Chapter 14: Acquaintance Party

83 2 3
                                    

It's been almost three months since that Hinala thingy.  Yes naman. Acquaintance Party na namin, pero diba dapat naka gown and all kapag may Acquaintance, pero yung samin kasi, naka batch shirt kami. Parepareho kami ng t-shirt tapos may S.Y. sa likod, tapos may nakalagay ng pangalan ng section namin sa harap.

So ang ganap, pupunta kami sa Multi Purpose Hall, may program na hinanda para samin, may mga games din, may mga representative nga per section eh.

Edi eto na nga, nasa room kami ngayon kasi hindi pa dumadating yung batch shirts namin, late na kasi nila napagawa, bale kami lang yung natatanging section na pumasok na hindi naka batch shirt. Bakit ba? special section kami eh. Kami nga lang din yung naka-pe tuwing wednesday sa buong Grade 7.

Sa wakas, dumating na yung batch shirt namin, yes... haha ang ganduh bro, pinageffortan nila yung design.

Nandito na kaming lahat sa Multi Purpose Hall, lahat ng sections nandito na.  Ang ganda tignan ng bawat sections, parepareho ng kulay.  Pero iba talaga yung Acquaintance Party namin haha.  Nagumpisa na yung program, may mga kumanta sa stage, may mga sumayaw.  Then each section pupunta sa gitna (bale nakapabilog lahat ng sections) tapos ipoperform namin yung "Yell" namin, or yung parang cheer ba.

Pagkatapos non, parang ang boring na kasi nung mga palaro nila, kaya umakyat nalang ako sa room namin kasama yung new found friend ko na si Chaella, yie di ko nga alam kung pano ko naging close tong babaeng to eh.  *laughing with tears emoji*

Wala kasi akong kasama, si Kylla, busy kasi, isa siya sa mga magsasalita sa program. Si Joy naman, ayun... tatlong araw na hindi nakakapasok, pangatlo na ngayon kasi may sakit.  Kawawang bata. Ang liit kasi, dejk.

So ayun, haha si Chaella, di ko talaga alam kung pano kami naging close eh. Pero makulit yang babaeng yan, baliw amp, tyaka... Ma-----lusog hehe, baka magalit si loko ^_^ (pero totoong malusog siya)

...

Fun fact: Diane Celestine buong pangalan ni Tine kaya 'Tine' yung tawag ng marami sa kanya, pero ako... I choose to call her Diane.

...

Si Diane naman, uhm may iba siyang mga kasama eh.  Kaya si Chaella lang kasama ko magdamag. 

So yun... pagbalik namin sa room, maya-maya sumunod na yung iba naming mga kaklase.  Then nandito din yung PTA Officers.  Then.... MAY FOODS... Yes! haha, may pancit, may lechon, may liempo.  Hay ang heaven.

Pagkatapos namin kumain, nagmessage muna yung PTA President then..... Usap usap, ang daldal namin ni Chaella haha.

...

Uwian na namin, it's been a long day... (without you my friend dejk) Nakakausap ko na si Kylla kasi nakabalik na siya sa relax mode. 

Kylla: Uy, puntahan natin si Joy sa bahay nila, kamustahin natin.

Me: Ah sige ba.

Malapit lang kasi bahay nila Joy sa school, kaya nga, kaya namin lakarin.  Tyka bibigay narin namin yung batch shirt niya, nagbayad din naman siya don kaya may shirt siya kahit di siya nakapunta. 

Pagkadating namin sa bahay nila, nakabukas yung pinto, eh kita mo na yung sala nila from the door, nakita agad namin si Joy na nakahiga sa sala at natutulog.  Parang hirap na hirap siya.  Maya-maya nakita na kami ng lola niya.

Kylla: Uhm... Good afternoon po, kakamustahin lang po sana namin si Joy.

Me: At tyaka ibibigay naren po namin yung batch shirt niya.

Inabot namin sa kanya yung T-shirt, kinuha naman niya ito.  Nagaalala ako kay Joy.  Hindi kasi ito yung unang beses na nagkaganyan siya.

Lola: Pasok kayo.

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon