Chapter 18: Everything Has Changed (Ralphie part 2)

50 2 0
                                    

Ralph's POV

Di ko akalain na magiging close kami neto. Grabe, ang bait niya pala. Walang awkward moment samin. Free kaming magshare ng secret ng isa't isa, tapos nagaadvice den kami sa isa't isa.

Sikat na siya dito sa school namin, dahil sa pagkanta niya. Balita ko, marami naring nagkakagusto sa kanya. Pero ano namang pake ko? sila hanggang tingin lang eh ako, nakakabiruan ko pa.

Iba si Tiffanie sa lahat ng babaeng nagustuhan ko. Oo, may gusto ako sa kanya, pero hanggang ngayon ay sekreto ko lang to sa sarili ko na hinding hindi mabubunyag. Sana...

Di ko alam kung pano nangyari pero sobrang bilis ng mga pangyayari, nasabi ko... sa isa kong kaklase. Si Kylla. Sabi ko sa kanya, wag niyang ipagkakalat, kasi pinagkakatiwalaan ko siya.

Pero out of nowhere, nalaman ng iba. I'm not blaming her, baka kasi may iba lang siyang pinagsabihan, tapos yun yung nagkalat. Ayoko na alamin. Pero umpisa nun nagiiba na pakikitungo niya sakin.

Ganun ba talaga mga babae? akala ko walang magbabago. Akala ko ganon paren. Pero bakit?...

Sana bumalik na ang lahat sa dati...

Sana...

Lagi nalang hanggang sana. Once you said it... wala ng bawian. I hate this.

"Oy. Totoo ba? na may gusto ka kay Tiffanie?" tanong sakin netong si Alex. Sabi sa inyo marami ng nakakaalam eh.

"Uhm. Siguro?" sagot ko.

Alex: Weh. May pasiguro siguro ka pa diyan.

Me: Sinong nagsabi sayo?

Alex: Wala... matagal ko ng nahahalata. Tapos narinig kong naguusap sila Kylla, so I just need confirmation kung totoo. ^_^

Me: Lol. Sino kausap niya?

Alex: Ang daming tanong, hahaba lang usapan eh. Kabuset. Basta si ano. Yung katabi niya. Mabait naman yun.

Me: Ah okay.

Alex: Hey! di mo pa sinasagot yung tanong ko!

Me: Oo nga. Wag ka maingay, futa.

Alex: Yiee. Oo naman ako pa. May balak ka bang ligawan someday? you know after *ehem* three years *ehem*

Me: Di ko alam. Mukang di rin naman siya papayag eh. Tyaka hanggang kaibigan nalang talaga tingin niya sakin.

Alex: Mabait naman si Tiffanie eh. Wala namang masama kung tanungin mo, diba?

Me: Eh kahit na. May iba kasing gusto yan. Kinekwento niya sakin.

Alex: Awtsu. Basta itry mo lang. Kung ifriend zone ka, edi okay, at least nifriend zone ka. HINDI INIGNORE ZONE.

Me: Haha grabe. Taken na kasi.

Alex: Psh. Sige na nga, bye. Bababa na ako.

Me: Hahaha Pikon!

Lol din tong si Alex eh noh. Masyado kasing umaasa kay Zach. Pero shh lang kayo, di talaga totoo na magjowa sila Zach at Gabi. Pinagtitripan ko lang siya para magising na sa katotohanan.

...

At sa di ko inaasahang pagkakataon. Naamin ko sa kanya. Yes. Inamin ko thinking na walang magbabago. Pero I was wrong. She started to distance herself. Naoawkwardan na siya sakin. Saklap. Akala ko ganon pa din eh. Pero I was wrong.

But I won't give up. I still tried to make everything better. Nung birthday niya, binigyan ko siya ng bracelet. Tapos sa Christmas Party naman namin may balak akong bigyan siya ng teddy bear. Luckily tinatanggap niya naman.

I don't know kung hanggang kelan ako magkakafeelings sa kanya. But it's killing me. Iba siya mga brad.

But what would you do kung yung taong gustong gusto mong lapitan layuan ka bigla? would you try to talk to her, or let her ignore you?

That's what exactly happened sakin nung inamin ko yung true feelings ko for her. Alam kong hindi lang ako yung nakakaramdam neto. Pero sh*t! ang hirap pala.

Alex's POV

The way he looks at her. The way he jokes around with her. The way he laughs when he's with her... why is it like this? Ugh!

Buset talaga yun si Ralph. Siguraduhin niya lang na hindi totoo yung mga pinagsasabi niya. Putek. Kabanas... (Ay sorry na... hindi pala ako bida dito sa chapter na to) Just Sharing! Bye! ^_^

To be continued...

Yowwws. Sorry matagal ako magupdate. Katamad magtype eh. ahaha ~LE

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon