Chapter 12: Secret Feelings

46 2 0
                                    

Ilang araw na.... lagi ko nalang napapanaginipan si Zach... kabuang... yun bang tipong pagkagising ko, bago matulog... sya lagi yung iniisip ko or nasa isip ko... ito pang isa... LAGI KO SYANG NAPAPANAGINIPAN yun bang tipong tawanan kami lagi...ganun... ano ba yan... nilamon na talaga ako ng sistema... di ko na kering itago to...

Pero... kailangan eh... kailangan... tyaka natatakot ako na layuan nya ako kung sakaling malaman nya... di naman ako kasing ganda ni Margie eh... so IMPOSIBLE talagang magkagusto sakin yun, kahit crush man lang...

*SCHOOL: BREAK TIME*

Habang kumakain ako ng lunch... naririnig ko na may kausap si Zach... si Chloe... sabi nya... "Nabalitaan ko na babalik na daw sa dito si Cara" di ko na masyado narinig yung sinabi ni Chloe eh... pero alam mo yung parang excitement sa boses ni Zach... this isn't really the right time to confess my feelings for him...

Si Cara nga pala yung... girlfriend nya... kaya lang lumipat si Cara sa America tapos lumipat ng Korea tapos ngayon, di daw sya sure pero yun nga... baka bumalik na dito.  Since ang tagal na ni Cara sa ibang bansa, wala na silang communication ni Zach, naging jowa nya yun bago nya pa hintayin si Kelly.  So di na talaga sila nagkaroon ng closure kung sila pa or hindi na... malamang may iba na yun si Cara... ang tagal na nyang wala dito eh...

Ito ah... maniniwala pa ako dun sa naging girlfriend nya si Cara eh... pero sabi nya... muntik na daw silang ma-arrange marriage wahaahaha oh diba unbelievable di naman yata totoo yun eh... ewan ko dun kay Zach buang.... imagine... naging jowa nya si Cara bago ng intayin si Kelly... so... that was 6 years ago... 12 - 6 = 6 yrs old... ANO YUN!? 6 years old na ma aarrange marriage... lakas ng tama... wahahaha

*TVE TIME*

Alam nyo na... malamang katabi ko nanaman si Zach. Ang tagal dumating ni Sir, hayst 12:15 na wala paren siya.  Nabigla ako kasi biglang heneram ni Zach yung tablet ko... (oo nagdadala ako ng tablet sa school) sabi nya pa... "Pa-minecraft" edi pumayag ako... sus... magiinarte paba ako hahaha, yun lang yata yung something in common namin ni Zach eh, pareho kaming naglalaro ng Minecraft, certified addict ako sa larong yan. Shout out po sa lahat ng minecraft addict ^_^

Edi yun, habang naglalaro sya tahimik lang akong nanonood sa kanya, gagawa daw sya ng treehouse. Since na bored ako, pumunta muna ako sa labas, tapos nandun si Kylla kausap si Margie, "Uy Alex... nagjejebs ka paren pala sa shorts mo" sabi ni Margie, hala kala Kylla ko lang sinabi yun ah... "Uy hindi ah" deny ko... "Anong hindi kakasabi mo nga lang samin nun" tapos nagtawanan sila... dahil sa kahihiyan ko pumasok nalang ulit ako sa room... grabe nawala tiwala ko kay Kylla... eh kasi naman eh... madalas nga ako nage-LBM kaya ganun... kailangan nya pa ipagkalat.

Pagkaupo ko sa upuan ko... "Shingina ang dami talagang plastik sa mundo" sabi ko... nabanas talaga ako mga dre... "Sino ba?" tanong ni Zach... "Si Kylla" sabi ko... tapos bigla syang nagsmirk... "Nagtataka nga ako sa inyo kung bat nyo pa naging kaibigan yan eh, sobrang sinungaling ni Kylla, always remember that" edi ako takang taka... kaklase na kasi ni Zach si Kylla dati pa... so mas kilala nya si Kylla kaysa sakin... nung tatanungin ko na sya kung bakit... biglang...

Bigla namang pumunta si Chloe dun sa tabi ko sa gilid, bale kasi yung upuan ko tuwing tve is nasa tabi ng pader so si Zach lang talaga nakakausap ko... "Patambay" sabi ni Chloe... halos isang linggo na nya yang ginagawa haha pumapayag naman ako. Hanubayan... pabayaan mo na nga...

Fun Fact: Tatlo silang Chloe dito sa section namin wahaha...

So yun... nagusap usap kaming tatlo... hahaha ang saya din kasama nitong mga to eh noh... dumating na si Sir... di pa nga tapos ni Zach yung treehouse eh... nubayan... haha... (p.s. hanggang ngayon nasa tablet paren yung ginawang treehouse ni *** aka Zach)

Nang may bigla akong naalala...

*Flashback*

Naalala nyo pa ba yung nagkabati kami ni Margie dun sa Orientation ng mga Club Members... naalala ko na nakausap ko pala si Monica... sya na yata yung pinakatahimik sa room... di ko akalain na ang bait nya pala... so kinausap ko nalang din sya... edi ayon nagtatawanan pa nga kami nun eh... naalala ko na... sinabi ko sa kanya na... CRUSH KO SI ZACH... hala nasabi ko na pala... pero malaki tiwala ko dun kasi tahimik naman siya eh... pero di ko akalain na ganun na katagal yung nararamdaman ko para kay Zach... shems... haha...

Pero nung pagkakaalam ko talaga nagstart is nung Trumpets pa... so... baka infatuation lang yung nararamdaman ko para kay Zach nung inamin ko kay Monica... oh well... dun narin naman papunta yun eh...

*Present*

So heto ako ngayon... bumalik na sa katinuan habang nakikinig kay Sir

Di ko na talaga kayang itago to... kailangan ko ng sabihin kala Kylla...

To be continued...

Hewow guys... just to clear it up... hindi totoo na nagjejebs paren ako sa shorts ko hanggang ngayon... si Alex lang po yun... hehehe ~LE

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon