Chapter 13: Pampanga Adventure

203 6 0
                                    

Shaina Pov.

Alas sais na ng umaga kami nakarating ng Pampanga, nasa Angeles City kami ngayon. Dito pala talaga nakatira si Clark, pero mas gusto raw niyang mag aral sa Manila dahil mas gusto niya ang maging isang independent person.

Bumibisita siya sa pamilya niya tuwing sembreak, Christmas break at tuwing bakasyon.

Sa isang subdivision kami nagtungo at ng nahinto na ni Paulo ang sasakyan, ay tumapat kami sa malamansyong bahay ng mga Sanchez.

White and black ang kulay ng bahay nila, napaka elegante rin tignan nito.

Isa isa na kaming bumaba sa van at may isang matanda na sumalubong sa amin sa labas.

I think she's Clark's mom.

Medyo hawig din kasi sila.

"Ma!" masayang sabi ni Clark sa kanyang ina.

"Clark, anak. Kumusta ka na? Mukhang pumayat ka ah? Hindi mo na yata iniinom ang vitamins mo. Hindi ka na rin yata umiinom ng gatas bago matulog? Ikaw talagang bata ka." tuloy tuloy na sabi ng kanyang ina.

Natawa naman kami dahil biglang namula ang pisngi ni Clark.

"Si mama talaga." nahihiyang sabi ni Clark

"At bakit anak?" sambit ng ina. "Yung Clarky boy ko ay big boy na." malambing na sabi muli ng ina ni Clark at niyakap niya ito.

They look both cute. Parang si Mama at si Lance lang.

"Goodmoring Tita Carol." bati naman ng mga kaibigan ni Clark.

"Goodmorning sa inyo mga anak." masayang sabi ng Mama ni Clark, bigla naman siyang napatingin sa amin. "May mga kasama pala kayo?"

"Opo ma." mabilis na sabi ni Clark. "Ma, this is Celine, Michelle, Nicole, Aira and Shaina." pag iintroduce sa amin ni Clark sa mama niya.

"Hello mga hija." masayang sabi ng mama ni Clark, binati naman namin siya.

"Pumasok na kayo sa loob, at nagluto ako ng majah blanca at pancit guisado sa loob." mabilis na sabi ng mama ni Clark.

Kaagad naman kaming pumasok sa bahay nila Clark, at bumungad kaagad sa amin ang napakalaking sofa nila at malaking t.v na nakalagay sa dingding. Nagtungo kami sa kanilang dining area para kumain.

"Magkakaklase ba kayo?" tanong sa amin ni Tita Carol.

"No ma, kami kami lang nila Pau ang magkakaklase, sila Michelle, Nicole at Celine kaschoolmates lang namin. Pero si Shaina at si Aira ibang school sila." paliwanag ni Clark sa kanyang ina.

Tumango tango naman si Clark, ilang sandali lang ay may biglang nagsalita na lalake na patungo sa amin.

"Clark anak!" masayang sabi ng lalake.

"Pa!" masayang salubong ni Clark sa kanyang ama.

"Hi Tito Edgar!" mabilis na bati ng mga kaibigan ni Clark.

Nagkamustahan sila saglit at sinamahan na kaming kumain ng almusal ng Ama ni Clark.

"Sino sa inyo mga hija ang girlfriend ng anak ko?" seryosong tanong ng Ama ni Clark sa amin.

"Si Shaina po!" mabilis na sabi ng mga kasama ko at tinuro ako.

Natigilan naman ako sa pagsubo ng pansit dahil sa sinabi nila. Anong kalokohan to?! Masasapak ko na mga kasama ko!

Tinignan ko naman sila, at sinamaan ko sila ng tingin pero sobrang lapad ng mga ngisi nila. Lalo na si Aira at Bryan!

I'll going to grab a gun and I'll shoot them all! I swear!

Hello StrangerWhere stories live. Discover now