Chapter 7: Mysterious Guy

203 6 0
                                    

Shaina Pov.

"Birthday na next week ni Mae, sa Sky Rocks raw natin icecelbrate ang birthday niya." sambit ni Aira habang papunta kami sa canteen ng school.

"Okay" tipid kong sabi sa kanya.

Kakatapos lang ng klase namin at break time namin ngayon, kaya nagtungo muna kami sa canteen para kumain. Nakakagutom na kasi.

"Aira ikaw na bumili ng pagkain natin at ako na ang maghahanap ng pwesto natin" nakangiting aso kong sabi sa kanya, bigla naman niya akong tinaasan ng kilay.

"Magpapalibre kana nanaman no" inis na sabi ni Aira.

"Ano pa nga ba" natatawa kong sabi sa kanya at iniwan ko na siya sa may bilihan ng pagkain at sinimulan ko ng maghanap ng pwesto namin.

Nagtungo ako sa isang sulok na hindi gaano nakikita ng mga tao, habang hinihintay ko si Aira bigla naman nag pop ang phone ko. Halos kumunot ang noo ko kung sino ba ang magtetext sa akin ngayon, since we broke up with Joshua hindi ko na gaanong pinapansin ang phone ko maliban nalang talaga kung may importanteng tawag or text.

Sinilip ko kung sino ang nagtext sa akin. Isang unknown number.

Halos kuno't noo ko lang binuksan ang message, at halos malaglag ang phone ko dahil sa text niya sa akin.

0975647****: I want to talk to you at the central park this evening. Just come at 12 midnight.

Gago ba itong nagtext sa akin? Ni hindi ko nga sya kilala tapos papuntahin niya ako sa central park? No way!

Mabilis naman akong nagreply sa kanya

Who the hell are you?!

Ilang Segundo lang ay nagreply sa akin ang taong ito.

Makikilala mo rin ako kapag pumunta ka sa central park.

Mabilis kong nilagay ang phone ko sa bag ko. Shit! Sino ba itong nagtetext sa akin? Nag creepy niya and who the hell is he or she? And as if I will go to the park later.

Hindi ko na napansin ang presence ni Aira, nagulat nalang ako ng ibigay niya sa akin ang chicken sandwich at isang coke in can.

"Salamat bestfriend" ngising aso ko sa kanya.

"Tsk! Pasalamat ka kaibigan kita, inaraw araw mo na ang pagpapalibre sa akin!" bulong niyang sabi habang binubuksan niya ang coke niya.

"Nagpasalamat naman ako sayo ah." Pangangatwiran ko habang ngumunguya ng chicken sandwich.

"Pwedi ba Shaina, huwag ka ngang magsalita kapag may laman yang bibig mo." Inis niyang sabi sa akin.

"Oo na" busit kong sabi sa kanya at sinimulan ko ng kagatin ang chicken sandwich ko. Hindi pa man ako nakakatatlong kagat ng biglang mag pop muli ang phone ko.

Natigilan kami pareho ni Aira. Shit naman o! Hindi ko nalang pinansin ang nagtext at kinagatan kong muli ang chicken sandwich, maging si Aira sinimulan narin kainin ang pagkain niya.

Kaso biglang nagring ang phone ko. Napasapo ako ng aking noo. Takteng buhay naman o! Sigaw ko sa isip ko.

Inis kong kinuha ang phone ko sa bag ko upang tignan kung sino ba ang tumatawag sa akin. Gusto ko na ngang ibalibag ang phone ko dahil kung sino ang tumatawag. Yung unknown number lang pala.

Halos kuno't noo ko lang tinignan ang phone hanggang sa tumigil na ito sa pagtunog, akala ko hindi na muling tatawag ang taong ito ngunit bigo ako dahil makalipas lang ang ilang segundo ay nagring muli ang phone ko. Halos lahat na nga ng mga tao dito sa canteen ay nasa amin na ang atensyon at ang ilang pa sa kanila ay tinitignan na ako ng masama. Inikutan ko lang sila ng mata.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now