(2) Pursue

111 14 2
                                    

•◘○ PURSUE ○ •
➳ 

     "Headache! Ouch! Buti na lang at panaginip yun..salamat naman", sabi ko habang kumukurap kurap.

      I glanced on my clock, 7:37 AM. Whoa! Medyo tanghali na pala kaya pala medyo masakit na ang liwanag ng araw.

     Lumabas ako sa kwarto, nagulat ako, napansin ko na may nag-uusap sa kwarto niya, sa kwarto ng tatay ko. "Huh? Kelan pa si papa nagsimulang tumanggap ng mga tao sa kwarto niya? Eh ako ngang anak niya ni hindi pa yun napapasok at nakikita.". Dahan dahan ngunit mabilis akong lumapit sa pinto at pinakinggan ang nangyayari...

      "What!", pabulong kong sabi habang nanlalaki ang mga mata,nagulat ako mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala.

***

     I was eating in the kitchen, enjoying delicious foods and dishes on the table. Walang pakialam sa mundo, basta alam ko kumakain ako.

     "How are you Roe?", nakaupo siya sa may kabisera, magkatapat kami, magkatapat sa napakahabang lamesa–my Dad, si Victor Dwéller, hindi ko namalayan na pumunta siya ruon. I ignored him, gaya nga ng sabi ko, wala akong pakialam sa mundo basta kumakain ako.

     "Kumusta ka sa school?", tanong ulit niya, ngunit hindi ko talaga siya pinapansin, matagal ko na 'tong ginagawa sa kanya simula nung nangyari ang insidente kay mama.

     Bago pa man nangyari 'yon, alam kong malamig na sila sa isa't isa, pero hindi naman sila nag-aaway, wala silang kahit na anong alitan, hindi lang sila katulad ng iba na sweet kung baga. Tsaka hindi naman nambababae si Dad, I know him, he's weak.

     Nagtataka ako ng mga panahon iyon, wala talaga siyang pakialam, hindi siya nagsampa ng kaso o kaya nagpasimula ng Investigations about sa mastermind, at kung ano ang motibo ng pamamaril, mayaman si Dad kaya madaling napagtakpan sa publiko ang nangyari.

     We have lots of money, oh! let me rephrase that sorry, MY FATHER HAS LOTS OF MONEY.

      "Napag-isipan mo na–", hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya, something cliché in my ears.

     "Shut up", sabi ko sa kanya. Hindi ko napansin na may hawak pala siyang dyaryo dahil busy ako sa pagkain, ibinaba niya iyon ng marinig na sinabat ko siya sa pagsasalita at nagkatitigan kami.

     He didn't mind it, he's like a tower fully made of diamond, I know that he's extremely smart, he can do handle his thirty-two businesses.

     "Please Roe anak, pumayag ka na sa gusto ko, sa U.N.A. (United Nebula Academy) mo na ituloy ang pag aaral mo, PLEASE!", paliwanag niya, na may kasamang pang-uudyok.

     "No!, I-will-never! Ang aga-aga Dad, patapusin mo naman sana ako sa pagkain ko, Can you please stop endorsing me your freaking school with a corny name! Ilang beses ko ng narinig sayo yan Dad, ayokong pumasok dun, ayokong pumasok kasama ang mga freak at abnormal na yun", galit kong sabi.

     "So.. You are telling me that yourself is a freak? Abnormal?"

     "No! I'm not one of them, ano bang koneksyon mo sa eskwelahan na yun? Don't tell me, it's also one of your famous businesses", napatayo ako at napahampas sa lamesa, sinalampak ko ang palad ko doon na may kasamang panggagalaiti at pagpipigil.

Special BEINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon