(1) Estrellita

174 20 6
                                    

•◘○ ESTRELLITA ○ •

     I slowly opened my eyes and mechanically blinked again and again clearing my vision. Napakunot ako ng noo dahil sa biglaang sakit ng ulo mula sintido hanggang batok.

     "Ouch! Headache again, I thought sleeping boosts energy, looks like I should really listen in my classes"

     I couldn't remember what happened last night or yesterday. Unti-unti nang luminaw ang paningin ko at nakita ang paligid.

     'Whoa' nagtaka ako. Muli akong kumurap ng kumurap, kinusot ko ang mga mata ko gamit ang likod ng aking palad at dali daling tiningnan ang aking sarili at kinapa ng kinapa.

     "Pa-panong?", hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko maituloy ang sasabihin ko.

     Ano bang nangyari? Anong ginagawa ko rito? Nagsimulang manginig ang buong katawan ko, pati na rin ang aking mga mata. Para akong naparalisa dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko sa pagtataka.

     "Wa-why am I standing?"

     What did I do? Did I sleepwalk and unconsciously stood up when I was dreamlessly sleeping?

     Great! So natulog ako ng NAKATAYO? Baliw ba ko? Oh GOD! Diyos ko! Huwag po! Ayokong mapunta sa MENTAL HOSPITAL!

     I swept my eyes on EVERY corner of the room and noticed something.

     "Is this my room?", I said, confusedly. Nakakapagtaka, ano bang nangyayari? NAGBAGO ang set-up ng gamit sa kwarto. Nagbago ang pwesto ng study table, ang cabinet, at pati na rin ang kama ko.

     Everything changed. Definitely! Sino bang nagbago nito?

     Weird. UNA! Natagpuan kong natulog ako ng nakatayo! PANGALAWA! Nagbago ang kwarto ko!

     Iginala ko ang aking paningin sa buong paligid. Great! Walang nagbago! As usual makalat pa rin. Pero hindi mga gamit ko. Karamihan ay. Wait!

     "Bakit may mga laruan? Toy cars? Lego bricks? ACTION FIGURES? Ano ako–BATA?". Nagkalat lahat sa sahig. Humakbang ako ng maingat upang hindi maapakan ang mga gamit.

     "Krak!", hindi ko sinasadyang nakaapak ng isang lego brick.

     "Oops", sabi ko habang gulat na gulat. Hay! Buti hindi ako nakapaa! Kung hindi tatalon na ko sa sakit.

     Dahan dahan akong lumapit sa study table na ngayon ay nakapwesto sa kanang pader malayo sa aking kama na noon ay magkatabi lamang sila.

     Wow. Mukang bago ah. Anyare? Sinubukan 'ko itong hipuin at icheck kung may alikabok. And great! Malinis! Kelan pa ko natutong maglinis ng gamit sa kwarto?

     Nagpatas ang mga libro sa maliit na shelf na nakapatong sa study table. Nakaayos ang mga lapis, ballpen at mga papel. May napansin akong nakapatong na picture frame sa lamesa na may lamang isang family picture.

     Bigla akong natulala sa pagtingin sa litrato. Parang sinasaksak ang puso ko ng paulit ulit. Nananariwa sa akin ang isang bagay mula sa aking nakaraan.

     Nilibot ng paningin ko ang picture. May batang lalaki ditong nakangiti, bungisngis na bungisngis na may hawak na laruang kotse. Kasama sa picture ang mga magulang niya na nakayakap sa kanya kasama ang kanyang nakatatandang kapatid na inaakbayan ng tatay niya. Wow. One big happy family. Great.

Special BEINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon