Chapter 23: Suicide

188 1 0
                                    

The Bullied.
Every bully has a Secrets..

Aya P.O.V

Kinaumagahan Maaga kaming gumising upang maghanda sa pagpasok, At hindi parin maalis sa isip ko yung nangyaring Concert kagabi. Tunganga ATM.

"Woy! Laki ng problema natin ah" biglang bungad ni Zeke.

Ewan ko ba kung bakit feel na feel ko na yung pagtuloy dito, hinihintay ko kasi yung pagkakataon na sana magkaroon sila ng Panahon at halaga sakin.

"Oo nga eh, ilan na ba yong bill natin sa Meralco? Babayaran ko na yung kalahati." Ani ko.

Tumawa siya at sinimulan na ang pagluluto.

"Alam mo sa tuwing nandito ka binibigyan moko ng pagkakataon na makapiling ka pa." Seryosong sabi niya.

"Ganun? Yung niluluto mo oh" sabi ko sabay turo dun sa niluluto niya.

Ewan ko sayo Zeke, Binuksan ko yung T.V total matagal tagal pa naman maluto yung Ulam.

"Ang Dalagang si Cindy Pressman ay natagpuang patay sa loob ng kanyang kwarto isang usap usapan ang di umanoy nagpakamatay ito dahil sa kahihiyan niya kagabi sa nasabing Concert na di umanoy ipinalabas ang isang malaswang video, sa ngayon ay hinahanap pa ang nasabing suspect na umanoy may ari nung CD na nagpakilalang Celine Ford at ang Ex boyfriend ng biktimang si Sean Mendez."

Biglang iniwan ni Zeke yung niluluto niya at nakikisyoso sa balita.

Ikinagulat ko yung Pagkamatay ni Cindy, di na niya kinayanan talagang pinatay na siya ng hiya.

"Zeke? Okay ka lang?" tanong ko.

Kanina ko pa napapansin yung paiba iba nang reaksyon sa mukha niya, Tinanong ko siya kung okay lang ba siya pero hindi niya ako sinagot.

Tama! Yung Career niya! Ikakapahamak to ng Career nila.

"Alam kong malaki ang maidudulot niyan sa Career mo" Ani ko.

Umalis siya sa telebisyon at ipinagpatuloy ang pagluluto.

Saktong tumunog yung phone ko.

Calling: Daddy <3

Tss, I don't have time for this. Inend call ko na yung tawag at saktong tumawag na naman itong muli.

Calling: Daddy <3

"Hello!" sagot ko.

"Anak, kailangan mong umuwi dito may sasabihin kami sayo"

"Umuwi? Hanggang kailan ako mag aadjust dad? Kailangan niyo ko diba? Bat hindi kayo nag effort na hanapin ako? Tapos ngayon kayo payong habol ng habol?"

"Anak! We understand you. Kaya nga hindi ka namin hinanap kasi alam namin ng mommy mo na kelangan mong mapag isa"

"Mapag isa? 1 year akong nawala para baguhin yung itsura ko tapos ngayong kailangan ko na kayo dun niyo ko gustong mapag isa!"

"Sara, Im begging you, umuwi kana dito."

"I said stop calling me SARA! How many times do i have to tell you? I am AYA!"

"Aya...  Umuwi kana please" Rinig kong iyak ni mommy sa kabilang linya.

"Pag iisipan ko!"

Huling sabi ko syaka inend call yung tawag.

Nakakastress yung may magulang kang ganun, Oo! Alam kong iba akong anak kumpara sa inyo, alam ba nila yung gusto ko? Pinakinggan ba nila yung hiling ko? Panahon narin siguro na magkaroon kayo ng EFFORT hindi lang yung effort na hanapin ako kundi yung hinihingi kong pagmamahal sa inyo.

"Aya luto na yung ulam." Ani ni Zeke.

The Bullied.

Written by: Jomar Sagayno
(Heartlessjam)



The Bullied [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon