Chapter 27: Where Are You

123 5 1
                                    

Shaina Pov.

Halos dalawang araw ng nawawala si Clark, nung una akala ko kailangan lang niyang magpahinga dahil sa nangyari sa akin. Pero nung tinanong ko na sila Paulo kung nasaan ba siya ay lahat sila ay walang maisagot.

Nakaramdam ako ng kaba dahil sa hindi nila alam kung nasaan siya. Sobra sobra ang takot ko dahil baka may nangyari ng masama sa kanya.

"Try nating magtungo sa Pampanga, baka nagka emergency lang sa kanila." sambit ni Bryan habang nasa Central Park kami.

"Oo nga, subukan natin." mabilis na sabi ni Gino habang inaayos ang kanyang buhok.

"Bakit ganon? Kung nagtungo siya sa Pampanga bakit hindi man lang siya nag pasabi kahit isa sa atin?" gagad kong sabi sabay upo sa bench. "Hindi ba niya alam na nag aalala ako?"

Napabuntong hininga naman si Paulo.

"Calm down Shaina." sambit ni Lucas ng tumabi sa akin sa bench at hinaplos ang likod ko upang pakalmahin ako.

"What?!" giit kong sabi. "Fucking calm down?! Lucas, 2 days na nating siyang hinahanap! Ni anino niya hindi man lang natin makita. Ni hindi na nga rin ako nakakapasok ng dalwang araw dahil sa pagkawala ni Clark!" Halos nanggigilid na ang mga luha ko. "Pagod na ako, halos gusto ng sumuko ng katawan ko kakahanap sa kanya, pero pilit kong tinatatagan ang loob ko para lang sa kanya."

"Shaina..." mahinang sabi ni Lucas.

"Hindi ako... hindi talaga ako mapalagay." sambit ko sabay narin ang pag patak ng luha ko, "Dalawang araw na akong hindi makatulog dahil lang kay Clark. Alam naman natin na nakalaya na si Grey, at baka kinuha siya diba?"

"Mahahanap rin natin siya Shaina." sambit ni Bryan.

"Ang mabuti pa maghiwahiwalay na muna tayo. Gino ikaw na muna ang sumama kay Shaina." sambit ni Bryan.

"Paulo kayong dalawa naman ni Lucas ang magkasama."

"Sige" sabay na sabi ni Paulo at Lucas.

"Magtutungo ako sa ibang lugar baka sakaling mahanap na natin si Clark." sambit ni Brayn, "Sige na." sambit niya at sumakay na siya sa kanyang kotse.

"Sige, mauna na kami. Magtutungo ako sa iba din namin kaibigan na medyo malayo sa Manila." sambit ni Paulo. "Halika na Lucas."

"Okay" sambit ni Lucas bago niya patayin ang sigarilyo niya.

Halos buong araw na to, hinanap lang namin si Clark. Kahit na kung saan siya gumigimik at tumatambay.

Halos lahat ng kilala ni Clark napag tanungan narin namin kaso nabigo kami dahil hindi man lang nila alam kung nasaan si Clark.

Pasado alas otso na ng gabi ng mapadpad kami sa Skyrocks ni Gino.

Nang makapasok kami sa loob ng Skyrocks nagbabakasakali ako na sana nandito siya, okay lang kahit na may kasama siyang babae. Basta ang importante ay makita ko ang presence niya.

"Wait Shaina, itatanong ko lang sa mga kakilala ko si Clark." sambit ni Gino at nagtungo sa isang table na tila kaibigan niya or common friends niya.

Nilibot ang mga mata ko sa loob ng Skyrocks, ang tagal ko ng hindi nakakapunta dito. Halos pinagdadasal ko na sana ay nandito si Clark.

Kung saan saan ako dinala ng mga paa ko sa loob ng Skyrocks pero bigo ako dahil wala akong nakita kahit na anino man lang ni Clark.

Napaupo ako sa counter bar at sinandal ko ang ulo ko doon.

"Nasaan ka na?" sambit ko habang naiiyak.

Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng isang pamilyar na boses na nakikipag tawanan. Kaagad akong napa angat ng tingin at biglang tumingin sa kanya.

Hello StrangerWhere stories live. Discover now