Chapter 10: The Bridge

60 2 0
                                    

You all mabye thinking right now, kung bakit "The Bridge" yung title ng chapter na to... well umpisa kasi nung inamin ni Zach sa bahay nila na crush nya din si Margie nagpapatulong na sakin si mokong, eh syempre ako naman pumayag kasi talaga namang fan ako ng love team nila dati pa.  Kaya "The Bridge" kasi parang ako yung nagsisilbing tulay nilang dalawa.

*A FEW DAYS AFTER THE COMPETITION*

Ilang araw na rin matapos yung competition.  Talagang nakikita kong seryoso tong si Zach kay Margie, may mga pinaguusapan sila sa chat na di ko alam pero alam ko na talagang nagkakainlaban na yung dalawa haha.  As in talagang araw-araw tuwing lilipat na ako sa tabi ni Zach lagi nyang itatanong na "Kamusta sya? okay lang ba sya?" syempre tatango lang ako... kasi okay lang naman talaga siya eh.

...

Nagiging over protective si Zach kay Margie, siguro ganon lang talaga sya kapag mahal nya or importante sa kanya yung isang tao, hayst kelan ko kaya maeexperience yung ganyan.

Pero di ko namamalayan na... habang tinutulungan ko si Zach kay Margie ako yung unti unting nahuhulog sa kanya.  Korni na kung korni pero di na talaga 'crush' yung nararamdaman ko para sa kanya, pero let's just assume na it's just a 'crush' kasi masydo pa akong bata para sabihing mahal ko na yung isang tao, ano bang alam ko dun.

Hanggang sa...

Zach: Uy alam mo ba... may tinanong ako kay Margie ^_^

Me: Oh ano?

Pero di talaga ako interesado kasi lagi nalang si Margie yung topic namin, nakakasawa na.  Pero ano pa ngang magagawa ko, tinamaan na si loko eh.

Zach: Tinanong ko sya... kung pwede bang Man--------

Me: Anong Man--------???

Zach: Hahahaha

Me: Ano nga futek naman to oh...

Hala feeling ko tinanong nya kung pwede syang manligaw...

Zach: Tinanong ko sya kung pwede bang manligaw.

AYUN! sabi na eh, nakakasawa ng maghinala lagi nalang tama...

Me: Ha! anong sabi nya?!

Zach: Ano ba yang reaction mo, parang ayaw mo ah.

Ayaw ko talaga... pero mukang meant to be talaga sila.  Ayoko namang maging hadlang, hayst magpaparaya na nga lang ako.

Me: Ha hindi ah! eh ikaw kasi eh pasuspense... di nalang sabihin agad.

Zach: Sorry naman... sabi nya di pa daw syang handang magkaboyfriend or kahit ng manliligaw.  Kaya sabi ko... how about after three years? sabi nya sige daw.

Me: Wow... seryoso ka na talaga dyan kay Margie ahh... akalain mo yun haha. So... magiintay ka nanaman sa isang babae.

Zach: Syempre ganon talaga kapag mahal mo diba... handa kang maghintay...

Kung ako lang yan Zach di talaga kita paaasahin... feeling ko kasi may ibang gusto na si Margie eh... di mo ba nakikita? Paaasahin ka lang nya.

Me: Eh pano kung paasahin ka din nya, parang yung ginawa ni Kelly sayo?? (si Kelly yung inantay nya for 6 years)

Zach: Pano mo nalaman pangalan nun?

Me: Sinabi sakin ni Chloe... may angal?

Zach: Aish yung babaeng yun talaga.  Pero di naman siguro ako papaasahin ni Margie.

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon