Chapter 8: Fight

189 4 0
                                    

Shaina Pov.

Ilang araw na akong kinukulit ng lalake na nagtetext sa akin, wala parin akong idea kung sino siya. Noong isang araw nga may muntik ng kumuha sa akin na dalawang lalake buti nalang talaga at magaling akong mag martial arts kaya natalo ko sila, nalaman narin ng pamilya ko ang tungkol sa misteryosong tao na nagtetext sa akin. Sinubukan nila itong alamin kung sino talaga ang lalakeng yon, kaso't pinigilan ko lang sila. Ayoko silang mapahamak.

"Hatid na kita sa room mo." seryosong sabi ng kapatid ko matapos niyang ilock ang kotse.

"Sige" tipid kong sabi sa kanya.

Halos bantay sarado narin ako sa kapatid ko, ayaw na kasi niyang may mangyaring masama sa akin.

"Sige na Lance pumunta kana sa room mo, baka malate kana." nakangiti kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga muna siya bago magsalita. "Text mo nalang ako kapag tapos na ang klase mo."

"Yes baby bro." sabay salute sa kanya.

Naglakad na si Lance patungo sa room niya, medyo malayo pa ang building ng grade 11 dito sa building ko.

Nang makaupo ako sa proper sit ko bigla naman dumating si Aira, at sinalubungan naman niya ako ng ngiti.

Ngumiti rin ako sa kanya, lately itong kaibigan ko nagiging blooming, siguro dahil din sa pagkakainspired niya kay Paulo.

"Beshang may sinabi pala sa akin si Paulo." seryosong sabi sa akin ni Aira.

"Ano?" halos nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kapag daw sinugod ka ng misteryosong guy na nananakot sayo, susugurin raw nila yung lalake kasama ang mga grupo niya." seryosong sabi ni Aira.

"Talaga?" gulat kong sabi sa kanya

"Yup, nakwento kasi ni Clark sa kanila yung nangyari sayo about doon sa park."

"Ahh" mahina kong sabi kay Aira.

"By the way, matagal ko ng gustong itanong sayo to beshang" salita muli ni Aira.

"Ano?"

"Paano kayo nagkakilala ni Clark?"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya, tumikhim muna ako bago ako magsalita.

"Sa skyrocks kami nagkakilala ni Clark, noong nagbreak kami ni Joshua."

"O my God!" malakas na sigaw ni Aira, pinalo ko naman siya sa braso. "Aray naman! Pwede ba huwag ka ngang mamalo! Ang bigat kaya niyang kamay mo parang bakal! Tss!" naiinis na sabi ni Aira.

"Sorry beshang.." sincere kong sabi sa kanya, "Huwag ka kasing sumigaw, tinitignan na tayo ng mga kaklase natin."

"So?" masungit niyang sabi.

Napaface palm naman ako bigla, grabe talaga itong kaibigan ko minsan.

"Magkwento ka nalang." awtoritado niyang sbai.

Nakwento ko sa kanya lahat, kung paano ko nakilala si Clark at yung muntik na akong mamatay dahil sa pagkakadamay ko sa letseng gulo, sa pagsunod sa akin ni porky sa may eskinita at pagsave sa akin ni Clark sa park nung isang araw.

"So savior mo pala si Clark every time na napapahamak ka." nakangiting sabi ni Aira.

"Hindi no! Napapachempo lang yon!" madiin kong sabi sa kaibigan ko.

"O bakit ka muna nagagalit?" natatawa niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako ng dumating na ang Prof. namin. 

Hello StrangerWhere stories live. Discover now