Chapter 42

45 2 2
                                    

Chapter 42: Rumour

Alex's POV

NP: Still Got Time - ZAYN ft. PARTYNEXTDOOR

Vacant Time namin ngayon, syempre tinatamad ako bumaba, mamaya nalang akong break time bababa, for now, nagso sound trip muna ako.

♬♩~ Just stop looking for love, girl you know you still got time, girl you know you still got time, girl you know you still got, just stop looking for love ~ ♬♩

Nagpapatugtog lang ako ng biglang... "Alex tawag ka ni maam!" sigaw ng isa kong kaklase, pgtingin ko nasa pintuan nga namin yung Adviser namin, kaya pinuntahan ko siya.

"Bakit po?" tanong ko, "Uhm... kilala mo ba may ari netong papel nato? di ko kasi masoli, walang section na nakalagay," sabi ni maam, kaya naman tinignan ko yung hawak niyang papel...

"Zachary Joseph D. Garcia" Damn you Tadhana! ano? magkukunwari ba ako na hindi ko alam, kaya lang kasi baka mawala tong papel niya, shet! 45/50 panaman score niya, at putspa! math yung subject.

Nagcode red na naman siguro tong hinayupak na to, aish! "Ah... eh... opo maam kilala ko po," sagot ko, "Ah sige, pwede ba pakibigay sa kanya, sabihin mo narecord ko na yan, at maglalagay siya ng section next time ha," sabi ni maam.

Na pinagtaka ko, hindi niya kilala si Zach, eh ang taas ng score, diba kapag magaling yung student, kilala ng teacher?

"Uhm... maam, matanong ko lang po, di niyo po ba talaga kilala kung sino to? eh ang taas po ng score eh, diba po dapat kilala niyo agad yung students niyo na magagaling?" tanong ko, damn! kung hindi siya kilala, isa lang ibig sabihin neto, nandaya nga ang loko.

"Let me check again," sabi ni maam, matagal din siyang magisip ah, "Oh! is this Z? siya nga! di kasi kami sanay na tawagin siya sa real name niya, tawag namin Z, kasi siya yung Zayn sa room," wait what?! Zayn?! aba!

"Zayn? bakit po?" tanong ko, "Ah kasi, kaboses niya si Zayn kapag kumakanta, kapag wala kaming activities, pinapakanta nalang namin siya," kwento ni maam, hindi paren ako naniniwala.

"Talaga po? ah, isa pa po? magaling po ba siya sa class niyo?" tanong ko, "Oo naman! madalas magkaroon ng high scores si Z, isa siya sa mga favorite students ko actually, mabilis at maaga din magpasa ng requirements, kaya di na ako magugulat kung makasama sa top yan, next grading," kwento ni Maam.

Weh? ano pang hindi ko alam? "Ah maam, sure po ba kayo na si Z tyaka Zach ay iisa? kasi po... kaklase ko po yan last year, at sobrang layo niya po sa Z na kinukwento niyo," sabi ko na may pagdududa parin.

"Of course I'm sure Alex, people can change, alam kong ikaw din, nagbago na diba? I think Z can change too, sige mauna na ako," sabi ni maam at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan ako ditong nakatulala habang hawak yung test paper ni Zach, siguro nga... nagbago na siya... but why? there's always a reason kung bakit nagbabago ang isang tao.

Dahil hindi ko naman alam kung nasaan yung lalaking yun... at wala din siya sa room nila, naisipan kong magpunta sa tambayan nila, malamang nandun sila, kahit si Zad man lang, kaklase ko yun eh, at sabi ko nga, vacant namin.

"Uhm... guys, nandyan ba si Zach?" tanong ko, "Obvious ba?" sagot ni Joseph, ang sarap ingudngod sa lupa, pwe, "Ha. Ha. Okay... pero alam niyo ba kung nasaan siya?" tanong ko ulit, "We have no idea, bihira na sumama samin yun, masyadong sineseryoso pagaaral niya," sabi ni Ralph.

Dun ko naisip na, totoo nga siguro yung sinabi ni Maam kanina, "Alex? bat ka nandito?" tanong ni Zad, na kakarating lang, "Uhm... nasan si Zach?" tanong ko na naman, ang tino kasi kausap ng mga to eh.

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon