Chapter 20: Deny

68 3 3
                                    

1 month passed...

Alex's POV

Everything changed... yung dating maingay na kami tuwing tve, wala na. Yung dating Zach na maharot, wala na... I hate myself... sana di ko inamin, sana ganon parin. Lahat nalang puro Sana...

Nalaman ko na din na hindi totoo na couple si Gabi at Zach. Pero ang sakit parin. Halos tumalon yung puso ko sa tuwa nung malaman ko yung totoo. Pero ang hirap parin tanggapin na... wala ng chance.

May gusto si Gabi kay Zach, ganun din si Zach. Maybe after 5 years, maging sila na talaga. Ang sakit isipin na sana ako yun... sana ako nalang siya... si Gabi na gusto ng lahat. Siya na nagustuhan ni Zach.

"Kung sinabi mo kasi agad, edi nalakad talaga kita," sabi ni Ralph. "Psh. Oo na, paulit-ulit nalang. Ako na mali, ako na mabagal, ako na tanga!" sabi ko na may halong galit.

Kasi naman eh, lagi niya nalang sinasabi yan tuwing nagkukwento ako sa kanya tungkol kay Zach. Di ko siya kailangan, wala na akong pake, kung para kami sa isa't isa, gagawa ng paraan ang Tadhana... pero kasi eh, Tadhana is a B*tch...

I hate you, I love you, I hate that I love you, don't want to, but I can't put nobody else above you~~

Kantang paulit ulit na tumutugtog sa mula sa aking cellphone papunta sa aking mga tenga.

I hate you, I love you, I hate that I want you, you want her, you need her, and I'll never be her~~

I will never be her. Tahimik lang akong nagpapatugtog ng kantang ito sa aking upuan dito sa tve room namin. Yes, may ibang classroom na kami, may sakit kasi sa puso si sir, so bawal siyang mapagod. Kaya imbes na siya ang aakyat samin, kami ang baba sa kanya.

"Uy may nagdadrama nanaman," sabi ni Yxza habang ilalapag niya ang bag niya sa kanyang upuan. Katabi ko siya tuwing normal seating arrangement namin. Kapag tve naman, si Zach lang nasa pagitan namin. Siya din pala yung tumulong sakin nung nahihilo ako nung isang beses, remember that.

Ako lang magisa nasa row namin, buti nga hindi na pader katabi ko eh, sa left side ko nakaupo si Nicolette, madaldal din toh eh haha. So mag-isa nga lang ako, tinabihan muna ako ni Yxza, close naman kami kahit papano. Bale dun muna siya umupo sa upuan ni Zach, since ayaw naman umupo ni g*go dun.

"Nagdadrama ka diyan, ikaw nga di pa nakakamove on sa ex mo eh," sagot ko sa kanya. "Hoy! nakamove on na kaya ako, papansin lang siya eh," sagot niya. "Pinapansin mo naman, nako nako," sabi ko sa kanya. "Bahala ka nga diyan," pagsuko niya. Hahaha...

Halata naman kasing di pa nakakamove on eh. Yung ex niya pala taga Ruby lang, so araw-araw parin silang nagkikita ahaha. Inaasar ko din yan lagi eh. Ha!

Pero infairness, dahil sa kanya tyka narin kala Chaella, Joy, Kylla, tyaka Diane, nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Thank guys!

Umalis muna si Yxza sa upuan ni Zach, kaya magisa nanaman ako. Tinignan ko yung messenger ko, bumungad agad sakin yung convo namin ni Zach kagabi.

Monday 9:30pm
Ako: Uy. Gusto mo din ba si Gabi?
Ako: Ghe ignore pa, naniniwala ka sa kanila, nagmumuka ka lang tanga eh.

Yesterday 11:34pm
Siya: Wow, ako pa tanga. Tyaka di naman ako naniniwala dun sa mga yun eh.

Ako: Sus, eh bat di ka namamansin.

Siya: Eh busy ako eh, sa training.

Ako: Kahit sa personal eh.

Siya: Hindi ah.
Siya: Ghe bye muna.

Ako: Ghe.

Siya: 👍

Diba ang galing, after one week kung magreply. Ugh! bahala na nga. Di ko na talaga siya kakausapin through chat. Napipikon lang ako eh.

...

Bigla namang bumalik si Zach sa upuan niya. Napahome tuloy ako agad. Umupo narin si Yxza sa upuan niya, pinipilit niya pa ngang makipagpalitan ng upuan sa kanya si Zach eh pero ayaw niya.

"Ano bayan, dali na! ang arte naman eh," pilit ni Yxza. "Bahala ka diyan, naglalaro ako eh," sabi ni Zach, "Pabayaan mo na Yxza, wag mong pilitin kung ayaw niya," sabi ko kay Yxza, na ikinasuko niya, umupo pa sa upuan niya ng padabog.

Nananahimik ulit ako dito sa upuan ko habang nakikinig sa music, pero naririnig ko yung paguusap ni Zach at Yxza.

"Diba crush mo si Tiffanie," paguumpisa ni Yxza.

"Hindi ah, san mo naman nakuha yan, di ko crush si Tiffanie," sagot ni Zach.

"Eh si Gabi?" tanong ni Yxza na nakuha agad ang atensyon ko, kasi di niya pa sinasagot yung tanong ko sa chat namin kagabi. Kaya naman hininaan ko yung volume ng music na pinapatugtog ko.

"Hay, wala akong crush, kahit nga nililigawan wala eh, kasi kapag ginawa ko yun, maraming masasaktan," sagot ni Zach na ikinatahimik ni Yxza, at ngumiwi nalang, nayabangan siguro siya. Haha.

Napansin ko ding nilakasan niya yung boses niya dun sa part na "Maraming masasaktan" aba'y loko to ah. Sapakan nalang ohh.

Nakita kong wala yung katabi ni Diane sa upuan niya, so umalis muna ako sa upuan ko at pumunta doon, di ko kinakaya atmosphere dun sa upuan ko eh.

Maya maya naman ay dumating na si sir, na naging dahilan ng pagbalik ko sa upuan ko na parang ninja. Ahaha. Sinabi niya samin na wala kaming gagawin ngayon, so iniwan niya muna kami, at himala, kasi hindi umalis si Zach sa upuan niya pagkaalis ni sir.

"Hala Alex ano to," pagbabasag ni Yxza sa katahimikan namin. Tinuturo niya yung mata niya na may parang butlig. "Ewan ko," natatawang sagot ko, yung reaksyon niya kasi eh. Bigla namang tumawa si Zach na nagudlot sakin na tumawa na rin, ahahaha.

Bwiset, tinitiis ko nga eh. Kumuha naman si Yxza ng hand mirror (?) basta yung salamin na kasya sa kamay haha. Pagbalik niya, pinakita niya sakin na may butlig nga talaga.

"Hala! ano to Alex!" tanong niya sakin na hindi alam yung sagot, malay ko ba kung san galing yun. "Malay ko ba, muka ba akong doktor?" sagot ko, "Ayaw mo kasi ipatingin sakin, expert ako sa mga ganyan eh," pagyayabang ni Zach, kahit kelan talaga tong lalaking toh, mahangin.

Pinakita naman ni Yxza kay Zach yung mata niya, sabay sabi ng "Ah, yan yung ano... yung para bang kagat ng ipis," nagtaka ako kasi NASA LOOB ng mata ni Yxza yung butlig, "Huh? ang galing naman nung ipis na yun," sabi ko na may halong pagtataka. Sinamaan naman ako ng tingin ni Zach.

"Hindi I mean, baka nung tulog siya kagabi," paeexplain niya sakin, "Eh ngayon lang yan eh, diba Yxz," sabi ko kay Yxza na sumagot ng "Oo" nabalot ng katahimikan kaming tatlo ng saglit, "Ah, alam ko na, baka allergy," di na ako sumagot at nagwacky face nalamang, "Luh totoo naman ah," sabi ni Zach, "Bakit? may sinabi ba akong hindi totoo?" tanong ko sa kanya, "Eh yung muka mo kasi eh," sabi niya, tapos ginaya pa ako, muntanga siya.

Pero ang cute niya, ahaha dejk. Ang saya ko ngayong araw na to. Haha. Pero naiinis parin ako sa fact na ang denial king niya masyado. Don't me, halata naman sa mga tinginan niya eh. Bahala na nga, wala na akong pake dun. Basta masaya ako ngayon.

To be continued...

Hi yows! thanks for reading. Love lots xx ~LE

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon