Chapter 17

2.1K 66 1
                                    

*Yumi POV*

Sampung metro marahil ang layo namin sa isa't isa.
" Yumi " mahinang sambit nito na narinig ko naman.

I saw Terrence's soulful blue eyes.
His aristocratic nose and it's sensual mouth.
Those assets are too damn perfect for me.
Matagal rin kaming nagtitigan sa isa't isa.
Para akong nag-iilusyon kaya kinurap-kurap ko pa ang mga mata ko.

He was really there!
Standing infront of me while holding a bouquet of flowers and paper bag.
Dumalaw nga ito at di nga ako nag-iilusyon.

"Ba't ka nandito?" i said coldy.

Di ko mapigilang manumbat ang tono ng boses ko pero may bahid na kasiyahan ang nararamdaman ko na nandito siya sa harap ko.
So near yet so far!

"I'm here to visit you babe! I miss you so badly. Worried din ako kasi di mo sinasagot ang mga tawag at text ko. I know na nagtatampo ka but please understand na sobrang busy ko this past few days." Mahabang paliwanag ni Terrence. 

Marahan akong nilapitan nito pero umatras ako ng ilang dipa ang layo.  Rumehistro sa gwapo nitong mukha ang pagka-gulat.

"May problema ba tayo Yumi?" seryosong tanong ni Terrence sakin habang nakatingin sa mga mata ko.  Sinalubong ko ang mga titig niya na walang pag-alinlangan. 

I want to be honest with him at isa pa hindi ako ang nagtaksil sa relasyon namin!  Kundi siya mismo!  "Ba't di mo tanungin ang sarili mo kung anong problema! " mataray kong tugon sa kanya. 

Nabuhay na naman ang galit ko at paninibugho. Naalala ko na naman yung litratong nakita ko na magkasama si Terrence at Becca.  Niloloko lang niya ako at pinaglaruan. Pinaasa sa mga pangako niya!  Parang nagtaka naman ang mukha nito. 

"Di ko talaga alam babe! Please tell me what is it?" 

"Okay .. your asking me what's the problem. We'll let me remind you incase you suffer a sudden memory loss! YOU CHEAT ON ME! YOU LIED TO ME TERRENCE! AND I HATE YOU FOR THAT!" sigaw ko.

Mas rumehistro ang gulat at pagkalito sa maamong mukha ni Terrence.  Maybe his acting Yumi! sigaw ng isip ko.  He's an actor remember? Madali lang sa kanya ang umarte at magkunwari! 

"Paano mo yan nasasabi  sa akin Ayumi? " he said. May bahid na hinanakit sa boses nito.  Pero di ko pinansin, nagagalit ako. Nagagalit din ako sa sarili ko. 

"Wag mo na akong lokohin pa Terrence!" bulyaw ko sa kanya.  Tumalikod na ako at lalampasan ko na sana siya. Pero maagap niya akong hinawakan  sa braso.  Hinila niya ako at niyakap ng sobrang higpit.

" Di ko alam kung saan mo nakuha ang idea na pinagtataksilan kita Ayumi. Pero malalaman ko rin yan!" mahinang sabi nito. 

"Bitiwan mo ako Terrence! umalis ka nalang pwede ba?" paasik kong sabi habang tinutulak siya.  Pero di niya ako binitiwan. Mas hinigpitan pa niya akong niyakap. 

"Ang sakit-sakit Yumi dahil ni katiting ay wala kang tiwala sakin at sa pag-ibig ko para sa'yo. Alam ng diyos kung gaano kita ka mahal at pinahahalagahan para lang saktan ka? No way! That's the last thing i wanna do to you!"  

May bahid na panunumbat at hinanakit ang boses nito.  Niluwagan na niya ang pagyakap sakin. Namamasa ang mga mata nito at may bahid na lungkot ang mukha ni Terrence.

Di ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan.  Pero ang dikta ng puso ko ay ibang iba kaysa dikta ng isip ko.  To hell with his lies and broken promises! I still love this man with all my heart!  Binitawan na ako ni Terrence at ramdam na ramdam ko ang kulang sa pagkatao ko.  Binigay niya sakin ang bulaklak at ang paper bag.

Wala'y ano-ano'y tumalikod at umalis na di man lang nagpaalam.  Di man lang hinintay na makapagsalita ako. The nerve!  Di ko mapigilang di umiyak. Ang sakit eh! Mas masakit pa siya kaysa nung una kong nakita ng litrato nilang dalawa. 

Nagkamali lang ba talaga ako? 

Di ko alam kung tama ba o mali ang ginawa kong panunumbat sa nobyo ko.  Masakit para sakin ang magkaganito kami ni Terrence. 
Tama ba talaga siya na di man lang ako nagtiwala sa kanya at sa pag-ibig niya kahit kaonti? 

Para akong tanga na humahagulhol dito sa labas ng bahay. Walang kasingsakit ang nararamdaman ko sa sandaling ito. 

It was so painful that I'm surprised dahil buhay pa ako.  Para kasi akong mamatay sa sakit na nararamdaman ko. 
Pumikit ako ng mariin! 

I tried to shut them so hard until tears could no longer get out!  Life is so damn unfair!

*****
Hay! Naku! Pag ibig talaga!
©kimfab18

My Perfect Stranger Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon