Chapter 37: Real

76 4 3
                                    

© to Michaella_Clifford
for the last chapter, and for this chapter.

Justinn's POV

Dapat magsosorry lang ako para kay Zach, bakit hindi ko nasabi. I really hated myself nung umiwas ako, yung tatlong taon na friendship na sinayang ko.

But do you really know the real reason kung bakit ako umiwas?

Ayoko nang magmukang paasa sa kanya, kay Chaella. At tanging pagiwas lang yung nakita kong paraan, madalas kasi sabihin ng mga babae, na ang paasa naming mga lalaki.

Paasa kami kasi nagpapakita kami ng motibo? at yung motibo na yun yung pagiging mabait namin sa inyo. Kaya ako umiwas, para hindi na ako magmukang paasa, sorry kung nasaktan kita.

Pero I think you deserve someone better than me. You're such a good person, wag ka nang magpakatanga sakin, sayang lang. Sorry Chaella.

Hindi ako sumama sa barkada ko ngayon, kasi may kailangan akong tapusin... kaya late na ako nakapag break, magisa akong pumunta sa canteen, habang bumibili ako, may narinig akong naguusap, di ko sinasadya.

"Bakit pa kasi kailangan na dito pa siya mag-aral? Bat pa ba siya lumipat? P.ta tong tadhana na to. Bat pa kailangan niya kaming pagtagpuin ulit? T.ngina hanggang ngayon di parin nawawala yung damdamin ko sa kanya. Di parin nawawala yung sakit na iniwasan ka ng sarili mong bestfriend. I would like to say na tadhana is a freakin bitch,"

sabi ng isang boses na kilala ko, umiiyak siya... si Chaella, at sa tingin ko ako yung tinutukoy niya, I really feel bad about myself. Maybe that was a wrong desicion. Di ako makapaniwala na may nararamdaman parin siya para sakin.

Inintay ko muna silang umalis nung kasama niya, bago ako lumabas, kasi nahihiya na talaga akong magpakita sa kanya.

Pagkauwi ko, napagdesisyunan ko siyang imessage, maybe it would make her feel better somehow.

Me: Hi! I accidentally heard you and your friend talking kanina, I'm really sorry for making you feel that way, ginawa ko lang yun para hindi na ako magmukang paasa, at para hindi ka na umasa. Sorry ulit...

Okay na ba yun? aish anyways matagal tagal din bago siya nagreply, ito yung nireply niya.

Chaella: Hindi naman ako umaasa eh. Sa tingin mo ba ganon akong babae? masaya na ako kung anong meron tayo nun, at yung pagkakaibigan natin, pero anong ginawa mo? umiwas ka at sinira mo yung pagkakaibigan natin na nagpapasaya sakin.

I really felt bad about myself, naiinis ako sa sarili ko ng sobra.

Me: Sorry, sobra na talaga akong nakokonsensiya. Can we be best friends again? okay lang kahit humindi ka, alam ko naman na hindi lang ganon ganon yun eh.

Chaella: Seryoso ka ba talaga? I don't think you deserve a best friend anymore.

Me: Okay I understand, but I'll prove it to you that I deserve a best friend.

Pagkatapos nung reply ko na yun, nag log out na ako. Papatayin na kasi nila mama yung wifi, baka kung magbye pa ako sa kanya, hindi na rin aabot.

*A FEW DAYS AFTER*

Ginawa ko lahat, nililibre ko siya, tinatanggap niya naman, tinutulungan ko siya sa ibang subjects na nahihirapan siya, libreng tutor kumbaga. Binibigyan ko din siya ng mga advice kapag namomroblema siya.

Pero syempre mas madami parin yung time na binibigay ko sa kanya para makipagbonding sa mga kaibigan niya, sila naman kasi yung nandun nung mga panahong iniiyakan niya ako.

Kahit wag na siyang pumayag na makipagkaibigan ulit sakin, okay na ako na natulungan ko siya kahit papano at kahit sa maliit na paraan.

"Looks like you're doing good," sabi ni Zad na alam ko na yung pagbawi ko kay Chaella yung tinutukoy niya, "Yeah... oh and by the way Zad, kwentuhan mo nga ako about that girl... Alex?" sabi ko kay Zad,

"Oh... haha siya lang naman yung babaeng ginamit ni Zach, tapos nung nalaman ni Zach na type siya ni Alex, iniwasan niya, diba gagu yang pinsan ko eh," kwento ni Zad.

"Woah he's literally a bad boy," sabi ko, "Sinabi mo pa, pero may iba kasi akong feeling, para bang silang dalawa ni Alex magkakatuluyan, kaya inaasar ko siya," sabi niya

"Do you have sidekick powers?" tanong ko, "Siguro, kasi lahat ng nararamdaman ko nagkakatotoo, tulad nung one time, naramdaman ko na mamamatay yung alaga naming aso, ayun nangyari nga, galit na galit sakin si Zach," kwento niya.

"Oh that is amazing, kaya kapag may nararamdaman ka, di mo na siguro sinasabi para hindi na masisi noh?" sabi ko, "Ganon na nga!" sabi ni Zad.

"May picture ka ba ni Alex?" tanong ko, "Why? hahanapin mo siya?" pangaasar ni Zad, "Hindi, para kasing narinig ko na yung pangalan niya, di ko lang matandaan," pagpapaliwanag ko.

Kaya naman pinakita sakin ni Zad yung picture ni Alex, at woah! hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga kaibigan ni Chaella! "Hala bro! kaibigan siya ni Chaella!" sabi ko, "Oo nga noh! small world," sabi ni Zad.

Grabe ganon nga siguro kaliit yung mundo, para pagtagpuin kami ulit ni Chaella.

Nung break time na namin, magisa na naman akong naglunch dahil may tinatapos ulit akong requirement, bukas siguro makakasabay na din ako sa kanila.

Magisa akong kumakain dito ng biglang may tumawag sakin, "Hoy Tañedo! dito ka na kumain samin!" sigaw ni Chaella sakin, syempre nahihiya ako kasi puro kaibigan niya yung nandun.

"No thanks, puro kayo magkakaibigan diyan eh, nakakahiya," sabi ko, nagulat naman ako sa sunod niyang sinabi, "Sino bang may sabi na hindi kita kaibigan?" napatulala ako, totoo ba? pumapayag na siya ulit? weh?

"Oo na, magkaibigan na tayo ulit! best friends rather," sabi niya, kaya naman ngumiti nalanga ko at tumabi na sa kanila.

"Oy Justinn! wag mo na ulit iiwasan yang si Chaella ah," sabi sakin ni Alex, "Yes Maam!" pangaasar ko, nagtawanan naman kami at nagbiruan.

I never thought na posible palang maging magkaibigan kayo ulit ng dati mong best friend.

3RD PERSON

Mukang nagiging maganda na nga ang storya ni Chaella at Justinn, pero hindi parin nagiging maganda ang takbo ng istorya ng ating mga bida na sina Zachary at Alexandra.

Habang bumabawi si Justinn kay Chaella, sinusuyo naman ni Zach ang kanyang dating naging crush na si Gabi...

Akala naman ni Gabi na nagiging mabait na ng tuluyan si Zach, napagtanto niya lang na mali siya noong tinanong siya nito ng, "Pwede bang manligaw?" at dahil mabait nga si Gabi... at hindi siya nagpapaloko sa mga fuccboi na katulad ni Zach...

"Sorry pero hanggang friends nalang tayo, bye," sabi ni Gabi sabay alis palayo kay Zach. At tulad nga nang sabi ni Zach, kapag nag fail parin siya kay Gabi, hindi na talaga siya magiging fuccboi, totoo nga ba ito Zach?

To be continued...

Tadhana is a B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon