan namin, iba yung katabi ko, isa sa mga matalino sa room si Danielle.

“Bakit lutang ka dyan?” tanong nya sakin. “Ah kasi tinanong ako nila Chenny kung kaya ko pa daw sumayaw, kahit hindi nila sinabi ng derekta parang feeling ko gusto na nila ako paalisin”
“You're right, diba yun yung tinuturo satin ni Mam sa Filipino, na nagpapahiwatig, kahit hindi sinabi ng derekta, may meaning yun” sabi nya sakin.
“Pero bakit ngayon pa kung kelan kabisado ko na yung steps”
“I don't know pero minsan talaga akala mo you gave your best pero hindi parin pala enough, okay lang yan gawin mo nalang na inspirasyon yung mga sinabi nila para lalo mong galingan” sabi nya sakin, wow ah ang galing nya magadvice.
“Sige Danielle, thank you rin kasi medyo napagaan mo yung loob ko”
“No prob” (p.s. babae si Danielle)

Paguwi ko sa bahay lutang parin ako, eh since lagi naman akong home alone kaya wala akong pake kung maging lutang ako.  Kaya kumain nalang ako tapos tinulog ko nalang yung sama ng loob.

*********Kinabukasan**********

Parang ayoko na talagang pumasok ngayon eh... kaya lang kailangan, ano yun hindi ako papasok ng dahil dun sa sinabi nila, magmumuka akong affected, kaya kahit ayoko napilitan akong pumasok.

“Hi Alex! musta?” pambati sakin ni Danielle. “Okay lang naman, yun medyo affected pa ng slight pero kaya naman” sagot ko. “Good for you.”  natutuwa lang ako dito kay Danielle eh kasi pala English... although nakakaintindi ako parang ano lang... ang weird lang, lalo na nandito tayo sa Pilipinas... okay mema.

Bawal daw kami magpractice dun sa bahay nila Zach kasi may inaayos daw, eh since 2 freakin' days nalang before the competition, talagang pinapayagan kami ng teacher namin na magpractice sa room.

Practice Day 5

Fudge malapit na yung competition, pero parang gusto ko magback out, kaya lang official na ang lahat, bahala na, pero ayaw ko talagang magpractice, wala ako sa mood.

Kaya nag palusot.com muna ako kela Chenny at sinabi na medyo nahihilo ako, at paunahin nya muna yung mga lalaki na magpractice, pumayag naman sila, kaya naupo muna ako dun sa upuan ko.

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon