Chapter 5: The Beauty Inside

309 7 0
                                    

The Bullied.
Every bully has a Secrets..

Aya P.O.V

"Naku naman Aya! Ginulat moko! May pinto naman oh pwede kang kumatok nang Ma inform ako!" tarantang sabi ni Dana.

Napalabas si Dana sa banyo ng naka Bra at Panty Lang.

"Sorry Dana. Akala ko kasi nasa Sala ka lang huhu. oh sge na Maligo kana dun" Sagot ko sa Kanya.

Kaloka tong babaeng to.

"Bat ka napagawi dito? Syaka bat may dala dala kang malalaking bag?" Pagtatakang tanong niya.

"Dito muna ako titira."sabi ko sabay upo sa Sofa.

"Aba naman aya!" angal niya.

"Huwag kang mag aalala ako mismo mag eexplain dun sa Boyfriend mo." sabi ko sabay bukas sa TV.

"Tss." sabi niya syaka pumanhik sa Banyo.

***

"Bakit ka ba kasi Naglayas sa inyo?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko ng tahimik na Buhay yung walang mangsesermon." sagot ko sa kanya.

"Alam mo Aya walang magandang kalalabasan yang Paglalayas mo." sabi niya sabay suklay.

"Tama na nga yang kakasermon mo sakin wala karing pinagkaiba sa Mommy ko eh" sabi ko sa kanya.

"Hay naku! Oh sge Yung kwarto mo ituturo ko sayo Mamaya." sabi niya.

"May lakad ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Hmm wala pero hindi ako pwedeng Gumala ngayon eh" ngiting sabi niya.

Aba nakangiti yung Loka.

"Oh bakit naman? Syaka bat nakangiti ka jan?" takang tanong ko sa kanya.

"Paglulutuan ko kasi si Troy ngayon kababati lang namin kanina." sagot niya.

Your Boyfriend Troy Ocampo is one of my Blacklist.

"Ang sweet mo talagang Girlfriend sa kanya Eh no?" Natatawang tanong ko sa kanya.

"Naman" ngiting sagot niya.

"Dika talaga sasama sakin? Sge ako nalang mag isa Magpaparebond ng buhok sayang Lilibre sana kita." pagkokumbinsi ko sa kanya.

***

[Parlor] 

"Hanggang dito lang yung Ipapacolor ko." sabi ni Dana dun sa Parlorista.

Tignan mo ngayon di na namamansin yung Loka. Feel na Feel na niya yung buhok niya.

"Excuse me! Alam mo ba tong pinapasukan mo? Alis! Alis! Dun ka sa Labas." pagtataboy ng isang parlorista.

Naawa ako dun sa batang Lansangan.

May dala dala siyang kahon. siguro Ipon niya yun kasi gusto niyong Magparebond ng buhok.

"M-May dala po akong Pera" nauutal na sabi nung Bata syaka ipinakita yung Kahon.

Nagulat ako ng tinapon nung parlorista yung kahon.

"Excuse Me Magkano rebond niyo dito?" tanong ko dun sa Parlorista.

"1500 yung Semi, 3000 yung rebond w/color." sagot nung Parlorista.

Lumapit ako sa bata at kinuha ko yung Box na itinapon nung parlorista.

"Magkano Laman nito bata?" tanong ko dun sa batang babae.

"3777 po, ipon ko po yan" sagot nung bata.

Tumayo ako at humarap dun sa Parlorista.

"Magkano sweldo mo?" mapanglokong tanong ko.

"Aya!" tawag sakin ni Dana.

"1000" sagot nung parlorista.

"Ngayon, Ikumpara mo yung SWELDO mo sa IPON ng batang to!" Tanong ko sa Kanya.

"Alam kung Hindi naman Masama yung Trabaho mo pero para mo naring sinabing para lang sa mga MAY PERA itong Parlor niyo, Anong nagtulak sayo na palabasin tong Customer ninyo! Dahil ba BATANG KALYE! Mabaho, Walang pera , Magnanakaw!  Yun ba yun!" mahinahong sabi ko sa Parlorista.

Tumahimik naman siya at yumuko.

"Aya! Ano ba." sambit sakin ni Dana.

"Pasensya na po Maam" paghihingi ng tawad niya.

"Umayos Kayo! Di niyo ikinaganda ang pagkakaroon ng Ganda sa Panlabas na Anyo" sabi ko at Binayaran yung Parlorista.

"Tara na Dana." tawag ko kay Dana syaka Lumabas.

Hindi Porket Maganda ka sa Panlabas Maganda kana all the Time balansehin mo yung Pangit sa Maganda , at ugali sa Itsura.

The Bullied.

Written by: Jomar Sagayno
(Heartlessjam)

The Bullied [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon