Chapter 33: Pyrofest

45 0 1
                                    

Shaina Pov.

Gumising kaagad ako nang maaga ngayong araw na'to dahil last day nalang kaming magsasama ni Clark, dahil bukas tutungo na siya sa Angeles at aalis na sila nang mga magulang niya patungo sa Paris.

Hindi ko parin nakakausap ang mga magulang ni Clark. Siguro hindi parin alam ni Clark ang nangyari noong araw na nadakip siya nila Grey. 

"Anak nasa baba si Clark." ani mama.

"Sige ma, pakisabi na baba na po ako. Maliligo lang ako sandali."

Tumango si Mama at sinara ang pinto nang kwarto ko.

Mabilis lang akong naligo at nag ayos nang sarili dahil para sa akin, isa ito sa mga magiging special at malungkot na araw with Clark.

Pababa na ako nang hagdan.

"Clark..." tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa sala na naka-upo habang kausap si Lance.

Napataas ang kilay ko, when was the last time they talked to each other? I dunno know. Maybe last month?

"Baby..." tila naamaze na sabi ni Clark sa akin.

Namula ang mukha ko sa klase nang tingin niya, dahil parang ako ang pinakamagandang babae ngayon.

Isang step nalang ang tatapakan ko nang hindi ko iyon napansin kaya in the end nahulog ako sa hagdanan.

Tangina! Ang epic!

"Shaina!"

"Baby!" 

Sigaw na sabay ni Lance at Clark at tumakbo palapit sa akin.

Napahawak ako sa paa ko, halos maiyak ako dahil sa katangahan ko.

"Are you okay?" natatarantang tanong ni Clark.

Inis ko siyang tinignan. 

"Sa tingin mo okay lang ako? Kainis ka kasi!" pagsisisi ko sa kanya.

"Why me?" naguguluhan niyang tanong.

Hinawakan niya ang paa ko, halos maiyak ako dahil bigla iyon namaga.

"I'll carry you." mabilis niyang sabi, hindi na ako sumagot sa kanya.

Mabilis niya akong binuhat at dinala sa sofa. Tahimik lang kaming pinagmamasdan ni Clark.

"What happen?" tanong ni Papa nang magtungo siya sa sala.

"Sumumpong kasi pagka clumsy ni Shaina Pa." paliwanag nang kapatid ko.

"What?!" naiinis kong sabi sa kanya.

Nag smirked lang ang kapatid ko at inalis ang reading glass niya. 

"Be careful Shaina." ani Papa.

Napanguso ako sa sinabi ni Papa.

"Kukuha lang ako ng ice at iced pack." mabilis na sabi ni Lance.

"Sige." si Clark na ang sumagot.

Sinundan ko nang tingin ang kapatid ko patungo sa kusina.

"Saan si Mama pa?" tanong ko sa aking ama.

"Nag grocery sila ni Yaya." simpleng sagot niya. "Tutungo muna ako sa dining area para kumain."

"Sige po Tito." sagot ni Clark.

Tinapik lang ni Papa ang balikat ni Clark.

Nang nagtungo na si Papa sa kusina ay tinaas ni Clark ang isang paa ko at pinatong iyon sa hita niya. Napadaing ako.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now