Chapter 16: Troy Ocampo

219 4 0
                                    

The Bullied.
Every bully has a Secrets..

Aya P.O.V

"Balita ko pinatawag ka ng Daddy mo para sa Partnership ng Kompanya." panimula ni Zeke habang kumakain.

"Wala akong paki sa partnership na yan." sagot ko.

"Hindi mo alam gaano kasaya Daddy mo ngayon." sabi niya.

"Buti pa yung kompanya Ikinasaya niya pero kaming mga anak niya halos ipagtakwil na niya. " sagot ko.

Bumuntong hininga siya.

"Alam mo kailangan muna ring intindihin kung bakit ginagawa to ng Daddy mo syaka Try mo kayang makipagCooperate sa kanila Dun magkakaoras ka pa sa kanila" sabi niya sabay akbay.

Chansing ka din minsan eh.

"Alam mo masasaktan lang ako ng sobra kung ganyan lang din naman. Ano ako tanga? Magkakaoras lang sila sakin kasi nakipag Cooperate ako sa kompanya? Hindi yan ang hinihingi kong oras." sagot ko syaka tumayo.

"Papasok nako." pagpapaalam ko.

***

[Winston University]

"Ayaaa! Ano ba magandang Surprise? Pleaseee help me?" masayang tanong ni Dana.

Surprise? Let me handle it.

"Ano bang surprise gusto mo?" tanong ko.

Im sorry Dana but this gonna be your Saddest Anniversary.

"Gusto ko yung Mapapaiyak ko talaga siya Tapos yung hindi niya makakalimutan" masayang sabi niya.

In my Surprise. Ikaw yung mapapaiyak at hindi hindi mo ito makakalimutan.

"Okay Let me Handle it. Pero ikaw sa mga Flowers at Food okay?" sabi ko sa kanya.

"Sige Sige, Ako na bahala.
Liliban muna ako ngayon bibili ako ng mga Bulaklak." sabi niya.

"Okay. Ingat" Sarkastikong sabi ko.

Tumayo na siya at nagpaalam.

Now this is the Time.

***

[Rooftop]

Hinanap ko yung number ni troy dito sa Contacts.

Ayun. Never ko pa siyang natetext. Im sure hindi pa niya naisave number ko sa Phone niya.

Write a Message...
To: Troy

Boyfie, Happy Third Anniversary Ako to si Dana Punta ka sa Rooftop bilis."

Message Sent.

Pumwesto ako sa Bandang gilid ng Rooftop.

Sakto. Nakita ko na siyang papalapit dito.

Best Actress On.

"Danaaaa! Troy tulungan moko! Hindi ko kayang hugugin si Dana." sigaw ko sa kanya.

Nagulat naman siya at nagmadaling pumunta sa akin.

"Danaaaa!" sigaw niya sa di kalayuan.

Paglapit na Paglapit niya sa akin ay tinignan niya yung hinahablot ko.

Tinignan niya ako.

"Happy Third Anniversary" sabi ko at tinulak ko siya ng walang pag aalinlangan.

Narinig ko na yung kalabog sa baba at nagmadali nakong bumaba.

Baka may makakita pa.

Enjoy your Third Anniversary Mr. Troy Ocampo.

The bullied.

Written By: Jomar Sagayno
(Heartlessjam)

The Bullied [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon