•◘○ JULY THIRTEEN ○ •
➳
"Faster! Kuyz Felipe! Dalian mo! Put it on the maximum speed!", I said to Felipe.
"Si! Señor, konti na lang po malapit na", sagot niya gaya ng inaasahan kong sasabihin niya.
"Kahit na lumiko ka at pumili ng ibang daan para iwasan ang nakatakda, maaaring paglaruan ka lang din at pabalikin sa dating daan"
Bigla na lang muling may nag flashback sa isip ko na parang bumubulong. Naalala ko ang sinabi ni Josephine.
Grabe umpisa pa lang hindi ko na nagawang baliin ang tadhana, See! Like in my dream, I'll be late. At talagang nangyayari nga.
Ang nakakatawa pa kung bakit ako nalate ng gising ay dahil inisip ko magdamag yung-Every dream is not specific but shows a clear thought... hindi ako nakatulog agad, damn! Part pala siya ng future at hindi ko agad naisip yun, alam ko naman na hindi alam nina Josephine na yun ang magiging dahilan ng pagiging late ko.
"Kuyz Felipe! S-Stop!" sabi ko sa kanya na ikinagulat niya, muntik na akong tumilapon dahil wala akong suot na seatbelt buti na lang at napakapit ako sa upuan, tumingin siya sa akin at nagtagpo ang paningin namin, nakikita ko ang pagtataka niya pero hindi siya umiimik, hanggang sa muli akong nagsalita,"Turn Left"
Bigla siyang tumango at tumingin ako sa daan.
"Señor? Bakit dito tayo dadaan?", marahil hindi na niya napigilan pang kimkimin ang curiosity niya.
Sinubukan kong maging natural at hindi nagpakita ng kaba sa pagsagot, "Ahh eh, nakita ko po kasi sa facebook na ngayong araw magbubukas ang branch ng McRonalds dito sa Greystone City, kaya kung doon tayo dadaan mas magtatagal tayo"
"Ahh ganun po ba. Sige po", sabi niya na may kasamang pagngiti at pagtango.
Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho papunta sa ArtWoods Academy.
***
Yes! Maaga akong dumating at nabali ko ang pagiging late sa panaginip ko, muli akong nagpatuloy sa paglalakad. As usual hindi pa rin nawala ang mga nagkalat na isang katerbang mga PDA at mga social climbers dito sa hallway, mukang hindi na talaga to mawawala.
"Hoy!"
Nagulat na naman ako sa umimik at humawak sa balikat ko. Humarap ako sa kanya.
"Ahhh, ikaw pala Claudia? Bakit parang hingal na hingal ka? Anong nangyari? Is there any problem?", takang taka ako sa nangyari, wala namang ganitong part sa pangitain ko ah?
"Ahhh, nalate kasi ako eh, tingnan mo 'tong relo ko", sabi niya sa akin sabay aro ng phone niya. "See? 7:13am na at late na ako, kaya nagtataka ako kung bakit marami pang tao dito sa hallway at nandito ka pa rin"
"Wait! You're phone is advanced it's just 6:45am", paliwanag ko sa kanya.
Wow! Mukang sa kanya napunta yung bali sa tadhana, alam ko kung ano 'to, tinatawag 'tong butterfly effect, sa tuwing may babaguhin ka, may maapektuhan sa hinaharap, kanina binali ko ang tadhana na sa tapat ng McRonalds kami dadaan at sa halip ay sa kaliwa ko na pinapunta si Felipe para maiwasan ang traffic. And now, may nagbago nga sa hinaharap, napunta kay Claudia ang maling oras sa relo, hindi rin 6:15am ang oras na inaasahan kong magkikita kami tulad ng sa panaginip ko. Pawisan siya, pagod na pagod at parang nadaanan ng bagyo, samantalang sa pangitain ko ay nakaayos siya at magandang tingnan.
BINABASA MO ANG
Special BEINGS
Fantasy[Fil/Eng] The story of a boy who is trapped by his ugly PAST, a nighmare that puzzles his PRESENT, and his ability that questions the FUTURE. Written by: JDMojares Language: Filipino-English